Chapter 26: Blood trace

2.4K 78 2

Blood trace

Wesley's POV

"Sa tagal ko dito sa academy ngayon lang ako nakaramdam ng takot." Ani Amber habang nakakapit nang mahigpit sa braso ko.

"Wag ka sa akin humawak baka magselos si Clifford." Pabulong kong sinabi.

"Bakit parang mas kinilabutan ako sa joke mo? Ohh please Wes hindi bagay sayo." Ganti niya habang umaakto na para bang sumakit ang ulo niya sa sinabi ko.

Nakarating kami sa dorm ng mga professor, nabuksan kaagad ni Ms. Laura ang kwarto ni Mr. Otis ng walang kahirap hirap dahil may duplicate siya ng susi. Bakit nga ba malayang nagagawa ni Ms. Laura ang lahat dito sa Cuthbert.

Nagsawalang kibo nalang muna ako dahil maaaring dahil na rin sa koneksyon niya bilang guro kaya siguro ganoon.

Nagumpisa na kaming maghanap ng mga ebidensya panlaban sa tunay na salarin.

"Wesley tignan mo basag na vase, may dugo ooh." Turo ni Ms. Laura sa bubog na nagkalat sa harap ng parang divider ng pinaka sala at kusina ng kwarto.

"Sa palagay mo pinukpok muna ng suspect yung asawa ni Otis bago niya saksakin?" Tanong ni Amber.

Mali, kung dito niya inihampas ang vase bakit nasa sala ang katawan ni Ms. Eliziana.

"Eto naman Welsey, gamit ko yung fingerprint detector ko, nakakapagtaka lang yung mga naiwan na prints ni Kenna, parang sinadya." Pakita ni Sir Blair sa mga lumitaw na finger prints ni Kenna sa likod na pinto dahil sa gamit niya. Lahat ng daliri ay may bakas sa door knob.

"Anong tawag dyan Sir?" Tanong ni Amber sa bagong gamit ni Sir Blair.

"Ah eto ba? Wala pa nga akong naipapangalan, pero pag binuksan mo to at initutok sa isang bagay o katawan lalabas kung ano man yung mga dumikit sayo, iilaw siya parang luminol din pero yung luminol kase para sa dugo diba? Eto naman para sa fingerprints." Excited niyang sinabi kay Amber.

"Speaking of luminol." Nang inumpisahan sprayan ni Cliff ang sahig simula kung saan natagpuan ang katawan ng biktima hanggang sa likod na pinto. Lumabas ang bakas ng mga dugo na sinadyang linisin, kumikinang.

"Tignan niyo to." Tili ni Amber sa lahat.

Lumapit kami sa kanya. "Kanina pa ako nagtataka bakit nga ba walang mga blood traces dito, eh nilinis naman pala nung suspect. Pero mali pala, tignan niyo to hindi nabura, parang logo kaya lang kalahati nalang." Turo niya sa parang bumakat na kung ano sa sahig, dahil sa mga dugo.

"Amber dala mo ba yung ipad mo?" Tanong ni Craig habang nakatitig sa bakas ng dugo na mukhang hindi nga nabura dahil sa pagmamadali ng suspect.

"Yes, bakit may ipapahanap kaba?"

"Pwede mo bang tignan ang coat of arms ng mga Malcolm ng Europe?" Lumapit pa siya para masigurado ang hinala niya.

Ilang segundo pa at itinutok ni Amber ang ipad sa mukha ni Craig.

"Teka mag kahawig nga. Ibig sabibin si Kenna nga ang suspect?" Hulang tanong ni Clifford.

"Mali ka Clifford, sa palagay mo ba ay kayang pumatay ni Kenna?" Iritadong sagot ni Craig.

"Wag kayong mag away, sabi ko sayo kumalma kalang." Paalala ni Ms. Laura kay Craig.

"Ang mabuti pa ay tignan natin sa mga gamit ni Ms. Eliziana kung kanya ang bakas na yan." Suggestion ni Ms. Laura.

"Hindi na kailangan, siguradong sa suspect yan. Nakita niyo naman na walang suot na sapatos ang bangkay kanina saka paano siya gagawa ng sarili niyang bakas ng dugo kung patay na nga siya." Bigla ko nalang nasabi ang nasa isip ko, ang mga napansin ko, dahil malabo talagang said biktima galing ang bakas.

"Oo nga pala pasensya na." Medyo napahiya si Ms. Laura sa sagot ko. "Kung ganoon?" Pagbabalik niya sa usapan, kung anong sunod na gagawin.

"Kay Oswald Otis ang bakas na to, unang una hindi maaaring magkaroon ng sapatos si  Kenna na may tatak ng coat of arms ng mga Malcolm, dahil hindi siya tanggap ng sarili niyang pamilya. Siguradong kay Otis to, binigay ni Eliziana." Nakakasigurong sinabi ni Craig.

"Linawin ko lang ibig sabihin may exclusive na sapatos ang pamilya Malcolm at nabigyan si Otis? O maaaring binigyan lang siya ng asawa niya dahil sabi mo nga hindi rin naman siya tanggap ng mga Malcolm." Paglilinaw ni Clifford sa mga naisip ni Craig.

"Kung ganoon kailangan na natin puntahan si Sir Otis bago pa niya itapos yung ebidensya." Nagpapanic na sinabi ni Amber.

"Hindi na kailangan dahil sa kagaya niyang gahaman hindi na niya iisipin yun, milyon ang halaga ng sapatos niya at mukhang wala naman siyang idea na magagamit yun laban sa kanya. Nalinis na nga niya ang bakas ng dugo......yun ang akala niya." Naka kuyom palad si Craig sa mga naiisip niya.

"Kung ganoon anong gagawin natin?" Bakas na bakas ang pangamba kay Amber.

Nagsalita na ako dahil nakukuha ko na kung anong tunay na nangyayari.

"Sir Blair pwede bang magpunta ka sa morgue at iautopsy mo yung bangkay, pakitignan kung may bakas na hinampas siya ng vase pati narin yung mga finger prints, sa tingin ko mas makakatulong yang gamit mo kaysa sa naunang finger prints na nahanap sa katawan niya." Nakiusap ako kay Sir para mapatunayan na hindi naman nabasag ang vase sa ulo ng biktima pati narin ang finger prints na maaaring sadya lang inilagay.

"Ms. Laura ikaw naman po, pwede niyo bang kausapin yung mga ibang professor kung may napapansin silang kakaiba kay Sir Otis? Lalo na si Sir Hugo, dahil siya ang nagsabi na nakita naman niya si Sir Otis kaninang umaga, baka lang may napansin pa siya." Mahaba kong sinabi.

Ayon kay Sir Otis kanina ay mapapatunayan ni Sir Hugo na nasa faculty lang siya ng buong araw para gawin ang naiwan niyang trabaho.

"Tayong apat naman ang maghahanap kay Kenna." Sabi ko sa tatlo na naghihintay ng sasabihin ko.

"Mas mabuti na maghati tayo sa dalawang grupo mas mabilis kung ganun diba?" Mungkahi ni Clifford.

Tumango nalang ako dahil hindi na nagsalita pang muli si Craig.

Sa huli si Amber at Clifford ang magkasama at kami naman ni Craig.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!