Chapter 27: Kenna's soldier

2.4K 86 7

Kenna's soldier

Craig's POV

Sa huli ay si Philbert ang kasama ko sa paghahanap kay Kenna, mas gusto ko naman na siya ang kasama ko sa mga ganitong pag kakataon kaysa kay Amber na kanina pa nagpapanic at kay Clifford na minsan ay masyado nang nagiging slow.

Pagkakataon ko narin para alamin kung ano nga bang tunay niyang nararamdaman kay Kenna, para naman malaman ko na kung kailangan ko na bang magparaya o mas mabuting sabihin na para matuto na akong idistansya ang sarili ko kay Kenna na twelve years ko nang kasama.

"Sabihin mo nga sa akin gusto mo ba si Kenna?" Tanong ko Kay Wesley na kanina pa tahimik.

"Kailangan ko ba talagang sagutin yang tanong mo?" Walang emosyon niyang sagot.

Magsasalita palang sana ako ng sundan niya ang sagot niya.

"Kailangan mo pa bang malaman? Hindi ba ang dapat mong pag tuunan ng pansin ay yung sarili mo kung paano ka niya magugustuhan sa paraan na gusto mo. Sa palagay ko ay hindi na mahalaga kung gusto ko siya, o hindi dahil wala ka naman magagawa kahit ano pa ang isagot ko sayo." Sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.

Tama siya, wala naman akong magagawa malaman ko man o hindi ay hindi naman ako ang madedesisyon sa nararamdaman niya at ni Kenna, pero sa sagot niya ay parang alam ko na kung anong nararamdaman niya. Pwede naman siyang tumanggi nalang pero wala akong narinig sa kanya. Gusto niya si Kenna pero pinipigilan niya, parang may pumipigil sa kanya.

"Nagkakilala kami ni Kenna twelve years ago, hindi sinasadyang nasa playground ako nun nang may makita akong napaka gandang batang babae. Nilapitan ko siya at tinanong bakit siya umiiyak? Ang sabi niya ay ayaw daw sa kanya ng pamilya ng papa niya at namatay na daw ang mama niya nung pinanganak siya. Kasalanan niya daw kung bakit namatay ang mama niya." Inumpisahan kong ikwento sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Kenna.

"Bakit mo sakin sinasabi yan?" Tanong niya.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit parang karapatan malaman ni Wesley ang istorya ko at ni Kenna.

"Dahil gusto ko, hindi ka man magsalita alam kong gusto mong malaman." Hindi na muling sumagot si Wesley, ibig sabihin gusto niya talagang malaman.

"Ayoko sanang maniwala sa sinabi niya, sobrang ganda niya kasi, parang anghel kaya bakit siya aayawan ng sarili niyang pamilya? Tinanong ko siya kaagad kung bakit ayaw sa kanya. Hindi niya nasagot yung tanong ko ng mga oras na yon dahil sobrang inosente pa niya, maaari din siguro na dahil bata pa kami kaya hindi pa namin naiintindihan ang bigat ng mga dahilan ng mga bagay bagay. Pagkatapos niyang tumigil umiyak ay nagpakilala siya sa akin. Sabi niya siya daw si Hermione Kenna Malcolm, iba yung naramdaman ko pagkarinig ko sa pangalan niya dahil kakaiba, pakiramdam ko ng mga oras na yun isa siyang prinsesa na dapat kong protektahan, kaya ng mismong araw na yun sinabi ko sa kanya na ako na ang magiging taga pagtanggol niya sa mga mang aapi sa kanya." Tumigil ako sandali, tahimik parin si Wesley at nakikinig. Hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti dahil sa mga alaala namin ni Kenna.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa gubat ng academy sa paghahanap kay Kenna.

Pinagpatuloy ko yung kwento ko. "Tuwang tuwa siya nang sinabi ko na ako na ang magiging kawal niya. Pero napatigil siya sabi niya, wala daw ba akong kapatid at magulang? Syempre bago daw siya ay dapat unahin ko ang pamilya ko, napangiti ako dahil bata palang ay napakita na niya na hindi siya makasarili. Willing siyang ibahagi sa iba ang naideklara ng para sa kanya. Sinagot ko yung tanong niya sinabi ko na kamamatay lang ng buong pamilya ko, nang kapatid ko na kaedad niya siguro, lahat sila ay pinatay swerte lang na hindi ako napabilang sa kanila o swerte nga ba ako na mabuhay pa kung sama sama na ang pamilya ko sa kabilang buhay. Habang ako nag-iisa." Tumigil uli ako sa pagkukwento, naka kunot na ang noo ni Wesley.

