Chapter 14: Chemical Substance Radar

2.6K 92 1

Chemical Substance Radar/CSRadar

Wesley's POV

Kumpleto na ang MCC kasama sina Ms. Grace at Sir Ives para pag usapan ang mga nalaman ng lahat kanina hanggang ngayon na madaling araw na.

"Ikinasal ang mag asawang Fujiwara year 1995, pero 1994 ang birthyear ni Sophia kaya may kumakalat na balita dito sa palace na maaaring ampon siya." Sabi ni Ms. Grace.

"Nalaman naman namin sa mga kaklase natin na ang pang asar kay Sophia ay anak sa labas. Wala daw kasi sa itsura niya na Japanese siya. Minsan nga ang biro daw ay baka si Mr. Davis ang ama niya hahaha. Malabo naman diba? Papayag ba naman si Mr. Fujiwara na gawin siyang kanang kamay kung totoo yun." Tumatawa si Dwayne sa paliwanag niya, pero may tyansa na totoo ang idea niya.

"Pero pwedeng tama sila, kaninang gabi nung naglalakad kaming tatlo kasama si Sophia nasalubong namin ang ginang at si Mr. Davis na magkausap. Lumapit si Sophia sa kanila, para silang pamilya kung titignan." Nandoon din ako sa sinasabi ni Chloe na kaganapan kagabi. At may punto siya.

"At tungkol naman sa nakuhang cyanide sa kwarto ni Mr. Davis, kung totoong siya ang pumatay imposibleng magpahuli siya kaagad diba? Dapat itago niya ang ebidensya o itapon, pwera nalang kung inako niya ang krimen na hindi niya ginawa para pagtakpan si Mrs. Fujiwara na maaaring kalaguyo niya." Sabi ni Clifford na duda sa relasyon nang dalawa.

"Sir Blair pwede mo bang gamitin sa braso ko yang CSRadar mo? Tignan mo kung may madedetect na substance." Pakiusap ko.

Inumpisahan niyang itutok sa braso ko ang radar na mukhang maliit na espada. Nakita ko sa maliit na monitor nito na tila nagkakalkula ito kung anong chemical ang dumikit sa akin.

"Cyanide.....Wesley." Sabi ni Sir Blair.

"Kung ganoon humawak sayo ang suspect?" Nakataas kilay si Amber sa tanong niya, siguradong alam na nilang pito na kasama ko kanina sa dining area kung sino ang pumatay.

"Nahanap ko yung sinasabi mo, pero sapat nabang evidence yun dahil nabasa na to hindi na gagana ang radar." Tinunguan ko lang si Chloe at sinabing malaki ang naitulong niya.

"Kenna ano nga pala yung nakita mong kakaiba?" Napapitlag siya dahil ngayon ko nalang siya kinausap. Ewan ko ba, alam kong masyado na akong mean sa kanya pero wala na akong magagawa.

"Ahhh.... naalala ko lang kase diba sabi ni Sophia bawal daw buksan yung glass cabinet para hawakan yung mamahaling vase? Silang pamilya lang ang pwede. Hindi lang mawala sa isip ko kase parang may naiba. Tinitigan ko kasi yun kanina pa lang ng dumating tayo. Alam ko nakaharap yung design na isda sa gitna nung vase. Sa palagay niyo may nagbukas kaya nun?" Tama nga ang hinala ko may kakaiba sa vase na yon.

"Tama ka Kenna napansin ko din yun dahil sa mga binida ni Sophia sa isa nating kaklase. Natandaan ko siya actually, salamat sa Hyperthymesia ko." Mapait ang ngiti ni Chloe hindi siya masaya sa abilidad na meron siya.

Napag usapan pa namin ang lahat, pinaliwanag ko din ang mga nalalaman ko kaya nag umpisa na kaming buuin ang lahat ng nangyari.

Isa't kalahating oras nalang bago kunin nila Inspector yung bangkay. Nakatayo kaming lahat dito sa sa tapat ng glass cabinet na pinaglalagyan ng vase.

"Kaya mo yang buksan diba Kenna?" Tanong ni Craig.

"Oo naman parang hindi mo ako kilala." Nabuksan ni Kenna ang cabinet gamit ang hair pin na nakakabit sa buhok niya.

Kinakabahan lahat dahil maaring nandito ang isa sa susi para malaman kung anong lihim ng pamilya Fujiwara.

Dahan dahan pinagtulungan ibaba nila Sir Blair at Sir Ives ang mga vase.

Sinilip nila Ms. Laura kung may laman ito, at nakita ko na sinubukan ilusot ni Mr. Grace ang kamay niya dahil malaki naman ang bunganga ng vase.

"Tignan niyo may libro or diary yata?" Itinaas ni Ms. Grace ang maliit na bagay na nakuha niya sa vase ng ilusot nita ang mga kamay niya.

Inilahad niya ito kay Sir Blair at nag umpisa ng maglapitan ang lahat.

"Year 1994-1995 Fujiwara History."

"Princess if you're reading this nothing will change."

"Pwede bang wag na natin basahin? Sa palagay ko ay alam naman na nating lahat kung anong nakasulat dito. Hayaan na natin na sila mismo ang magsabi sa atin ng katotohanan." Tama si Craig, ang mga bagay na nakasulat dito ay para sa kanila nalang. Ang kailangan lang namin gawin ay alamin kung sino ang pumatay at maghanap nang sapat na ebidensya.

"Tara na balikan na natin ang tunay na pamilya." Pagyaya ko sa kanila dahil may forty minutes nalang kaming natitira.

Pagpasok namin sa loob masamang masama ang tingin ni Sophia kay Ms. Fujiwara na mukhang nakatulog, habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Mr. Davis.

"Ehem ehem." Pagkuha ni Sir Blair ng pansin sa tatlo.

Agad napabangon ang misis at nag iba na naman ang itsura ni Sophia mula sa mukha ng parang papatay ay nagmukha nanaman siyang maamong tupa.

"Mr. Davis maaari ko bang mahiram ang kamay mo." Paalam ni Sir Blair sa lalaki at sinubukan idetect ng radar kung may chemical ng cyanide.

"Positive." Tatango tango niyang sinabi.

"Dahil ako ang pumatay kaya pwede ba na tigilan niyo na ang imbestigasyon." Utos niya.

"Ano na po bang napag usapan niyo ng pamilya mo? Mukhang alam niyo rin kung sino ang salarin, nagtataka lang ako bakit niyo siya pinag tatakpan." Inumpisahan na ni Craig.

"Anong pinagsasabi mo? Sinabi ko na sa inyo.... ako ang pumatay." Giit ni Mr. Davis.

"1994 ipinanganak si Sophia pero 1995 kayo ikinasal ni Mr. Victor Fujiwara, Ms. Teresa Fujiwara." Dagdag pa ni Craig, ang ginang naman ang hinarap niya.

***************

Sir Ives and Ms. Grace >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!