Chapter 30: And the real game begins

2.5K 71 3

And the real game begins

Dwayne's POV

"What the fvck! Lahat kayo injured? Nawala lang kami ni Chloe." Hindi ko na napigilang hindi magmura.

Hindi talaga ako makapaniwala dahil lahat sila dito sa loob ng VIP room ng ospital ay sama samang nagpapahinga.

Si Kenna may benda sa ulo dahil hinampas daw ng vase tsaka inoverdosed ni Otis. D*mn that Otistik. Si Wesley naman may benda sa kanang balikat dahil sa tama ng baril, si Clifford ay may benta rin sa ulo dahil hinampas rin daw siya at hindi niya alam kung ano yung tumama sa ulo niya. Ang nakakatawa lang hinampas niya daw si Otis para makaganti siya, kahit na hindi naman pala ito ang may kasalanan. Hanggang ngayon wala paring nakakaalam kung sino nga ba ang nanakit kay Cliff at Amber.

"Pwede ba wag ka ditong magkalat ng bacteria ng bibig mo. Ang ingay mo nagpapahinga kami." Nagtataray na naman si Amber, maasar nga ang isang to.

"Ang arte mo eh ikaw nga yata pinaka hindi napuruhan kaya wag kang mag inarte dyan."Ganti ko sa pagtataray niya.

"Aba talagang inaasar mo ako huh! Buti pa ikaw nalang yung sumama sa paghahanap kay Kenna tapos ako ang nagbantay kay Chloe ng napuruhan yang pinag yayabang mong mukha." Ano na naman problema niya sa gwapo kong mukha.

"Hoy Amber Orzora pinag nasahan mo din ako dati! Nagkataon lang hindi kita type!" Syempre joke lang yun, alam naman namin na hindi talaga kami talo. Parehas kaming lalaki hahaha.

"ANG KAPAL TALAGA—"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagdating ni Ms. Laura.


"At bakit nag iingay na naman kayo? Diba ang sabi ko magpahinga muna kayong lahat. Kailangan niyo ng lakas sa susunod na kaso dahil baka this time ay hindi lang yan ang abutin niyo." Nakapamaywang na sinabi ni Ms. Laura. Ang taray lang.

"Asan nga pala si Craig? Bakit parang siya lang ang kulang?" Pag-iiba ko sa usapan dahil siya lang ang kulang sa grupo.

"Bakit namiss mo na ako?" Sakto pagkahanap ko sa kanya ay dumating na siya.

"Bumili lang ako ng pagkain nila dahil for sure walang kakain ng pagkain dito sa ospital." Sabay pakita niya ng kung anu anong pagkain galing sa fastfood.

"Teka susunduin ko si Chloe kailangan namin matikman yan minsan kalang manlibre." Mabilis akong sumibat sa kwarto nila, totoo ang sinabi ko. Minsan lang manglibre si Craig, at kailangan din maexperience ni Chloe.

Sinundo ko si Chloe, nadatnan ko parin siyang tulog. Ayoko na sana siyang gisingin pero nagbilin siya sa akin na gusto niyang makita ang iba pa, baka magalit siya kapag hindi ko siya sinunod. Under na kung under.

"Chloe wake up." Dahan dahan ko siyang tinatapik sa pisngi niya.

"Dwayne."

"Yes?"

"Sorry kanina mo paba ako ginigising?" Nahihiya niyang tanong.

"Hindi naman. Kailangan mo nang masanay babe, baka hindi magtagal ako nang masisilayan mo sa araw araw na pag gising mo." Gusto ko nang yayain magpakasal si Chloe, but this is not the right time at isa pa ay masyado pa kaming bata alam kong hindi siya papayag at ayoko ng rejections from Chloe.

Sigurado na ako sa kanya, sigurado ako na mahal ko siya, pero hindi ko alam kung ano pang pumipigil sa akin bukod sa natatakot akong mareject, maaari sigurong dahil hindi pa tapos ang laro. Ayon nalang ang inisip ko.

Ayoko na sanang umalis dito sa hospital room ni Chloe, dahil pagpunta namin sa kwarto nila Amber ay aangkinin na naman nila si Chloe at tuturuan ng kung ano anong panlaban sa akin.

Aakayin ko na sana patayo si Chloe ng makarinig kami ng katok.

Tok..tok..tok

"Hindi na siguro makapag hintay sila Amber na makita ka." Wika ko kay Chloe.

