Chapter 8: Gloves

3.8K 108 3

Gloves

Chloe's POV

Kasama ko ngayon si Kenna at Amber. Pinipilit nila akong ayusan para sa party na magaganap sa Dead Vile. Ayokong sumama pero wala na akong magagawa, kung si Wesley daw ay napilit nila dapat ay ako din.

"Wow ang ganda mo talaga Chloe, hindi ko talaga alam bakit lagi kang inaaway ni Dwayne eh ang ganda ganda mo." Parang batang sinabi ni Kenna sa akin.

"Hay nako ilang taon kanaba Kenna? Hindi mo ba nahahalata may gusto si Dwayne kay Chloe." Nagulat ako sa sinabi ni Amber, alam kong malabong mangyari yun. Isa pa ay kinalimutan na niya ako.

"Imposible. Ang daming magagandang babae na nakapalibot sa kanya hindi niya ako mapapansin." Pagtanggi ko sa sinabi ni Amber kay Kenna.

"Magaganda lang sila dahil sa kapal ng foundation, hindi kagaya mo natural." Pagpilit ni Amber sa idea niya.

"Teka nga Amber pabayaan mo nga si Chloe. Ikaw nga dyan lagi mong inaaway si Clifford, siguro may gusto ka sa kanya no? Pero diba nakipag date kana kay Insp. Andrew? Sa bagay kahit sino sa kanila ay pwede na." Maingay na sinabi ni Kenna.

Pinanlakihan ni Amber ng mata si Kenna at sinuway." Pwede ba wag mong ipag sigawan baka isipin nila malandi ako. Alam mo naman yung mga tao dito sa dorm. Tsk tsk tsk.... ikaw nga sabihin mo sa akin kayo naba ni Craig bakit ganyan makabakod sayo? Pero sa tingin ko may gusto ka kay Wesley."

Biglang pumula ang pisngi ni Kenna, ang ganda niya rin talaga kakaiba siya lalo na yung mata niya.

"Hindi ko boyfriend si Craig, magbestfriend lang kami simula pagkabata kaya over protective sya sa akin. At si Wesley naman hindi ako mapapansin nun lagi nga ako sinusungitan." Nakanguso niyang sagot. Ang cute niya talaga.

"Hindi ko tinatanong kung sinusungitan ka nya, ang tanong ko kung may gusto kaba sa kanya." Iba talaga si Amber, wala kaming lusot.

"Oo." Bulong ni Kenna.

"Ano hindi ko marinig." Pagpapaulit ni Amber kay Kenna.

"Oo na may gusto na ako kay Wesley! Nakakainis ka talaga Amber. Tara na nga Chloe iwan na natin si Amber." Natawa nalang kami kay Kenna para talaga siyang bata.

Naglakad na kami sa may pinto nang may marinig ako.

"Kenna, Amber may narinig ba kayong tumawa?" Tanong ko sa kanila.

Biglang binuksan ni Kenna ang pintuan. "Wala namang tao sa labas."

Dwayne' POV

Nandito kaming apat sa labas ng pinto ni Amber susunduin sana namin sila pero dahil sa lakas ng boses nila rinig na rinig ang pinag uusapan nila dito sa tapat. Walang nag tangkang kumatok siguro ay gusto rin ng mga mokong makinig sa usapan.

"Teka nga Amber pabayaan mo nga si Chloe. Ikaw nga dyan lage mong inaaway si Clifford eh siguro may gusto ka sa kanya no? Pero diba nakipag date kana kay Insp. Andrew? Sa bagay kahit sino sa kanila ay pwede na." Ang ingay ni Kenna hindi niya ba naisip na maraming makakarinig sa kanila. Hindi rin sinabi sa akin ni Amber na nakipag date siya kay Andrew, lagot siya sakin mamaya.

Gusto kong tumawa dahil sa mukha ni Clifford ngayon. Patay na patay kay Amber ang isang to. Hindi ko alam bakit hindi pa manligaw mukhang mauunahan na ni Andrew.

"Pwede ba wag mong ipag sigawan. Baka isipin nila malandi ako alam mo naman yung mga tao dito sa dorm." Huli na Amber narinig na na namin ang pinag uusapan niyo.

"Tsk tsk tsk..... ikaw nga sabihin mo sa akin kayo naba ni Craig bakit ganyan makabakod sayo? Pero sa tingin ko may gusto ka kay Wesley." Nako Kenna wag kang bibigay sa tukso ni Amber.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!