Chapter 17: Brittany Hughes

2.6K 90 5

Brittany Hughes

Amber's POV

Nagkatinginan kami ni Wesley bago pa ako magsalita.

"Sa tingin ko kailangan muna nating ilihim sa kanila ang tungkol dito sa sulat. Alamin muna natin yung totoo. Please Wesley ayokong isipin na kayang manakit ni Chloe." Pakiusap ko sa kanya.

Ayokong ipahamak si Chloe dahil lang dito, hindi pa naman kami sigurado. Pwedeng may naglagay lang nito para pag hinalaan namin siya. Para guluhin kami.

"Tama ka gusto ko din malaman kung ano pang lihim ni Chloe at kung siya ba ang tinutukoy sa black letter, o si Brittany dahil may kakaiba din sa kanya." Ani Wesley na sumang ayon sa pakiusap ko.

"Tama ka, hindi natin alam kung sino sa kanila ang tinutukoy sa sulat." Sagot ko sa kasama ko ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag ng sumang ayon si Wesley sa akin.

"Mabuti pa umpisahan mo nang alamin kung sino nga ba si Brittany, kung anong mga lihim niya. Isali mo na rin si Chloe." Utos ni Wesley sa akin.

Mas okay nga naman na ako ang umalam dahil pare-parehas kaming babae.


"Wesley can I tell you something?" Siguro mas mabuting ipagtapat ko nalang sa kanya ang nalalaman ko baka makatulong pa sa kaso.

"Sige, ano yun?" Sagot niya.

Pumikit ako bago humugot ng malalim na hininga. Maaaring mainis sa akin si Dwayne but this can save the girl she really love for how many years.

"Dwayne and I are bestfriend since we were fourthteen years old. Highschool palang kami dito and hindi pa siya ganyan. Tahimik lang siya at suplado sa mga babae bukod sa akin dahil hindi naman ako interesado sa kanya." Pag uumpisa ko.

"And?" Tanong niya, go signal to continue my story.

"Too make this story short mailap siya sa mga babae, it's because may hinihintay siyang babae and that was Chloe, pero nang lumipat si Chloe dito sa Cuthbert two years ago parang hindi naman siya natatandaan ni Chloe, kaya ang ginawa niya ay ipinakita nya kay Chloe na marami siyang babae pero—

"Kahit ginawa niya yon ay hindi parin siya napapansin ni Chloe?" Pinutol niya ang sasabihin ko at siya na mismo ang nagtuloy.

"Oo! Tama ka. Ang nakakapagtaka lang may Hyperthymesia si Chloe diba? Bakit hindi niya naaalala si Dwayne? And imposible, dahil nga magkababata sila. According to my research wala namang amnesia si Chloe. So bakit hindi niya naaalala si Dwayne?" Paikot ikot kong sinabi sa kanya.

"How long they've been friends? Anong reason bakit nawala si Chloe?" Tanong ni Welsey.

"Yan ang hindi ko na alam. Hindi ko na tinanong kay Dwayne. The last time I asked him hindi naman niya sinagot." Sagot ko kay Wes, hanggang doon lang kasi ang nalalaman ko.

"Kung ganon, kung gusto naman pala ni Dwayne na maalala siya ni Chloe bakit hindi niya nalang lapitan yung isa at tanungin diba?" Medyo naguguluhan din na sinabi ni Wesley sakin.


Napaisip ako sa sinabi ni Wesley. Oo nga naman bakit nga ba. "Actually lagi ko binibiro si Dwayne about that thing, pero parang may pumipigil din sa kanya. I think Chloe has the same reason na dapat nating malaman. I bet she have a secret."


Wesley's POV

"Actually lagi ko binibiro si Dwayne about that thing pero parang may pumipigil din sa kanya. I think Chloe has the same reason na dapat nating malaman. I bet she have a secret." Napapansin ko rin yun, tama si Amber sa sinasabi niya.

Nagpatuloy lang si Amber sa pagresearch habang nag iisip ako kung anong tunay na koneksyon ni Dwayne at Chloe.

"Wesley sa tingin ko this info will make things more complicated." Sabi ni Amber.

"Why?"

"Diba sabi ni Brittany she's from London and yes galing siya doon. She stayed in London for four years bago siya lumipat dito." Ani Amber.

"Four years? Paano yung mga nauna niyang taon? Nasaan siya?" Tanong kong muli.

"Dito sa Philippines and connected siya kay Dwayne. Stock holder ang papa niya sa company nila Dwayne same sa parents ni Chloe." Napatingin ako sa kawalan sa sinabi ni Amber.


Maaaring magkakakilala na sila noon pa man Pero ano bang pumipigil para mag panggap silang hindi sila magkakakilala? Tanong ko sa sarili ko dahil sa mga sinabi ni Amber.


"Sa palagay ko magkakakilala sila pero bakit parang hindi naman kilala ni Dwayne si Brittany? Si Chloe din. Hay ang gulo!" Napasabunot nalang si Amber sa maikli niyang buhok.

"And isa pa pala Wesley." Pag putol na naman ni Amber sa sasabihin niya bago muling magsalita.

"Ka-age natin si Britttany so what is her reason kung bakit mas mababa ang year level niya." Nakaharap na si Amber sa akin ngayon.

"Bakit ba ang hilig mo magputol nang sasabihin?" Iritado kong tanong. Napahagikgik si Amber sa sinabi ko, nang bumukas ang pinto.

"Sorry naka instorbo ba ako sa inyo?" Si Kenna yung pumasok. Nakayuko lang siya habang kinukuha yung bag niya.

Natahimik si Amber bigla, awtomatikong bumukas ang bibig ko. "It's not what you think Kenna."

"Why Wesley? May dapat ba akong isipin?" Malamig ang pagkakasabi niya sa akin.

Bumukas muli ang pinto at si Craig naman ang pumasok.

"May nangyari ba? Bakit ang tahimik niyo?" Nagtatakang tanong ni Craig dahil tahimik lang kaming tatlo. Walang umiimik.

"Wala naman sinabi ko lang na goodluck sa ating lahat sa bagong kaso." Pag sisinungaling ni Kenna.

"Ganun ba?" Sabi ni Craig habang kinukuha ang bag na hawak ni Kenna.


"Oo palagi kasi akong walang naitutulong hindi kagaya ninyong lahat." Sabi ni Kenna ng hindi tumitingin kahit kanino.

"Kenna bawiin mo yan, alam mong pantay pantay tayo dito sa MCC." Hindi sumang ayon si Amber sa sinabi ni Kenna.

"Tama na yan. Tara na Kenna." Tumingin lang si Craig sa amin ni Amber at tumango bilang pag papaalaa. Pinagsaklop niya ang kamay nila ni Kenna at naglakad. Kitang kita ko.


"Kenna." Nagsalita na naman ng kusa ang bibig ko, pero hindi na siya lumingon.

"Huuuh! Tell me Wesley what happened?" Naguguluhan na tanong ni Amber.

Hindi ko rin alam Amber, ngayon ko lang yata masasabi na hindi ko alam kung ano'tong nararamdaman ko at nangyayari sa sarili ko. Matagal na ng huli kong naramdaman to.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!