*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 47: Walter Academy

2.1K 60 8

Walter Academy

Kenna's POV

Nagyaya maglaro si Ms. Laura ng volleyball, naalala ko tuloy last year ganito rin kami pero wala pa si Wesley sa grupo ng mga panahon na yon. Wala parin kaming mabibigat na kaso noon bago matapos yung bakasyon last year, pero hindi ko naman sinasabi na si Wesley ang may kasalanan dahil bago pa naman siya dumating ay may mga kakaiba ng nangyayari sa academy kaya nga lang habang tumatagal ay mas nagiging delikado ang lahat ng kinakaharap namin. Salamat nalang at dumating siya, malaki ang naitulong niya sa MCC.

Inaayos nila Dwayne yung net na gagamitin para sa volleyball, ikinakabit nila ni Clifford sa magkabilang poste na bakal. Si Craig naman nakasandal lang doon, parang walang nakikita.

"Craig baka gusto mong tumulong?" Sabi ni Dwayne sa kanya na hindi magkandaugaga sa pagkabit ng net.

"Kayo naman nakaisip kaya kayo ng gumawa, maglalaro na nga ako kahit ayaw ko eh." Gusto kong matawa sa sagot niya kay Dwayne pero wala yata siya sa mood, nainis pa siya sa akin ng hindi ko alam ang dahilan. Mood swings, parang babae daig pa'ko.

Inilibot ko yung paningin ko, nahihiya kasi ako dahil sa suot ko si Amber kasi pinilit ako na mag twopiece, sabi niya hintayin ko lang daw may magandang resulta daw ang pagsusuot ng two piece, pero marami namang tao dito hindi lang kami kaya nakakahiya talaga. Nagpatuloy ako sa panonood sa mga tao sa paligid hanggang sa napako yung tingin ko kay Wesley na nakatayo lang, para din talaga siyang si Craig mukhang walang pakialam sa paligid pero magugulat ka nalang dahil sa dami ng naoobserbahan nila.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya hindi ko alam kung saan ko ililipat yung tingin ko, nagpanic pa ako dahil naglakad siya palapit sa akin. Mas nagpanic pa akong lalo dahil bigla niyang hinubad yung sando niya.

Tama paba yung nakikita ko, bakit para kong naghina dahil sa super toned body niya.

Halos mapalundag ako ng tuluyan na siyang makalapit sakin. "Isuot mo yan, hindi mo kailangan sundin kung anong ipilit ni Amber sayo. Masyado ka ng naiilang sa suot mo, halatang halata sayo, sa susunod ay wag ka ng magsuot ng ganyan kung hindi mo kayang dalhin. At saka hindi mo kailangan ibilad ang katawan mo sa lahat, tama ng dalawang lalaki lang ang nababaliw sayo." Pagkasabi niya nito ay inilagay niya ang sando niya sa kamay ko at tumalikod.

Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko, dalawang lalaki? Sinong ibig niyang sabihin si Craig ba at sino naman yung isa? Siya kaya? Eto ba yung sinasabi ni Amber na magandang resulta.

"Hoy Kenna baka gusto mong umalis dyan sa gitna. Kung balak mong mag day dream ay doon ka sa tabing dagat." Tinignan ko lang si Amber dahil hindi parin ako makapag salita.

"Hahaha sa bagay ikaw nalang ang hindi nakakakita ng The Famous Super Toned Body, sige mag day dream kana uli at ng makaganti ako sa ginawa mo last year sa akin ng matamaan mo ako ng bola." Tuksong muli ni Amber habang nakatingin sa sandong hawak hawak ko.

"Hmmpff!" Kunwaring inirapan ko nalang siya kaya natawa siya saka ko siya tinanong. "Anong famous toned body?"

"Hay nako palibhasa kung saan saan ka lumulusot, nung mga nakakaraan kaya may mga weird na nangyayari sa kalahati ng population ng mga babae sa Cuthbert, at lahat yon involved si Wesley, para lang makita nilang maghubad. Hahaha." Tumawa ng sobrang lakas si Amber kaya napalingon sa amin ang lahat.

"Kenna nasaan pala si Craig?" Tanong ni Sir Blair.

Oo nga nasaan si Craig, hindi ko na napansin dahil sa mga iniisip ko. "Hindi ko po alam Sir."

"Anong klaseng bestfriend ka hindi mo man lang alam kung nasaan siya." Asar sa akin ni Clifford.

"Paano niya mapapansin eh nilapitan ng Prinsipe niya inabutan pa ng sando. Hahaha. Wala na nabadtrip si Craig, nagpunta dun sa dulo, hayaan niyo muna." Dagdag pa ni Dwayne sa asaran, habang nag uumpisang mag stretching. Nagpapacute lang naman siya kay Chloe.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!