Chapter 56: Friends

1.9K 57 3

Friends

Dwayne' POV

Nag uusap lang kami ni Clifford sa may gilid ng party hall kasama si Inspector ng may lumapit sa amin. Si Kenna, she look stunning kasama ang isang lalaki na mukhang kagalang galang talaga. Sigurado ako na ito ang Daddy niya.

Kung ganoon she's right, sinabi niya kasi na malaki ang possibility na dito rin sila pupunta at ito na siya ngayon, kasama ang Daddy niya.

"Garreth." Bati ng Dad ni Kenna kay Inspector.

"Augustus." Sagot naman ni Inspector na mukhang masayang masaya dahil kaharap na niya ang kaibigan niya. Nag bro hug pa sila. Tumalikod na at nag usap. Nawala na sa isip na nandito rin kami.

"Kenna siya ba ang Daddy mo?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Oo Dwayne at tama nga yung sinabi ko sa inyo na kaibigan ni Dad ang Daddy mo Clifford pero mas nagulat ako na kaibigan din niya si Mr. Prodigious. Close friends daw sila." Mahina lang ang naging pag uusap naming tatlo dito dahil baka marinig nila ang pinag uusapan namin.

"Clifford halika dito." Tinawag ni Inspector si Clifford at sinenyasan na lumapit ito sa kanila.

"August ito ang anak ko, kaibigan din siya ng anak mo. Clifford ito ang Daddy ni Kenna. Magpakilala ka." Pakilala ni Inspector Donovan sa Dad ni Kenna at Clifford. Nakita ko na naglahad ng kamay si Mr. Malcolm at medyo nahiya pang tinanggap ni Clifford.

Hinila ako ni Kenna palapit sa kanila medyo nahiya rin ako dahil baka kung anong isipin ng Daddy niya sa gestures namin.

"Daddy si Dwayne nga pala kaibigan ko din." Gusto niya rin pala ako ipakilala sa Daddy niya. Sana dumating na si Wesley para maipakilala niya rin. Hahaha.

"Dwayne Connor po." Sabi ko sa kanya at inilahad ko rin ang kamay ko, na mabilis naman niyang tinanggap.

"Connor?" Pag uulit ni Mr. Malcolm sa surname ko. Kilala niya kaya ang family namin?

"Yes po, Connor ang last name ko." Sagot ko sa kanya.

"May kilala kabang Dominic Connor?" Tanong niya sa akin. Kung ganun ay kilala rin nila si Dad. What a small world.

"Yes po Daddy ko si Dominic Connor." Medyo namangha sila sa sagot ko, hindi ba nila inaasahan na may ganito kagwapong anak si Dominic Connor?

"Talaga Dwayne?" Medyo hindi makapaniwalang tanong ni Inspector sa akin ibig bang sabihin kilala rin niya ang Daddy ko dahil nag confirm siya sa sagot ko.

"Bakit Dad? Tito? kilala niyo po ba ang Daddy ni Dwayne." Singit ni Clifford sa usapan. Mukhang pareparehas na kami nang iniisip na tatlo ngayon dito.

"Yes hijo, schoolmate din namin and daddy ni Dwayne. Kaibigan din namin pero hindi kagaya nang samahan namin nila Garreth. Mas abala kasi ang Daddy ni Dwayne sa mga babae niya at baseball noong kapanahunan namin." Natatawang sagot ni Mr. Malcolm kay Clifford.

Natawa nalang din ako sa sinabi niya, hindi ko alam na may ganung title si Dad noong nag aaral pa siya. Madalang kasi kaming mag usap, pati si Mommy ay busy din kaya wala akong idea about there younger days.

"Daddy what do you mean na schoolmate?" Nakuha ni Kenna ang atensyon ko, oo nga pala ang alam ko ay magkakaibigan lang sila Inspector hindi namin alam na schoolmates din pala sila noon. Interesting naman pala ang party na to, mabuti nalang at pumayag ako sa pakiusap ni Dad na ako ang umattend para sa kanya. Ano pa kayang nalalaman ko ngayong gabi.

"Augustus, Garreth." Hindi na nasagot ni Mr. Malcolm ang tanong ni Kenna dahil sa nabaling ang atensyon naming lahat sa tumawag ng pangalan nila. Si Detective Philbert kasama si Wesley, at Amber. May kasama din silang matandang lalaki, I'm sure he's the grandfather and the Judge based sa itsura niya at isang babae na mukhang mommy ni Amber dahil hawig sila.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!