Chapter 63: USB

1.8K 61 7

USB

Wesley's POV

Lumipas ang dalawang araw na magkakahiwalay ang MCC dahil narin sa mga nangyari.

Si Chloe na kailangang manatili sa ospital hanggang sa magpasukan at si Dwayne na araw araw siyang binabantayan pati na rin si Sir Magnus na unconscious parin sa ngayon.

Madalas din ako doon para pumalit kay Dwayne sa pagbabantay, kung hindi naman ay sinusubukan ko din magresearch.

Si Amber naman nakakulong nalang sa bahay nila simula nang tumakas siya para magpunta sa Antipolo. Sinabihan ko nalang siya na abusin ang pagkakataon para alamin yung iniutos ko sa kanya.

Si Clifford ay doon muna pinatigil ni Inspector sa bahay nila malapit lang din sa academy. Naiinis na daw siya dahil sa ikinikilos nang ama niya, nagiging over protective daw, sinabihan siya ni Dwayne na intindihin nalang dahil matagal silang hindi nagkasama kaya natatakot lang ito na mapahamak siya.

Nabanggit din sa akin ni Dwayne na napaka unusual sa Daddy niya na tawagan siya para lang kamustahin siya at sabihin na magpakabait siya. At mag iingat palagi.

Ano bang sekreto nila? Bakit ganoon nalang ang takot nila na baka may mangyari sa amin, o na may malaman kami.

Ring......

Si Dad, tumatawag parang alam ko na kung para saan ang tawag na to.

"Dad." Sabi ko sa kabilang linya.

"Nasaan kana? Papunta na ako, pumunta ka narin."

Tumawag lang ba siya para ipaalala to pero alam ni Dad na pupunta naman talaga ako dahil kaibigan ko si Kenna at malaki ang naging parte ko kaya nadamay si Ms. Quia.

"Yes Dad paalis na ako." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Ang one more thing......mag uusap tayo mamaya." Pahabol niya bago ko tapusin ang tawag.

"Okay." Alam ko na kung tungkol saan ang pag uusapan.

Pagkatapos nang pag uusap namin ni Dad sa cellphone, pumunta kaagad ako sa simbahan kung saan gaganapin ang misa para basbasan ang abo ni Ms. Quia.

Nakita ko ang napakalungkot na si Kenna, yakap yakap ang pinag lalagyan ng abo nang kinilala niyang ina simula nang ipinanganak siya. Katabi niya sa kaliwa ang Daddy niya na bumalik pala dito sa bansa, na dapat lang naman dahil hindi simple ang pinag dadaanan ng anak niya at matalik niya ring kaibigan ang namatay. At si Craig na nakatayo sa kanan ni Kenna. Malungkot din siya dahil halos lumaki nga rin pala siya sa nanay nanayan nito.

Nang matapos ang misa pagkaraan ng isa't kalahating oras nagtipon tipon kami sa isang parang maliit na garden. Nandito kaming lahat na MCC pati na rin si Ms. Laura at Sir Blair na tumulong kay Kenna, maliban nalang kay Dwayne at Chloe na nasa ospital. Nandito rin ang mga magulang namin at si Uncle Seymour na hindi ko napansin kanina.

"Siguro this is the right time para sabihan ko sa inyo." Napatingin kaming lahat sa biglang nagsalita na si Uncle Seymour.

"Anong ibig mong sabihin Seymour?" Tanong ni Inspector.

"Three years ago nalaman ko na nag aaral pala ang mga anak niyo sa Cuthbert pero hindi sila magkakakilala kaya naisipan ko na bakit hindi ko sila pagsama samahin?" Ibig sabihin siya pala ang may kagagawan kaya sila nagkasama sama, yung libreng hotel accommodation.

"Anong ginawa mo?" Nakakunot noong tanong ni Tita Paige.

"Naisipan ko silang padalhan nang invitation para manatili ng libre sa isang hotel na pag aari ko. Gusto ko na maging magkakaibigan sila gaya natin." Malungkot niyang sinabi.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!