Chapter 67: Enemy

2K 63 32

Enemy

Chloe's POV

Malaki ang pasasalamat ko na nandito si Dwayne sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Pinapalakas niya ang loob ko sa tuwing iniisip ko na nagiging pabigat lang ako sa kanila. Araw araw iniisa-isa niya ang mga nagawa ko at naiambag ko daw sa grupo kahit na pakiramdam ko ay hindi naman talaga malaking bagay ang mga yun.

"Amber what is happening!" Patulog na ako nang marinig ko ang pagsigaw niya. Agad akong napabangon dahil dito.

Tama ba yung narinig ko? Si Amber ba yung kausap niya? Anong nangyari sa kaibigan namin?

Hindi ako mahanap nang tamang tyempo para tanungin siya, nakatapat parin kasi sa tenga niya yung cellphone.

Bakas sa mukha niya yung pag aalala, para siyang natatakot. Huli kong nakita ang ganitong expression niya noong mabaril ako ni Brittany.

Nang maka sigurado na akong wala na siyang kausap saka ako naglakas loob na magtanong.

"Dwayne what happened?" Nag aalala na talaga ako dahil sa nakikita ko sa kanya.

"I missed a call from Amber, an hour ago, so I called back. Pero hindi siya sumagot, narinig ko lang na sumigaw siya. After non may narinig akong tumawa." Halos magkanda utal utal niyang sagot sa akin.

Pinagmasdan ko lang si Dwayne, kita ko sa mata niya na gusto niyang puntahan si Amber, pero hindi niya magawa. Siguro ay dahil sa akin.

"Go ahead Dwayne." Napako ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko na umalis na siya.

"What do you mean?" Paglilinaw niya.

Alam ko naman na naiintindihan niya ang sinasabi ko pero ayaw niyang tanggapin. Pakiramdam ko nang mga oras na to, iniisip ni Dwayne na its Chloe vs. Amber. Gf vs. Bestfriend.

"Hanapin mo si Amber. Nag aalala rin ako, baka may nangyari na sa kanya.  Ako na ang bahala kay Sir Magnus." Pag papaintindi ko sa sinabi ko sa kanya.

Mahalaga sa akin si Amber, hindi ko yata kakayanin kung siya naman ang mapapahamak. Bestfriend ang naging turing niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Wala ako sa MCC kung hindi dahil sa kanya. Baka nag iisa at wala parin akong kaibigan hanggang ngayon kung hindi niya ako kinausap two years ago. Baka hindi ko kapiling si Dwayne ngayon kung hindi siya gumawa nang paraan para mgakalapit kami. Kaya sino ba ako para pigilan si Dwayne?

"But Chloe! How about you?"

Kumontra siya sa sinabi ko, pero alam ko sa sarili ko na gusto niyang umalis. Hindi ko naman siya pipigilan kung yun ang iniisip niya. Naiintindihan ko siya dahil mahigit apat na taon na silang mag bestfriend ni Amber. Mahalaga siya kay Dwayne.

"Pwede naman ako sa loob ng ICU and....lock the door. Sa tingin ko wala naman magtatangka samin dito, specially sa vicinity ng hospital." Binigyan ko siya ng isang genuine na ngiti para mapanatag ang loob niya.

Totoo naman na walang mangyayari sa amin ni Sir Magnus, nasa confidential floor kami. Lahat nang pwedeng makaakyat sa floor na to ay nakalista. May pass para dito. Kaya malakas ang loob ko na hindi kami mapapahamak.

Eto nalang ang tanging maitutulong ko sa grupo. Ang maging malakas ang loob ko.

Tumango siya, naiintindihan na siguro niya ang gusto kong iparating. Lumapit siya sa akin, niyakap niya ako nang mahigpit bago alalayan pabalik sa ICU para samahan si Sir Magnus.

"Keep safe Dwayne." Sabi ko sa kanya bago ko ilock ang pinto, pero di ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Hinalikan niya ako sa noo.

Umupo ako sa upuan na nakalagay sa giliid ng kama ni Si Magnus. Nakaharap ito sa malaking salamin na bintana. Kita ko sa pwesto na to kung may tao o wala.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!