Author's Note

1.6K 40 4

Attention: Basahin po, nandito yung ilan sa questions niyo, guide para hindi malito sa kwento. Kung ayaw niyo basahin aba! bahala po kayo. Hahaha

Meron na pong Chapter 49-52. Enjoy!

Hi Friends,

Hello! nandito na naman ako hahaha. Gusto ko lang sanang ipaliwanang yung about sa Cuthbert para hindi kayo malito, lalo na yung sa Grade Level nila.

1st: Ang Cuthbert po kasi ay school na ginawa para sa anak ng mga bigtime/highprofile/negosyante/politician at kung anu-ano pa, para doon sila tumira at mag aral. At the same time safe sa loob lang ng Academy. Take note sa loob lang ng academy. Bakit sa academy lang? read the 2nd part.

2nd: Kung nagtataka kayo bakit nakakalabas sila kasi po ayun ang kakaiba sa Cuthbert, kung ieenroll ka ng parents mo depende sa kasunduan nila ng school kung anong mga privilege mo. Then lahat nang yon ay papasok sa system nang school na nakarecord din sa ID ng estudyante, ayun yung pinaka ticket/way (ID) nila para magawa kung anong mga privelege na meron sila. Kagaya ng buong MCC tsaka ng iba pang estudyante, nakakalabas sila kahit kailan nila gusto basta walang klase pero nasa kasunduan ng school-parents na what ever happen outside school premises ay hindi sagutin ng school dahil yung parents naman ang may gusto na payagan silang makalabas. And kung meron nga silang privilege na makalabas ang mangyayari ay bago sila makalabas ng academy nadedetect sila ng system na nakakabit sa gate ay kung mabasa ng systen yung mga data's sa ID nila, hahayaan na silang makalampas kung hindi syempre hindi bubumas. Tanga lang? hahaha.

3rd: Kung nagtataka naman kayo kung bakit may namatay na sa Cuthbert eh marami paring studyante. Please wag nalang kayo magtaka ang hirap ipaliwanag hahaha. JOKE. Kasi nga po ang Cuthbert ay school na ginawa talaga para sa anak ng mga VIP/highprofile/politicians etc.. And parang nakasanayan nang doon talaga nag aaral yung mga anak ng ganyang mga personality, parang nasa school na yon yung mga susunod na businessman/leader ng bansa. Kung nagtataka uli kayo bakit hindi lumalabas yung issue sa media kasi nga po mga kilalang tao sila, ang nabasa niyo naman na yung cases and history nila ay medyo kakaiba, kung hahayaan ng mga pamilya nila na lumabas sa media magiging kahihiyan nila. Sabi nga ni Craig kay Kenna "alam mo ang mundo natin minsan mas mahalaga ang pangalan kaysa ang sariling dugo." Gets? haha

4th: Sa tagal naman ng pag aaral. Diba usually dito sa Philippines bago magkaroon ng K12 ngayon, ang way ng pag aaral dati ay Elementary, Highschool then college. Sa Cuthbert po iba.

Primary (Grade 1 to 7 )

Secondary ( Grade 8 to 12 )

Tertiary ( Grade 13 to 15/ Eto pong grade level na to ay nilagay lang ng Cuthbert para sa mga estudyante na hindi pa ready for college after nila makagraduate sa secondary level, parang nagkaroon sila ng extrang three years (grade 13,14,15) para mag isip isip ng gusto nila bago mag college, then dito sa grade na to ikaw nang bahala kung anong subjects ang gusto mong i-take. ) Gets? kung hindi parin po ay itigil na natin to hahaha.

4th: Para po hindi kayo malito eto ang name ng parents at guardian ni Kenna pati narin ng mga name na nababanggit nila, hindi niyo kasi binasa yung Names and Characters sa first part nitong story. Tse!

Augustus Malcolm - Kenna's father

Cassandra - Kenna's mother (deceased)

Mommy Quia - yung bestfriend ng mommy ni Kenna, siya rin yung nagpalaki kay Kenna after mamatay ng mother niya.

Mr. Seymour Prodigious - owner ng Cuthbert

Sir Isaac Hugo - professor din sa Cuthbert, Ninong ni Clifford at bestfriend ni Georgina Enebezer na nanay ni Clifford.

P.S

Kung may tanong po kayo please comment lang kayo dito then dito ko nalang po ilalagay yung sagot. Thank you.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!