Chapter 11: Japanese Dynasty Vase

3.7K 106 0

Japanese Dynasty Vase

Craig's POV

Pagkatapos ng mahabang drama sa pagitan ng buong MCC at ni Patrice, mabilisan kaming tumakbo papunta sa kwarto niya para makuha ang cd.

"Craig sa palagay ko naunahan nanaman tayo. Tignan mo may mga tao sa kwarto niya." Turo ni Kenna sa kwarto ni Patrice habang papalapit kami.

"Bilisan niyo tanggalin niyo na lahat yan! Sunugin niyo, kung maaari isama niyo pati ang mga kagamitan ni De Silva tutal wala naman balak kunin ng mga pamilya nila... mga mayayaman talaga hahahaha." Sabi ni Dean Grant habang sinusuklay ang balbas at bigote niya gamit ang mga daliri.

"Teka Dean may kailangan po kami sa kwarto ni Ms. Buenafar." Pigil ni Clifford sa mga inuutusan niya.

"Bahala kayo kung anong balak niyong gawin dyan. Siguraduhin niyo lang na wag kayong magkakalat at malinis dito mamaya hahahaha." Sabi ni Dean habang tumatawa at papalayo sa amin.

"Hindi ko makita kung sa paanong paraan naging Dean yan, mas nakakatakot pa si Ms.Roswell." Walang prenong sinabi ni Dwayne, buti nalang nakalayo na si Dean.

"Ah siya nga pala halika kayo." Tinawag kami lahat ng Dean na nasa may dulo na ng pasilyo. Sinenyasan niya kami para lumapit.

Nang makalapit kami ay may kinuha siya sa bulsa ng coat niya.

"Para sa grupo niyo nga pala." Inilahad niya ang itim na sobre kaya napapitlag ang lahat.

Maaari kayang siya si Ahriman?

Walang gustong magsalita para magtanong sa kanya kung saan niya ito nakuha. Nang magsasalita na sana ako ay naunahan ako ni Wesley.

"Saan niyo po ito nakuha o may nagbigay ba?"

"Ay Mr. Philbert pasensya na hindi kita napansin andito ka pala. Paumahin rin kung hindi man lang kita napasyalan, huwag na sana tong makarating kay Detective." Pag iiba ni Dean sa usapan.

"Salamat. Maaari ko na po bang malaman kung saan niyo nakuha etong sulat?" Pag uulit niya sa tanong.

"Sa lamesa, kinuha ko na dahil mukhang mahalaga. May nakasulat na para sa inyo talaga." Mukha naman hindi nagsisinungaling si Dean.

Kagaya nang sinabi ni Wesley sa grupo, matagal pa siyang magpapakilala.

"Bakit ganon? Ilan naba ang namatay dito sa academy ? Pero parang wala lang sa kanila. Wala lang sa mga magulang nila at hindi rin umaabot sa media?" Ani Kenna habang nakatulala at nakatitig sa Dean na papalayo na.

"Kenna wag mong itanong dahil alam mo na ang sagot. Lahat ng nag aaral dito ay anak ng mga hindi basta bastang tao kagaya nalang natin. Ayaw nila ng eskandalo, alam mo ang mundo natin minsan mas mahalaga ang pangalan kaysa ang sariling dugo. Eto ang pinaka pinagkakatiwalaang lugar para sa mga anak nila. At sa palagay mo papayag si Mr. Prodigious na masira ang pangalan ng school dahil sa mga nangyayari?" Paliwanag ko kay Kenna.

"Tama ka Craig at isa siya sa pinaka mayaman sa bansa. Hindi nga lang yata sa bansa kundi sa buong Asia. Kayang kaya niya nga yatang makontrol ang lahat." Dagdag pa ni Clifford.

"Guys don't you think na may kinalaman si Mr. Prodigious dito?" Tanong naman ni Amber.

Walang nakasagot sa tanong niya, lahat tahimik. Tinitimbang ang mga pangyayari.

Sa palagay ko hindi. Malabo na siya ang may pakana.

Binasag ko nalang ang katahimikan at nagyaya. "Tara na pumunta na tayo sa headquarters at basahin to." Pakita ko sa itim na sobre.