Pagbukas ko sa pinto tahimik naman walang tao, kung ganun isa lang ang ibig sabihin nito. Dahan-dahan akong tumingin sa sahig at tama nga, may black letter na naman.

"Dwayne ano yan?" Gusto kong magsinungaling kay Chloe, hindi pa siya nakakarecover pero parte parin siya ng grupo at ng laro kaya may karapatan siyang malaman.

"Black letter." Bakas ang pagka bahala sa mukha niya nang makita ang sulat.

"Mabuti pa ipakita na natin yan sa kanila Dwayne para mabasa ng lahat. Nang sama sama tayo." Nauutal niya sinabi, natatakot siya.

Inakay ko na si Chloe ay iniupo siya sa wheelchair niya, para makabalik na kami sa kwarto nila Amber.

"Ang tagal niyo naman Dwayne. Mukhang madami kang ibinilin kay Chloe huh? Hahaha. Bakit natatakot kabang magbago pa isip niyan pag nakasama na si Amber at Kenna?" Kantyaw ni Clifford sa akin.

"Clifford...Clifford baka gusto mong sabibin ko sa kanilang lahat ang mga kalokohan mo." Ganting pang asar ko kay Clifford pero kay Amber ang tingin ko.

"Dwayne mabuti pa sabihin mo na sa kanila?" Pabulong na sinabi sakin ni Chloe na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Kenna.

"Hala anong sasabihin mo? Wag mong sabihin na..." Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Chloe, pulang pula ang mukha niya. Ano na naman kayang naimagine ng batang to.

"Kenna behave. Kung iniisip mong buntis na si Chloe hindi pa. Matagal pa mangyayari yun." Siguradong ayon ang nasa isip niya.

"Ahh akala ko kase haha." Natatawa niyang sinabi. Hay Kenna isa kapa parang si Chloe sobrang inosente.

Paano ka magugustuhan ni Wesley kung ganyan ka. Pag natapos talaga lahat ng nangyayari ay tuturuan kita ng Art of Seduction. Gusto kong sabihin sa kanya yan pero nandito si Craig at hindi naman ako ganun kamanhid para hind malaman na may pinag dadaanan ang isang to.

"Ibalik natin sa usapan, kanina nung nasa kwarto pa kami ni Chloe may kumatok akala ko kayo pero.... mukhang may hindi katanggap tanggap na bisita dito sa ospital." Pinakita ko sa kanila yung black letter.

"Nanaman?" Sabay na sinabi ni Cliff at Amber.

"Aba at mukhang may pag gagamitan na naman ako ng mga gamit ko." Biglang nagsalita si Sir Blair na mukhang kadarating lang.

"Wag ka magsalita ng ganyan, hindi magandang biro." Sita ni Ms. Laura kay Sir na lumapit na sa kanya at sinusuyo siya.

"Buksan mo na yung sulat." Utos ni Wesley, kala ko ay wala na siyang balak magsalita.

Nakapabilog kami ngayon para buksan ang black letter.

Pagkabukas ko ay nag laglagan ang mga piraso ng picture na ginupit, parang ginawang puzzle.

"Tignan niyo may papel pa dito....may nakasulat." Pakita ni Cliff.

"Who recognize the child? can you name? can you guess?" Stop looking and other will die or thou look for the child and die?

"And the real game begins."

Kinuha ni Welsey ang ginupit na piraso ng larawan at mabilis na binuo. Kulang ng isang piece.

"G*go naman pala yang si Ahriman, paano natin papangalanan kung kulang ng isang piece yung puzzle? Sinakto pang yung pinakamukha ang wala." Reklamo ni Cliff.

"Bakit gusto mo ng mamatay? Diba sabi niya nga kung malalaman natin kung sino yan mamamatay tayo." Paliwanag ni Amber sa kanya. Poor Clifford.

"At kung hindi natin mapapangalanan mas maraming mamatay dahil magtutuloy tuloy ang laro. Maaaring si Ahriman ang batang yan. Hinahamon niya tayong alamin kung sino siya at anong koneksyon sa'ting lahat at sa laro." Paniwala ni Wesley sa gustong iparating ni Ahriman.

"Pero maaari din na patibong lang yan para malihis tayo sa katotohanan." Komento naman ni Craig.

"Kung ganon anong desisyon ninyo?" Tanong ni Ms. Laura sa aming lahat.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!