Chapter 35: Forget about that

2.3K 62 3

Forget about that

Amber's POV

Kinabukasan balik ang lahat sa dati. Ramdam ko yung awkwardness sa loob ng headquarters. Ako at si Dwayne lang yata ang nagsasalita.

Si Craig ay magkadikit na ang kilay, masama ang tingin na ipinupukol niya kay Wesley.

Habang si Kenna naman nakayuko lang, nahihiya pa siguro sa nangyari kagabi.

And Wesley? Kanina pa nakatingin kay Kenna habang nakahawak sa labi niya. Nakakatawa sila.

Pinipigilan kong matawa dahil sa inaasta nila. Hindi nalang pala basta kaso ang kailangan namin harapin ngayon, may love story na rin at mukhang love triangle pa.

Hindi ko mapigilang hindi kumanta. "K-I-S-S-I-N-G ." Nilagyan ko talaga ng tono para damang dama ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Craig at nag walk out palabas ng headquarters kaya natawa ng malakas si Dwayne. Nang tignan ko si Kenna ay tinignan lang din niya ako at nakanguso na ngayon sa akin.

Si Wesley naman ay nakangiti. Kinilabutan ako, hindi bagay sa kanya dahil nasanay na akong flat affect ang gwapo slash mysterious niyang mukha.

Dahil apat nalang kami at wala na si Craig pagkakataon ko nang buksan ang topic. This is my chance.

"So Kenna how was the feeling being kissed by Mr. Popular Philbert?" Popular dahil madaming may gusto kay Wesley, pero gaya ni Craig sinusupladuhan niya lang ang lahat. Minsan nga swerte nang supladuhan ka nila, ibig sabihin napansin kapa nila dahil bukod yata sa mga babae ng MCC ay wala na silang pinapansin at nakikita. Not existensial na ang lahat ng babae sa paligid nila.

"Bakit kailangan mo pang alamin? Ikaw kaya ang tanungin ko? How was your first kissed?" Napasimangot nalang ako ngayon sa tanong ni Dwayne.

Magsasalita palang sana ako ng bumukas yung pinto. Nang marealized naming lahat kung sino yumg dumating ay natahimik kami.

Si Clifford pala.

"I'm sorry naistorbo ko ba kayo? Go ahead. Nandito lang ako para kunin yung gamit ko." Sobrang cold nang pagkakasabi niya. Parang wala nalang kami kay Clifford.

Pinanood lang namin siya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya.

Hindi nakatiis si Dwayne at nagsalita.

"Ganun nalang ba sayo kadaling talikuran tong grupo? Baka gusto mo naman kaming bigyan ng magandang rason para hindi kami mag alala. Kung ayaw mo naman ay kahit kay Amber nalang sabihin mo yung rason." Napayuko ako sa sinabi ni Dwayne bakit niya pa ako dinamay. Bakit kailangan kahit sa akin lang ay sabihin niya. I don't need his expanation.

"Kailangan pa bang magpaliwanag sa kanya? Sa tingin ko wala naman akong obligasyon na sabihin sa kanya ang lahat nang bagay." Tinignan ako ng diretso sa mata ni Cliff habang sinasabi ang mga katagang to.

Pagkasabi niya nito ay lumipad ang kamao si Dwayne sa mukha niya. Why? Bakit parang may kumirot sa dibdib ko sa mga sinabi niya.

Napatumba siya sa lakas ng suntok ni Dwayne. Tumayo lang siya at pinunasan to. Wala siyang balak gumanti. He knows that he's acting like a jerk.

"Tapos ka nabang ilabas ang sama ng loob mo sa akin?" Pagkasabi niya nito ay isa isa niyang dinampot ang gamit niya at lumabas na parang walang nangyari.

Isang minutong katahimikan hanggang sa hindi ko na napigilan. Tumakbo na ako at sinundan si Clifford. Hingal na hingal ako ng mahabol siya.

"What? Ikaw rin ba ay may hindi nagawa? Dito mo ako sampalin para pantay na." Turo niya sa kaliwang pisngi niya. He's Crazy.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!