Chapter 64: Diary

1.9K 105 17

Diary

Wesley's POV

Nakarating ako sa Antipolo sa pagsunod kay Kenna.

Dito lang pala siya pupunta sa bahay nila. Hindi man lang niya napansin ang pagsunod ko samatalang dito lang ako nag park sa labas ng gate nila, habang siya naman ay ipinasok sa loob ang sasakyan na ginamit niya.

Sobrang pre-occupied siguro ng isip niya kaya tama lang na sinundan ko siya, ang hindi ko lang maintindihan bakit hinayaan siya nila Craig na mapag isa.

Paano kung hindi ako ang unang nakakita na paalis na siya? Paano kung si Ahriman?

Hindi kaagad ako bumaba, hindi ko na siya sinundan hanggang sa loob. Hindi ko sigurado kung anong binabalak ni Kenna pero ganun pa man naiintindihan ko siya. Yung nararamdaman niya. Alam ko ang pakiramdam na mawalan nang isang ina.

Nagpalipas lang ako nang oras sa loob ng sasakyan ko habang hinihintay ang paglabas niya. Saka ko sana siya balak lapitan.

Tinignan mo ang orasan ko. Lampas thirty minutes na pero wala akong nakikitang Kenna.

Ano kayang ginagawa niya sa loob?

Nag aalala na ako kaya nagpasya nalang akong bumaba at sundan na siya sa bahay.

Nang marating ko ang tapat nang bahay agad kong sinubukan buksan ang pintuan. Hindi ako nabigo, nalimutan tong isara ni Kenna. Hindi ito nakalock, paano nalang kung hindi nga talaga ako ang sumunod sa kanya.

Kinakabahan ako dahil baka kung napaano na siya. Inalis ko yon sa isip ko. Malaki ang tiwala ko kay Kenna na hindi siya gagawa nang kahit na anong bagay na ikapapahamak niya, lalo na ngayon.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pag pasok sa loob. Walang kahit na anong bakas na nandito siya sa unang palapag nang bahay nila. Umakyat ako sa second floor at inisa isa ang mga silid kung makikita ko si Kenna.

Umabot ako sa pinaka dulo nang pasilyo kung nasaan ang kwarto ni Ms. Quia.

Binuksan ko nang dahan dahan ang pintuan at naabutan ko siyang nakahiga sa kama kung saan natagpuang patay ang Mommy Quia niya. Umiiyak siya habang yakap yakap ang malaking larawan nito.

Hindi na niya namalayan na may iba pang tao sa bahay nila.

Nilapitan ko siya at tinawag sa pangalan niya. "Kenna."

Tumingin siya sa akin at tinawag din ako, sa pangalan ko.

Sa pinaka malungkot na paraan. "Wesley....."

At doon nanaman bumuhos ang emosyon niya.

Sa pagkakataon na to hindi ko na dapat kailanganin pa si Craig, kung gusto ko talagang makilala pa siya dapat lang na ako ang nasa tabi niya, at hindi na magtawag pa ng iba. Hindi si Craig, hindi si Amber o kung sino pa man.

Ako na mismo ang nag comfort sa kanya. Tinabihan ko siya sa kama at niyakap siya nang mahigpit.

Nagtuloy tuloy lang si Kenna sa pag iyak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang itinagal nang pag iyak niya, hanggang sa maramdaman ko na tumigil na ang malilit niyang hikbi.

Nakatulog na siya. Hinayaan ko lang na nasa ganoon kaming posisyon.

Hinintay ko na magkusa si Kenna sa pagbitaw sa akin. Ayoko siyang maistorbo sa  pag tulog.

Hindi naman nagtagal ay umalis na siya sa pagkakayakap sa akin. Pambihira ang likot niya palang matulog.

Nang malaya na akong makakagalaw naisipan kong maghanap nang maaaring ebidesya o pala tandaan man lang dito sa kwarto ng Mommy niya. Kung nagpunta si Ahriman dito ibig sabihin lang na maraming nalalaman si Mommy Quia.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!