Chapter 10: Contact lense

3.7K 116 0

Contact lense

Laura's POV

"Nasaan kayo nung gabing mamatay si Skyler bakit di niyo agad nalaman na patay na yung kaibigan niyo?" Tanong ko sa mga batang kaharap ko.

Nandito kami ngayon sa interview room nang headquarters. Alam na ni Kenna ang nangyari dahil walang gustong maglihim sa kanya.

"Ma'am, magkakasama kaming lahat kagabi kahit itanong niyo sa iba. Pati yung babae ni Skyler kasama namin hanggang dito sa school. Dumiretso sila sa kwarto ni Skyler kami naman ay nagkanya kanya na. Walang gustong umistorbo sa kanya dahil nga may babae siyang kasama. Pero kanina po ala sais na. Maliwanag na, nag alala kami na malaman ni Ms. Roswell na may pinapasok siya sa dorm kaya nagpasya kaming puntahan sila. Pero iba ang nadatnan namin! Si Skyler puro dugo at wala ng buhay." Tuloy tuloy na sinabi nung isa sa kaibigan ng biktima na hindi parin makapaniwala.

"Pero ma'am kagabi ko pa iniisip diba bawal ang outsider dito? Pero pinapasok siya nung guard. Hindi kami nasita nung sinilip kaming lahat na nasa loob ng sasakyan. Parang kilala nila yung babae." Dagdag pa nung isang kaibigan ni Skyler.

Nagkatinginan kami nila Wesley, kailangan namin makausap yung guard.

Chloe's POV

Hindi ako makapaniwala totoo ba tong nakikita ko. Nandito kami sa loob ng lumang library sa fourth floor ng girls dormitory. Sa dalawang taon ko dito sa academy hindi ako nakapasok dito. Siguradong yung iba din, dahil sa kumakalat na balita na may multo dito dahil sa ingay tuwing gabi.

Pero mali kami, pag binuksan ang pinto ay mukhang creepy sa harap pero kapag nilakad mo ay makikita mo na sobrang linis. Mas malinis pa sa official library ng school.

May isang pinto akong nakita. Nahaharangan siya ng isang hindi kalakihan na bookshelf.

"Craig itulak natin to." Pinagtulugan namin ni Craig yung shelf na parang sindayang iharang dito.

At mas nagulat ako sa tumambad sa akin. Mga damit, hindi lang basta damit dahil pang sexy lahat. Make up, napakaraming telang gloves na may ibat ibang design at kulay at mga lalagyan ng mga contact lense. May napansin din akong isang pirasong lense na nakapatong sa sink, wala tong kapares.

May napansin din akong nakaplastic sa may gilid. Nilapitan ko ito at binuksan, pares ng mga damit at gloves. Mukhang bagong laba. Tuyo na sila pero amoy na amoy ko yung laundry soap.

Tinawagan ko si Wesley. Sinabi ko kung anong natuklasan namin ni Craig. Inisa isa ko sa kanya lahat at kinuha ko ang lahat ng sinabi niya.

Wesley's POV

Buong araw naging abala ang grupo dahil sa hati hati naming trabaho, para dito sa kaso.

"Bakit niyo ako pinatawag?" Nasa harapan namin ngayon ang babaeng nagpapanggap na inosente. Si Patrice Buenafar.

"Dahil ikaw ang pumatay kay Skyler at nanakit kay Kenna. Wag ka nang magsinungaling alam na namin ang lahat." Direktang sinabi ni Craig.

"Hindi ko kayo maintindihan diba kaklase niyo ako. Nakita niyo bang nagkalapit kami? Diba kayo pa ang nakasaksi paano ako pagtulungan ng lahat!" Inosente niyang sinabi.

"Pinasok namin ang abandonadong library at nakita namin to." Inilabas ni Craig sa harap niya ang mga gamit na nakuha sa library.

"At ito." Pinakita ni Chloe ang isang piraso ng contact lense.

"Nagpapatawa ba kayo hindi ko kaya magsuot ng ganyan. Chloe anong gagawin ko sa isang pirasong contact lense? Hindi ako nagsusuot niyan at kung meron man ay magpapasadya pa ako. Mataas ang grado ng mata ko." Hysterical niyang sinabi.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!