Hindi niya man ipakita siguradong nagulat siya sa mga nalaman niya, hindi niya inaasahan na may mabigat din akong dinadala.

"Pagkasabi ko kay Kenna ng istorya nang buhay ko ay nag umpisa na naman siyang umiyak, mas malakas kaysa sa iyak niya nung nakita ko siya. Tinanong ko kung bakit umiiyak na naman siya, ang sabi niya nalulungkot daw siya para sa akin, mabuti pa daw siya kahit ayaw sa kanya ng pamilya nya ay alam niyang buhay naman ang mga ito maliban sa mommy niya, hindi daw kagaya ko mag isa nalang. Kaya nung araw din na yun tinanggap niya ako bilang soldier niya daw at siya ang prinsesa, hindi daw kami maghihiwalay kahit kailan. Siya na daw ang pamilya ko. Kaya simula ng araw na yon hanggang ngayon hindi na kami naghiwalay, iisang paaralan nalang kami pumasok, hanggang mapadpad kami dito sa Cuthbert. Dahil lumalaki nagkakaedad na kami, hinahanap na kami ng mga taong nakakaalala sa amin, siya bilang anak sa labas ng mga Malcolm at ako na taga pagmana ng mga Mackenzie." Tumigil ako magsalita dahil parang may gustong sabihin si Welsey.

"Marami na pala kayong pinagsamahan, kaya pala ganyan ka mag alala kay Kenna dahil nangako ka sa kanya." Nakangiti niyang sinabi.

"Pero may narealized ako, mali pala ako. Noong bata pa kami, sana pala ay sinabi ko nalang na ako ang prinsipe niya dahil ang prinsipe kayang mahalin at protektahan ang prinsesa ng magkasabay. Hindi kagaya ng kawal na walang pwedeng gawin kundi pagsilbihan lang ang prinsesa hanggang sa dumating ang prinsipe na para sa kanya."

Wesley's POV

"Pero may narealized ako mali pala ako, noong bata kami sana pala ay sinabi ko nalang na ako ang prinsipe niya dahil ang prinsipe kayang mahalin at protektahan ang prinsesa ng magkasabay. Hindi kagaya ng kawal na walang pwedeng gawin kundi pagsilbihan lang ang prinsesa hanggang sa dumating ang prinsipe na para sa kanya." Mapait siyang ngumiti.

Gusto kong sagutin ang mga sinabi ni Craig, dahil mali siya kung iniisip niya na ako ang prinsipe ni Kenna kaya niya sa akin sinasabi ang lahat. Walang karapatan magmahal ang kagaya ko. Hindi ko siya kayang protektahan gaya ng ginagawa niya.

Nabalot kami ng katahimikan sa paglilibot ng mag umpisang gumawa ng ingay ang cellphone ko dahil sa tawag ni Sir Blair.

"Wesley may problema tayo." Bungad kaagad ni Sir Blair pagkasagot ko palang nang tawag.

"Bakit Sir?"

"Akala ko ay naka detain si Mr. Otis hindi pala....wala daw ebidensya na nagpapatunay na siya ang salarin. Mabuti pa bilisan niyo na ang paghahanap kay Kenna, pabalik narin ako dyan dahil hindi ko makontak sina Clifford, nag aalala na ako." Ibababa ko na sana ang tawag ng may pahabol pa na sinabi si Sir Blair.

"Isa pa pala Wesley, dugo ni Kenna ang nakuha sa mga bubog ng basag na vase, maaaring siya ang hinampas ng vase dahil walang fracture o ano mang bakas ang ulo ni Ms. Eliziana na hinampas siya gamit ang vase" Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Sir.

"Anong sinabi ni Sir." Nag aalalang tanong ni Craig.

"Dugo ni Kenna ang mga nasa basag na vase. Mabuti pa bilisan na natin." Hindi ko alam pero mabilis ang tibok ng puso ko. Nag aalala ako kay Kenna, dapat ko ng aminin yon kahit sa sarili ko lang.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!