Chapter 19: I quit

2.6K 97 3

I quit

Clifford's POV

Asan na kaya si Brittany?

Kanina pa kami naghahanap ni Dwayne. Dalawa kaming kasama niya pero nawala siya bigla, sana walang nangyaring masama sa kanya.

"Ano nahanap mo na pre?" Tanong ko kay Dwayne.

"Nakita mo bang kasama ko bugok ka talaga." Sagot niya sa akin. Sobra talaga tong si Dwayne, nagtatanong lang naman ako.

"Teka ayun si Brittany oh kasama si Kenna, kaya lang parang umiiyak." Turo ko sa dalawang babaeng paparating.

"Anong nangyari sa kanya Kenna?" Seryosong tanong ni Dwayne nang makalapit ang dalawa.

Magsasalita palang sana si Kenna nang maunahan siya ni Brittany.


"Dwayne huhuhu si... si Ate Chloe sinampal ako. Sabi niya layuan ko daw si Clifford." Nagulat ako sa sinabi niya at napaurong ako dahil sa masamang tingin ni Dwayne.

Bakit ako nadamay? Anong kinalaman ko?

"Woa chill! Bakit ako?" Pagtanggi ko kahit na wala pa namang sinasabi si Dwayne sa akin dahil sa sinabi ni Brittany.

"May gusto yata siya sayo." Sagot ni Brittany, wala ding preno ang bibig nang babaeng to, hindi niya alam ang sinasabi niya.


"Teka? Paanong? Imposible." Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon.

Malabo yon! Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Brittany, pero naghihinala na ako kay Chloe.

Inakay na ni Dwayne si Brittany bago ibalik ang tingin sa akin. "Mag uusap tayo mamaya." May banta sa tono niya.

Lumapit sa akin si Kenna. "Tara Cliff balik na tayo sa headquarters madilim na rin dito sa labas." Pagyaya niya.

"Kenna hindi kaba nagtataka?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Saan?" Tanong ni Kenna.

"Hindi saan kung hindi kanino." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Kanino nga?" Ulit niya pang tanong.

"Kay Chloe. Ilang araw na siyang tahimik, pag katapos natin mang galing sa Crescent Palace nag iba na siya." Sinabi ko kay Kenna ang mga napapansin ko.

"Oo nga, tapos kanina nakita ko na sinampal niya si Brittany, kaya lang ayoko siyang i-judge Cliff kasi hindi ko naman narinig ng maayos yung pinag uusapan nila." Tama si Kenna hindi namin alam kung anong nangyayari kaya wala kaming karapatan na husgahan si Chloe, isa pa ay magkakaibigan kami.


Wesley's POV

Nagpasya kami ni Amber na sabihin kay Ms. Laura at Sir Blair ang mga nalalaman namin dahil kailangan namin gamitin ang mga apparatus ni Sir Blair.

"Wesley oo iisa ang may ari ng sulat kamay pero hindi kay Chloe, kundi kay Brittany." Sabi ni Sir Blair

"Pero bakit nakuha niyo ang ito sa bag ni Chloe?" Tanong ni Ms. Laura tungkol sa mga sulat.

"Yan ang inaalam namin. Ano nga bang koneksyon ni Brittany kay Dwayne at Chloe? Anong nangyari sa kanila dati?" Seryoso si Amber dahil isa si Chloe sa matalik niyang kaibigan. Hindi niya palalampasin ito.


"Mabuti ng tayong apat lang muna ang nakakaalam, tignan natin kung anong sunod na gagawin ni Chloe at Brittany." Saad ko sa kanilang tatlo at sinabi ko na ang plano.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!