Chapter 15: Fujiwara Family

2.9K 101 6

Fujiwara Family

Kenna's POV

"1994 ipinanganak si Sophia pero 1995 kayo ikinasal ni Mr. Victor Fujiwara, Ms. Teresa Fujiwara." Sabi ni Craig kay Ms. Fujiwara, sinusubukan niya yatang maintimidate ang ginang pero parang wala lang to sa kanya.

"So anong kinalaman ng kasal namin sa kapanganakan ni Sophia? Nabuntis ako bago kami ikasal." Balewalang sagot ni Ms. Fujiwara kay Craig

"Ayon po sa historya 1995 din kayo ng magkakilala, taon din ng ikasal. Pinagkasundo kayo ng pamilya niyo. Kilala po ang pamilya niyo at ang pamilya ng mga Fujiwara, pagkatapos ng kasal ay matagal kayong nawala. Nang magpakita kayo sa publiko ay may bata na kayong kasama, pero ang paniniwala ng media ay ampon lang siya dahil ang laki na kaagad ng bata." Paliwanag ni Ms. Grace sa ginang, dahil malabo ang sinasabi niya kung iisipin ang lahat ng pangyayari.

"Anak namin siya, walang alam ang media." Giit parin Mrs. Fujiwara

"Nakakapag taka lang po dahil isang taon kayong nawala, pagkatapos ay malaki na ang bata? Hindi ba maaaring ampon lang siya o baka naman anak niyo sa pagkadalaga dahil taon ng 1994 ang kapanganakan ni Sophia. Anak niyo bago ka ikasal kay Victor Fujiwara." Paratang ni Craig sa kanya.

Kakaiba si Craig ngayon, walang preno. Hindi siya ganito dati, ramdam ko na napepressure sya dahil sa presensya ni Wesley. Simula pagkabata magkasama na kami kaya kilalang kilala ko na siya. Nakikipag kompitensya siya.

"Anong kalokohan ang pinag sasasabi niyo? Gusto niyo bang makarating sa paaralan niyo to? Pati kayong mga guro ay nakikisali sa kalokohan nila." Nagbabantang sinabi ng ginang.

"Sige po kahit umabot to kay Mr. Prodigious ay wala pong problema. Alam niya ang grupo namin, may basbas niya." Hamon ni Ms. Laura sa ginang.

"Sa palagay ko sapat na pong ebidensya to. Maaaring nakasulat dito ang lahat ng lihim nang pamilya niyo." Pakita ni Craig sa Diary.

Wesley's POV

"Sa palagay ko sapat na pong ebidensya to. Maaaring nakasulat dito ang lahat ng lihim nang pamilya niyo." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Sophia.

Hindi niya inaasahan na mahahanap namin ang diary, akala niya siguro kontrolado niya ang lahat.

"Saan niyo nakuha yan? Ano ang bagay na yan." Naguguluhan na tanong ni Ms. Fujiwara. Wala siyang idea tungkol sa diary.

"Dito nakasulat ang lahat ng tungkol sa inyo. Sa pamilya niyo at ang pagiging anak sa labas ni Sophia." Pinagpatuloy ni Dwayne ang pagsasalita.

"Tumigil na kayo! Hindi paba sapat na umamin na si Robert Davis na siya ang pumatay. Diba may nakita na kayong ebidensya! So ano pang dinadaldal niyo?" Nag iba na si Sophia, mula sa pagiging maamo ay naging parang tigre na siya, nanlilisik ang mga tingin sa aming lahat.

"Dahil konektado to sa krimen na ginawa mo at pinagtatakpan ka ni Mr. Davis." Nagsalita na ako dahil ilang minuto nalang ay dadating na sila Inspector.

"Ano naman ang magandang rason niya para pagtakpan ako? Hindi ba pabor pa nga para sa kanya kung ako ang pumatay. Siguro naman ay obvious na sa inyo na kabit siya ng magaling kong ina." Lalong inilubog ni Sophia ang sarili niya dahil sa mga kasinungalingan niya.

"Dahil siya ang tunay mong ama. Malaki ang posibilidad na pagtakpan ka niya, na sarili niyang dugo't laman. Maaaring nung iwanan namin kayo ay tinanong ka nila sa ginawa mo at bilang magulang aakuin nila ang kasalanan na hindi naman sila ang gumawa." Paliwanag ko sa kanya, sa mga maaaring nagyari.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!