Chapter 55: Birthday

2K 61 10

Birthday

Kenna's POV

Kinakabahan ako, nandito ako ngayon sa hotel. Hinihintay ko si Daddy na susunduin ako para isama sa pupuntahan naming birthday party. Hanggang ngayon hindi ko pa naitatanong kung sino yung may birthday. Hindi ko na nagawa dahil sa sobrang kaba ko. Two years na nang huli niya akong dalawin.

Halo halo yung nararamdaman ko, masaya ako dahil maipakikilala niya ako sa mga kaibigan niya, pero natatakot din ako na kahit mga kaibigan sila ni Daddy ay hindi nila ako magustuhan dahil anak ako sa labas.

Ang hinihiling ko nalang maging maayos ang gabi na to para sa amin lalo na't wala si Craig, wala akong masasandalan. Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Naisip ko na siguro nga masyado na akong dumepende kay Craig buong buhay ko. Kaya kahit na gusto na niya akong iwasan dahil hindi ko masusuklian yung feelings niya sa akin ay hindi niya parin magawa dahil palagi ko siyang kailangan.

Tok...tok...tok

Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng hotel room ko.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Baron, ang assistant ni Daddy.

"Hi Baron." Bati ko sa kanya.

"Good evening Ms. Kenna, naghihintay na po ang Daddy niyo sa sasakyan. Hindi na siya nakaakyat dahil marami daw makakakilala sa kanya." Ngumiti nalang ako sa kanya, siguro kung kagaya din nang iba ang relasyon namin ni Daddy ay walang problema kung makita kami ng mga tao na magkasama.

Lumabas na ako sa hotel room na inarkila ni Dad para sa akin. Kailangan kong magpasalamat sa kanya pati narin sa gown at make up artist na ipinadala niya.

Inalalayan na ako ni Baron at pinagbuksan ng elevator pababa ng hotel kung saan naghihintay si Daddy.

Habang tahimik kaming naghihintay na makababa ay tinanong ako ni Baron. "Kinakabahan kaba Ms. Kenna?"

Alam ni Baron ang buong buhay ni Daddy, kaya aware din siya ngayon sa nararamdaman ko na magkakaharap na kami ni Daddy after two years.

Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Wag kang kabahan sa katunayan ay masayang masaya ang Daddy mo na makita ka. Sikreto lang natin to pero kinakabahan din siya kagaya mo." Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Baron, ito siguro ang dahilan kaya matagal na siyang assistant ni Dad. Napakabuti niyang tao.

Ting......

Napabuntong hininga nalang ako pagbukas ng elevator dito sa baba ng hotel.

Paghakbang ko palang palabas ng elevator ay nakita ko na ang mga mata nang tao dito sa reception ng hotel. Lahat sa akin nakatingin. Hindi ba nila nagustuhan ang itsura ko?

Nag makalabas kami sa napakalaking pintuan ng hotel ay sumalubong sa akin ang Classic Luxury Limousine ni Dad. Tandang tanda ko pa noong bata ako na hilig ko ang pagsakay dito.

Binuksan na ni Baron ang pintuan ng Limousine. "Maaari ka ng sumakay Ms. Kenna."

Pagpasok ko nang sasakyan ay inalalayan niya akong muli at ang gown ko, at ngayon kaharap ko na si Dad na ngiting ngiti sa akin.

"Daddy." Ang tanging nasabi ko, nanginginig ako dahil sa emosyon ko. Gusto kong umiyak dahil sa tagal naming hindi nagkita pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Kenna anak miss na miss na kita hindi mo pa yayakapin si Daddy." Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin ito kaya mabilis ko siyang nilundag at niyakap.

"Anak dahan dahan baka malukot ang gown mo. Gusto ko na ikaw ang pinaka magandang babae sa party mamaya." Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan ng salitang anak, parang nalusaw lahat nang lungkot at sama ng loob ko ng mahabang panahon.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!