Wesley's POV

Mali, hindi pwedeng si Mr. Prodigous si Ahriman dahil siya mismo ang nag papunta sa akin dito at matalik silang magkaibigan ni Dad.

Alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit niya ako pinakiusapan mag aral dito sa Cuthbert, para mag imbestiga at alamin kung sino ang may pakana ng lahat.

Naisipan siguro nila to sapagkat hindi pwedeng si Dad ang mag imbestiga dito. Alam nilang parehas na pag siya ang pumunta dito malalaman ng lahat ang nangyayari sa academy. Makakaapekto ito sa buong bansa dahil nandito ang mga susunod na negosyante, politician at leader ng bansa.

"Tara na pumunta na tayo sa headquarters at basahin to." Niyaya na ni Craig ang lahat.

Nagpahuli ako sa paglalakad at napangiti, sa wakas pinagkakatiwalaan na ako ni Dad.

Mabilis nilang binuksan ang sulat para mabasa ang sunod na clue. Sana ngayon ay wala ng buhay na madamay.

"Make our family one with you. Help us to be instruments of peace. Grant that love, strengthened by grace, may prove mightier than all the weaknesses and trials through which our families sometimes pass. May we always have God at the center of our hearts and homes until we are all one family, happy and at peace in our true home with you."

"Prove it until the devil comes into their heart."

"What the F! Kailan pa natutong magdasal ang anak ng kadiliman?" Mura ni Dwayne sa mga nabasa niya.

"Parang wala tayong mapapala sa sulat na to kundi maghintay ng susunod na biktima." Frustrated na sinabi ni Amber.

Tama si Amber, parang kailangan na may mamatay pa bago malaman ang meaning ng sulat. Kung anong ibig sabihin nito.

Minsan naisip ko na hindi naman nagbibigay si Ahriman ng sulat para mapigilan namin ang mangyayari. Ang gusto niya lang ay makipaglaro at guluhin ang isip namin.

Kenna's POV

Two weeks na pero wala naman kakaibang nangyayari. Pinagdadasal ko nalang na wala na talagang mangyari. Ayoko nang makakita ng namatay dahil sa larong to.

Sana ay kagaya nalang nang dati ang mga kasong hinahawakan ng MCC. Nakakatulong pero walang namamatay.

Nandito kami ngayon sa Crescent Palace na pag aari nila Sophia Fujiwara. Siya mismo ang nag imbita sa lahat para dito na magpahinga, dahil galing kami sa kung saan-saan na lugar para alamin ang history at culture. Pinangunahan to ni Sir Ives at Ms. Harley, sila kasi ang professor namin sa mga subjects na konektado sa activity na to.

"Victor kausapin mo ako! Ayoko sa lahat tinatalikuran ako, wag kang bastos. Asawa mo parin ako bumalik ka dito!" Lahat kami napatingin sa itaas kung saan nang gagaling ang malakas na sigaw.

"Don't mind them, away mag asawa lang yan. Mamaya ay sweet na sila, ganyan talaga ang parents ko away'bati." Malambing na sinabi ni Sophia sa lahat.

Wesley's POV

"Wow Sophia ang ganda naman ng vase na to, pwede mo bang buksan tong stand para matignan namin ng malapitan?" Sabi ng isa sa mga kaklase namin kay Sophia.

"Hindi pwede!" Nagulat lahat sa pasigaw niyang sagot.

Biglang lumambot ang expression niya at nagsalita muli.

"I'm sorry nagulat lang ako, those are Japanese Dynasty Porcelain Vase isa sa pinaka mahal na vase sa mundo. Ako, si Mom and Dad lang ang may susi at pwedeng magbukas niyan at humawak, bukod doon ay wala na. Sorry guys lagot ako kay Dad kapag binuksan natin to." Paumanhin niya sa lahat. May kakaiba.

Nakita ko na nasa vase ang atensyon ni Kenna at Chloe, nakatitig sila sa isda na naka desenyo sa pinaka gitna ng kabuuan nito.

Nagsawalang kibo nalang muna ako sa inasta ni Sophia, dahil may pakiramdam ako na may kakaibang mangyayari. Ngunit meron man o wala kailangan masabihan ang grupo. Kung sa campus ay hindi kami ligtas sigurado akong mas lalo na dito.

***************

Japanese Dynasty Vase >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!