Chapter 51: MCC's History (Part IV)

2.1K 65 4

MCC's History (Part IV)

Chloe's POV

Napangiti ako sa sinabi ni Dwayne kay Kenna, tama naman siya walang sino man dito sa amin ang may kasalanan, kahit pa sabihin ni Kenna na siya ang nagpaumpisa ng MCC dahil kagaya nga ng sabi ni Dwayne may MCC man o wala kung intensyon ni Ahriman na magkasama sama kaming lahat ngayon ay gagawa at gagawa siya ng paraan para dito.

Pero kahit sinubukan pagaanin ni Dwayne yung damdamin niya hindi parin napigilan ni Kenna yung mga luha niya. Nalulungkot ako para sa kanya lagi niya kasing pinapakita sa lahat na masaya siya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Si Kenna ay kagaya rin naming lahat dito, marami din siyang pagsubok na pinagdaanan bata pa lang, pero kung tutuusin ay mas mahirap ang sitwasyon niya, kaming lahat dito ay nakaraan nalang ang kalaban, hindi kagaya niya na hanggang ngayon na kasalukuyan na ay may kinakaharap paril dahil lumaki na siya't lahat pero kahit isa man lang sa pamilya ng Daddy niya ay walang tumanggap sa kanya.

Nakita naming lahat ang ginawa ni Craig, iniharap niya si Kenna sa kanya at pinahiran ang mga luha nito saka siya nagsalita. "Wag mong isipin na kasalanan mo, hindi naman natin alam kung anong totoo. Isa pa Kenna kahit masaktan ako nang paulit ulit ayos lang basta makita ko na ligtas ka." Inakbayan niya to pagkatapos.

Hindi talaga mapapantayan ang turingan nila ni Craig. Speaking of Craig, bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako nakakapag pasalamat sa kanya noong nakaraan na nakita niyang akong umiiyak at sinubukan niya akong icomfort sa pamamagitan nang pagpapaamin sa akin ng mga nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag pero magaan yung loob ko sa kanya, pero hindi kagaya syempre ng kay Dwayne. Parang kuya siguro yung nararamdaman ko kay Craig.

Nang maisip ko naman si Dwayne ngayon na katabi ko lang bigla akong nabahala, naalala ko na siya rin pala ay muntikan ng mapahamak dahil sa akin ng barilin ako ni Brittany.

Hindi ko na yata kakayanin kapag nawala pa siya, lalo na ngayon na sinusubukan naming maayos ang lahat.

Gusto ko siyang yakapin. Nahihiya akong gawin ngayon to pero niyakap ko siyang bigla, naramdaman ko na medyo nagulat siya sa ginawa ko.

"Woah! I saw that." Napansin kami ni Clifford.

Nahihiya ako dahil ang ingay ni Cliff kaya lalo ko nalang isiniksik ang mukha ko sa tagiliran ni Dwayne. Naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin.

"Get a life dude! haha." Natatawang sinabi ni Dwayne sa kanya.

"Amber are you alright?" Tanong ni Dwayne kay Amber, malapit talaga sila sa isa't isa. Ayokong mag isip ng kung anu-ano but sometimes I'm wondering what if hindi ako sa Cuthbert nag aral, what if hindi naging malapit si Clifford kay Dwayne at Amber, may chance kaya na maging silang dalawa.

Umalis ako sa pagkakayakap ko kay Dwayne at umiling iling sa naiisip ko. Chloe wake up it will never happen mag bestfriend lang sila.

"What happen babe?" Hinawakan ako ni Dwayne sa balikat at tinanong.

"Wala naman nangalay lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Chloe." Tawag sa akin ni Wesley.

"Yes?" Medyo nailang ako dahil nakakaintimidate si Wesley lalo na kung may itatanong siya, para bang kahit hindi naman ako magsisinungaling pakiramdam ko hindi parin ako nagsasabi ng totoo, parang nababasa niya ang nasa isip namin.

"Paano ka nasali sa MCC? nabanggit nila na nagkasama sama sila sa pamamagitan ng invitation. How about you?"

"Eversince yata tahimik lang ako kaya nung lumipat ako ng MCC wala akong kaibigan but thanks to Amber naglakas loob siyang lapitan ako at kaibiganin." Tumingin ako sa gawi ni Amber na parang malungkot pero nang mapansin naman niya ako ay ngumiti na siya kaya ngumiti ako pabalik.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!