Chapter 7: Twin

4.8K 118 3

Twin

Wesley' POV

Dumating na sila S/Insp. Garreth Donovan para dalhin sa kostodiya nila si Chuck Lars.

"Tssss.... dadating kung kailan tapos na." Bulong ni Clifford pero sapat para marinig ng lahat.

"Ano bang problema mo huh? Bakit ang init ng dugo mo sa kanila." Nakapamaywang na sabi ni Amber sa kanya.

Hindi na nagsalita si Clifford at umirap nalang sa kawalan.

"Guys tara na puntahan na natin yung kwarto ni Chuck. Kasama natin siya dito kanina pa kaya siguradong nandoon pa yung cd." Paalala ni Chloe sa lahat.

"Oww shit baka maunahan nanaman tayo ni Ahriman kailangan na natin siyang hulihin." Napahawak si Craig sa noo.

Nagtakbuhan ang lahat papunta sa kwarto ni Chuck/Abram sa dorm para maabutan si Ahriman na hanggang ngayon ay misteryo parin ang katauhan.

"Wag kanang sumama dito ka nalang. Sakaling may mangyari ay tawagan mo kami." Dumaan ako sa harap ni Kenna at sinabihan siya.

Nang malapit na kami sa kwarto ni Chuck napatigil lahat dahil sa pag galaw ng door knob.

Tumingin sa aming lahat si Ms. Laura, tingin na nagsasabing walang mag iingay o kikilos.

Biglang bumukas ang pinto kaya napaurong ang lahat.

"Ikaw si Ahriman?" Gulat na gulat na tanong ni Ms. Laura kay Ms. Roswell na kalalabas lang sa kwarto.

"Anong sinasabi mo at bakit nandito kayong lahat?" Isa isa niya kaming tinignan hanggang sa tumigil ang mata niya sa akin.

"Hahanapin lang namin yung cd sa kwarto ni Chuck alam to nila Insp. Donovan." Matapang na sagot ni Ms.Laura

"Hindi ko alam kung anong kalokohan ang ginagawa niyo Ms. Laura, sa palagay ko ay mali ang napasukan mong lugar. Hindi to isang playground. Pinapaalala ko lang sayo." May pagbabanta niyang sinabi.

Umalis siya sa harap namin. Humakbang siya at nang tumapat sa akin ay nagsalita siyang muli. "I think your father will be disappointed of you, dahil sa pagsali mo sa kalokohan na to."

Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin maaari bang siya si Ahriman? Ngunit duda ako kung siya nga. Hindi siya basta basta magpapakita sa amin. Masyado pang maaaga para ibunyag ang katauhan niya.

"Hmmmmppfff! Nakakainis daig pa niya si Dean Grant at Mr. Prodigious kung makaasta." Nagpapadyak na sinabi ni Ms. Laura ng makalayo ang principal.

"Ms. Laura tignan niyo po dali.... may bagong sulat." Pagtawag ni Clifford.

"Gemini has two personality but they both hate cheater and grime. And the game begins!"

-Ahriman

Siguradong palatandaan na to ni Ahriman sana lang ay wala ng mamatay dahil dito.

Habang abala ang iba sa pagbasa ng sulat, inuna na ni Amber tignan ang laman ng cd.

"Whaattt! Burado na yung laman ng cd. Urgh! Nakakainis sino ba talaga siya, madami tayo pero napapaikot niya tayong lahat." Dismayadong sinabi ni Amber habang nakatutok sa laptop niya.

"Mabuti pa magpahinga na muna, kayong lahat." Napalingon kaming lahat kay Sir Blair na bagong dating.

"Wesley pwede mo bang puntahan si Kenna sa headquarters pakisamahan siya. Nakatulog na. May pag uusapan lang kami ni Laura."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Pagdating ko sa headquaters naabutan ko ang natutulog na si Kenna.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!