Chapter 20: Please don't die

2.5K 87 2

Please don't die

Amber's POV

One week na ang lumipas, miss na miss ko na si Chloe pero hindi na talaga siya nagpunta dito sa headquarters. Kailangan ko siyang tiisin para sa ikakabuti niya at isa pa kailangan kong maobserbahan si Brittany, kailangan umayon ang lahat sa kagustuhan niya para matapos na to.

"Feeling niya yata MCC siya, bakit ba laging nandito ang isang yan?" Gusto kong matawa sa parinig ni Craig kay Brittany na ilang araw ng tumatambay dito sa quarter.

"Kailangan kahit nasaan sila Kuya Dwayne at Cliff ay nandoon din ako." Sagot niya kay Craig na lalong nagpairita sa isa.

Naiirita na talaga ako sa kanya pero kailangan kong makisama para kay Chloe. Kapag natapos na talaga to ay hinding hindi ako papayag na makatuntong siya dito sa headquarters.

"Miss na miss ko na si Chloe!" Biglang sumigaw si Kenna kaya napatigil ang lahat.

"Uo nga kahit tahimik lang si Chloe iba parin kung nandito siya." Pag sang ayon pa ni Clifford kay Kenna.

Kita ko ang pasimpleng pagsimangot ni Brittany bago siya sumabat. "Siguro totoong may relasyon kayo ni Ate Chloe no?" Walang preno niyang sinabi kay Cliff.

Napatayo ako at nagsalita. "Ikaw Brittany ilang araw ka na nga bang tumatambay dito? Siguro dapat ka nang tumigil sa pag punta tutal alam na nating lahat na si Chloe ang nagpapadala ng sulat sayo. Safe kana diba?" Naiinis na talaga ako sa kanya.

"Amber stop it! Hindi natin sigurado kung si Chloe talaga yon." Saway sa akin ni Dwayne, kinampihan pa talaga niya si Brittany. Poor Dwayne, kung alam niya lang kung gaano ka-manipulative si Brittany.

Tumayo si Brittany at tumakbo habang nagkukunwaring umiiyak. Sinundan siya ni Dwayne. Ang galing niya parang artista, nabilog na niya ang ulo ni Dwayne.

Wesley's POV

Hinila ko si Amber pagkatapos niyang magsalita at dinala sa labas.

"Amber kailangan mo siyang tiisin na pakisamahan kundi ay wala kang makukuha na kahit na ano sa kasong to." Pinagsabihan ko siya dahil hindi namin pwedeng galitin si Brittany. Hindi pa kami sigurado kung hanggang dito lang ang balak niya.

"Sa palagay ko wala naman siyang gagawing masama dahil nakuha na niya ang gusto niya! Ang agawin ang papel ni Chloe sa lahat, tsaka sigurado akong hindi siya gagawa ng masama dahil five days na silang magkasama ni Dwayne. Five fvcking days!" Halos mapasabunot na si Amber sa inis.

Hindi na mapigilan ni Amber ang emosyon niya dahil sa pagkadismaya, hanggang ngayon ay wala pa kaming nalalaman. Lahat ng impormasyon tungkol kay Chloe at Dwayne ay nakablock. Parehas silang galing sa hindi basta-bastang pamilya, mas kilala kumpara kay Brittany.


"Amber tigilan mo ang pagiging emosyonal mo. Ang mabuti pa ay ipagtapat na natin sa iba pa ang lahat lalo na kay Dwayne, dahil tingin ko siya ang makakalutas ng kaso na to." Nagdesisyon na akong ipaalam sa lahat ang nalalaman namin. Mas mainam na nga siguro ito.

Hinawakan ko ang kamay ni Amber at hinila siya pabalik sa headquarters.

Pagkabalik namin ay saktong rin na bumalik si Dwayne sa headquarters.

"Asan si Brittany?" Naunahan na ako ni Amber sa pagtatanong.

"Nasa dorm magpapahinga daw." Sagot ni Dwayne.

Duda ako na nagpapahinga siya ngayon.

"Since kumpleto na tayo may gusto kaming sabihin sa inyo tungkol sa kaso." Pag uumpisa ni Amber.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!