Chapter 6: Latex

4K 131 18

Latex

Kenna's POV

"Simula pagkabata ako na ang nag alaga sa dalawang yan, hindi ko maintindihan kung paano mo nasabing konektado sila sa pagkamatay ng estudyante sa paaralan ninyo. Apat na taon nang patay si Adam at si Abram naman ay bigla nalang nawala." Lalong lumakas ang hikbi nang matanda.

Lumapit ako kay Lola naaawa ako sa kanya kaya niyakap ko siya. Hindi man niya kadugo ang dalawa ay sigurado akong minahal niya ang mga ito. Hindi kagaya ng iba na kahit sariling kadugo ay hindi nila matanggap.

"Lola pasensya na pero pwede niyo po bang ituloy ang kwento, dahil pagkatapos nito ay baka magkaroon kayo ng pagkakataon na makita si Abram." Pakiusap ni Wesley sa matanda.

"Hindi naging maganda ang resulta ng pagkamatay ni Adam. Masayang pamilya sila dati pero sa pagkawala niya naging magulo sila. Sinisi nila si Abram kaya umalis yung bata at hindi na nagpakita. Nagsisi naman ang mga magulang niya pero huli na dahil hindi na nila mahanap kung nasaan siya.  Kaya nag desisyon silang umalis ng bansa at iwan sa akin ang bahay na to, dahil kung sakaling bumalik daw si Abram ay may sasalubong sa kanya. Mag aapat na taon na akong naghihintay pero hindi na bumalik ang batang yun." Malungkot nyang sinabi sa amin ni Wesley.

"Natatandaan niyo pa po ba kung kailan kinunan ang litrato na to?" Tanong ni Wesley.

"Siguro ay may pito o walong taon na ang nakakaraan."

Medyo naintindihan ko na siguro ay taga Academy nga ang may ari ng picture dahil doon ko ito nakita. Kung ganoon ay nasa Academy lang si Abram at maaaring siya ang pumatay kay Ralph.

Pero sino si Abram sa school.  Wala akong matandaan na kabatch ko na Abram ang pangalan.

"Lola saan po ba nakuha ni Adam yung peklat sa mukha niya." Naisipan kong itanong.

"Siguro ay may labing dalawang taon na ang nakakaraan mahilig pumunta si Adam sa bahay ampunan, may bestfriend siya doon. Isang araw ay nagkasunog sa ampunan sinubukan iligtas ni Adam ang bestfriend niya. Sa awa nang dyos nakaligtas silang parehas. Walang nakuhang galos ang kaibigan niya, pero si Adam ay nasunog ang kalahati ng mukha at wala ng lunas. Nakakalungkot lang isipin na kahit madami silang pera ay wala ng paraan para maibalik ang mukha niya sa dati."

"Asan na po yung kaibigan niya?" Tanong kong muli dahil baka may kinalaman siya sa nangyari.

"Si Abram ang batang yun. Inampon nila si Abram dahil sa kagustuhan ni Adam. Minahal din siya ng mag asawang Ross. Siguro lang ay dala ng emosyon kaya sinisi nila si Abram sa nagyari kay Adam, pero alam ko at alam ng dyos kung paanong nagdusa ang mag asawa sa nagawa nila." Ibig sabihin malaki pala talaga ang utang na loob ni Abram sa kanila.

Umalis kami sa bahay at nangako ako kay Lola na magkikita pa silang muli ni Abram.

Gabi na masyado. Hindi ko na kaya ang antok ko. Habang nasa bus kami ay nakatulog na ako. Nagising akong nandito na sa kama ng kwarto ko.

Wesley's POV

Ang sakit ng likod ko dahil sa babaeng yun pambihira, hindi naman siya kalakihan pero napakabigat. Kailangan ko pa siyang ihatid sa kwarto niya pero naabutan ko si Craig na naghihintay sa kanya. Ano bang meron sa kanila?

Ngayong araw ko balak isiwalat ang nalaman ko, nasabi ko na rin sa lahat ang mga nakalap kong impormasyon. May mga nagulat pero lahat sila ay siya rin ang hinala, pero walang makaisip nang matibay na motibo para gawin niya ito.

Nandito kami lahat sa headquarters kasama si Chuck Lars.

"Bat niyo ako kailangan? Sa palagay ko ay sapat na lahat ng sinabi ko noon." Pag iwas niya agad kahit wala pa kaming sinasabi.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!