Chapter 34: Kiss

2.5K 68 4

Kiss

Kenna' POV

Kanina pa ako nakaupo dito sa may bench malapit sa Cashile building. Iniisip ko kung bakit ba kami napasok sa sitwasyon na to, bat kami yung napili ni Ahriman sa laro niya? Dahil lang ba sa kami ang nag iisang grupo dito sa academy na mahilig mag imbestiga kaya sigurado siyang kakagat kami mga binabalak niya.

Bakit ba alam niya yung tungkol sa'ming lahat? Bakit may kakayahan siyang makapag desenyo ng laro na parang sinadya para sa grupo? Pakiramdam ko kasalanan ko lahat dahil ako ang nakaisip na magtatag ng MCC, naalala ko tuloy kung saan ko nakuha yung pangalan ng grupo. May koneksyon kaya to sa mga naunang MCC? Pero malabo naman, almost wenty years na silang buwag, for sure may kanya kanya na silang buhay.

Hindi ko na namalayan madilim na pala, nag decide nalang akong maglibot dito sa school baka sakaling may malaman pa ako. Mas mabuti kasi pag gabi, walang mga estudyante na nagkalat. Lahat natatakot nang magpagala gala dahil sa mga kakaibang nangyayari, at isa pa obligasyon ko lahat to dahil ako ang nagpasimula ng MCC. Hindi mangyayari to kung walang MCC na nabuo dahil sa akin.

Naisipan ko munang bumalik sa headquarters, pero bago pa ako makapasok narinig ko na yung tawanan ni Dwayne at Amber. Napangiti ako sa napanood ko dito, parang nakikita ko ang sarili ko at si Craig, kaya lang may biglang pumasok sa isip ko. Napailing ako, hindi naman siguro sikretong inlove ang isa sa kanila dahil si Dwayne ay may Chloe na, si Amber naman attracted kay Clifford kahit hindi niya aminin. Ayoko nang isipin yung idea na yon kaya hindi na ako tumuloy sa headquarters.

Hindi pa ako nakakailang hakbang ng may magsalita sa likod ko.

"Saan ka pupunta madilim na bakit mag isa ka?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, nawala rin nang marealized ko na si Wesley lang pala.

"Ginulat mo naman ako hehe." Pinilit kong maging casual sa kanya dahil bihira niya lang akong kausapin.

"Gabi na baka mapahamak ka nanaman." Tama ba yung narinig ko, nag aalala ba siya o nagsasawa na sila dahil naging pabigat na ako sa grupo.

"Maglilibot libot lang ako baka sakaling may mahanap akong clue isa pa....." Napayuko ako bago magsalitang muli.

"Nagiging pabigat na ako sa inyo, wala na akong naitulong at napahamak kayong lahat dahil sa akin. Sa umpisa palang naman ay kasalanan ko na ang lahat kung hindi ko sana naisipan tong MCC  ay wala kayo lahat sa sitwasyon na to, lalo kana." Tumalikod na ako dahil ayoko nang pakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"Hermione." Mahinang bulong niya. Pinigilan ko ang sarili ko na humarap kaya sinubukan ko uling ihakbang ang mga paa ko, pero binaggit niya uli ang pangalan ko, sa pagkakataon na to iba na ang tono niya. "Hermione."

Naramdaman ko nalang na hinila na niya ako at sa isang iglap magkaharap na kami ngayon, malapit na malapit. Naaamoy kong yung hininga niya dahil nakayuko siya at magkapantay na kami ngayon. Parang may kung ano akong nararamdaman sa batok ko dahil sa pagkakalapit namin, kaparehas ng naramdaman ko nung hinapit niya ako sa baywang nung una ko siyang makilala.

Pinigilan kong tumingin sa mata niya, nanglalambot yung tuhod ko, bakit ganito si Wesley. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko.

Wesley's POV

Kanina pa ako nakaupo dito sa bench malapit kay Kenna, naglalakad lakad ako dito sa academy ng maisipan kong panoorin siya.

Hindi man lang niya ko napansin, parang sobrang lalim ng iniisip niya. Isang oras na siyang nakatulala. Palubog na yung araw nung naisipan niyang tumayo. Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa headquarters, malayo palang rinig ko na ang tawanan ni Amber at Dwayne.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!