Chapter 31: Everyone has a different story

2.9K 73 10

Everyone has a different story

Wesley's POV

"Kung ganon anong desisyon ninyo?" Ani Ms. Laura na parang nag sisiguro na kung ano bang magiging pasya namin.

Kung ako ang tatanungin ay tatapusin ko ang laro, una sa lahat ito ang tunay na dahilan bakit ako pinalipat ni Dad sa Cuthbert, para alamin ang katotohanan. Isa pa masyado nang maraming buhay ang nasayang kaya oras na para malaman kung sino ang nasa kabila ng lahat ng to, at kung anong koneksyon namin sa kanya at sa iba pa. Kung bakit nakagawa siya ng laro na kaya niyang manipulahin ang lahat sa pamamagitan ng kanya kanyang lihim.

"Game ako! Alam kong kaya natin yan basta sama sama. Gusto kong malaman kung may koneksyon talaga ako sa larong to o pangpagulo lang." Unang sumang ayon si Kenna.

Ano nga bang koneksyon ni Kenna, alam na namin ang tungkol sa kanya o alam na nga ba namin talaga ang lahat o may dapat pa kaming malaman. Ano pa nga bang tinatago niya?

"Ako din, itutuloy ko ang pag iimbestiga. Ayokong ipagpalagay at higit na ayokong umasa pero maaaring may koneksyon to sa nakaraan ko." Sumunod na nagsalita so Craig.

Namatay nga pala ang buong pamilya niya, pero hindi kagaya ng iba, hindi ko makitaan ng bakas nang paghihiganti si Craig. Dahil ba kay Kenna kaya pinapakita niyang kalmado siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Amber kay Craig, oras na siguro para sabihin niya sa iba ang nakaraan niya tutal ay magkakaibigan na sila noon pa.

"My family died a long time ago." Maiksi niyang tugon.

"Died of what?" Tuloy tuloy na pag usisa ni Amber.

"Extermination." Maliban kay Kenna, lahat na sila dito ay nagulat. Wala pala talaga silang alam.

Wala nang naglakas loob na magtanong muli kay Craig.

"Sa palagay ko para mapagtagumpayan natin tong laro ay mag usap usap tayo nang masinsinan." Tinignan kami ng mata sa mata ni Ms. Laura. "Pwede ba natin ibahagi ang past ng bawat isa, baka makatulong." Pakiusap niya sa lahat.

Naalala ko na naman ang sulat ni Ahriman.
"Never reveal all of yourself to other people; hold back something in reserve so that people are never quite sure if they really know you."

Bigla akong kinilabutan, bakit pakiramdam ko isa sa amin ang kalaban. Lahat may tinatago, parang kahit magkwento sila ay may kulang.

"Well ako nang mag uumpisa." Boluntaryo ni Amber. "Orzora clan are working in Judiciary and Justice system. My Lolo was once a jugde ng bigtime cases dito sa Philippines way back ng career life niya and now parents ko naman. The fact na yun ang trabaho nila hindi talaga kami safe, kaya siguro pumayag sila na dito ako mag aral dahil marami kaming threats kaya lang wala silang idea na maaaring nandito ang isa sa mga yon." Eto pala ang dahilan kung bakit nandito si Amber, sinong Judge kaya ang tinutukoy niya na Lolo niya.

"Yes Amber and I heard na talagang walang pinipili at kinakatakutan ang lolo mo, kapag alam niyang mali ay mali talaga. Unlike sa iba na tumatanggap ng bribe." Pag sang ayon ni Ms. Laura sa mga sinabi ni Amber.

"My mum died the moment she gave birth to me." Tahimik na nakikinig ang lahat eto palang ang oras na sasabihin ni Kenna ang lahat, dahil maliban sa mga sinabi ni Otis ay wala na kaming alam sa pamilya niya.

"Hindi ako tanggap ng mga Malcolm dahil kinasusuklaman nila si Mommy, hindi kasi siya ang gusto nila Lola para kay Dad, may iba silang gusto. Hindi rin kasal ang parents ko kaya siguro paborito ni Oswald na tawagin akong bastarda, pero kahit na ganun ay hindi naman pinagdamot ni Dad ang pangalan niya sa akin kahit na tutol ang pamilya niya. And everyone keep on saying na Malcolm is one of the wealthiest family sa Europe, pero wala akong idea gaano sila kakilala talaga dahil hindi na rin akong nag abala pang malaman, simula palang nung una ay itinakwil na nila ako." Malungkot niyang sinabi, bakas sa mukha ni Kenna ang lungkot kahit na magpanggap siyang masaya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!