Chapter 52: Efrain Philbert

2.2K 60 0

Efrain Philbert

Wesley's POV

"Yes Dad, okay dyan na po ako didiretso sa bahay." Napansin ko na lahat sila nakatingin sa akin o mas mainam na sabihing nakikinig sa usapan namin ni Dad.

"Until now I can't believe na ikaw yung anak ng sikat na detective." Bakas ang pagkamangha kay Amber, siguro dahil kausap ko kanina si Dad sa kabilang linya.

"Really Amber? after ng lahat ng kaso na naresolve natin sa tulong ni Wesley, still you can't believe na anak siya ng tanyag na Detective Philbert?" Sarkastikong sinabi ni Dwayne sa kanya.

"Dwayne." Saway ni Chloe sa kanya.

"Duh! expression ko lang yon." Naiinis na sinabi ni Amber kay Dwayne.

"Akala ko ngayong nakabalik na tayo sa Manila ay mas magkakasundo na kayong mag bestfriend pero hindi parin pala." Natatawang sinabi ni Sir Blair sa dalawa.

Nang silipin ko sa bintana ng rv kung nasaan kami, natanaw ko na Manila na nga talaga. Back to reality, pero bago ako bumalik ng Cuthbert kailangan ko munang umuwi dahil may pinapakuha si Dad sa akin sa bahay, hindi naman niya nasabi kung ano.

"Guys lugi naman ako sa inyo kanina pa ako nagdadrive baka may gustong pumalit sakin sa pagmamaneho hanggang Cuthbert." Sigaw ni Clifford mula sa drivers seat.

"Ako na." Presinta ni Craig sa kanya.

"Teka bakit ikaw na naman Craig? dapat si Dwayne na ulit." Puna ni Amber.

"Hindi pwede magpapadrop kami ni Chloe sa hospital, may check up siya ngayon tsaka doon ko pinahatid yung sasakyan ko." Sabi ni Dwayne kay Amber pero sinadyang iparinig sa lahat.

Wala na akong nagawa kundi sabihin din sa kanila na hindi rin ako makakabalik ng Cuthbert ngayon, sigurado namang may iba pang kailangan si Dad sa akin dahil kung totoong may ibibigay lang siya hindi na kailangan na ako pa mismo ang kumuha nito, pwede naman niyang ipahatid nalang. "Ako nga rin pala hindi muna babalik ng academy, uuwi muna ako sa bahay dahil may kailangan si Dad sa akin."

Bumaling silang lahat sa akin at saka nagsalita si Clifford. "Wesley baka hindi kana bumalik huh, kailangan kapa namin." Sabay kindat sa akin.

Nagtawanan sila sa ginawa ni Clifford.

"Bromance ka nanaman, mabuti pang naiwan ka nalang sa ancestral house niyo para tahimik kami." Biro ni Dwayne sa kanya.

"Bakit dre anong tawag mo sayo? hindi kapaba maingay sa lagay na yan?" Ani Cliff sa kanya, natatawa nalang ako sa kakulitan nila.

"Gusto mo bang ihatid ka nalang namin Wesley?" Alok nila Ms. Laura sa akin.

"Hindi na po pababa narin ako para kunin ang sasakyan ko." Tanggi ko sa alok niya.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay huminto na ang rv sa tapat ng hospital kung saan kami naconfine lahat.

Bumaba na sina Chloe at Dwayne saka ako sumunod. Sinilip ko muna si Kenna na natutulog parin hanggang ngayon.

"Oh Wesley dito karin ba bababa?" Ani Sir Blair sa akin.

"Opo Sir, nandito rin yung sasakyan ko. Dito pinadala ni Dad." Sagot ko sa kanya, alam kasi ni Dad na madaraan namin itong hospital ni Uncle Seymour kaya dito na niya naisipan ipahatid yung sasakyan ko, alam niya rin na hindi naman ako papayag na magpahatid sa mga kasamahan ko sakali mang alukin nila na ihatid ako na nangyari na nga.

Nang makababa na kaming tatlo nila Dwayne ay dumiretso kami parehas sa basement ng ospital dahil nandito rin ang sasakyan niya.

"Woah! ayos. Kanino kayang sasakyan tong Ford Mustang Shelby ." Natawa ako sa reaction ni Dwayne. Mukhang mahilig din siya sa sasakyan kagaya ko, at siguradong kanya tong katabi ng sasakyan ko, isang Saleen S7 Twin Turbo.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!