Chapter 18: Courting

2.7K 87 4

Courting

Kenna's POV

"Kenna sabihin mo nga sa akin may gusto kaba kay Wesley?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa biglaang tanong ni Craig.

"Craig wag mo akong tanungin ng mga ganyang bagay." Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Craig sa kamay ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.


"Kenna gusto kita." Napatigil uli ako. Pumikit ako, sana ay namali lang ako nang narinig, kahit na sigurado na ako sa narinig ko.

"Mali pala, mahal kita Kenna. Mahal na mahal kita bata palang tayo." Nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil sa pinagtapat ni Craig.


Si Craig ang isa sa mga tao na ayaw kong masaktan pero hindi kami parehas nang nararamdaman. Mahal ko siya pero bilang kaibigan.


"I'm sorry Craig." Pagkahingi ko ng tawad ay mabilis akong tumakbo. Nakarating ako sa likod ng school.


Tumayo lang ako doon at inisip ang mga bagay tungkol sa amin ni Craig, napatigil lang ako sa pag iisip nang may marinig akong mga boses na tila nagtatalo.


"Tigilan mo na ako ginawa ko na ang mga gusto mo." Hindi ko makita ang nasabing tigilan na siya dahil nakatalikod siya sa akin, habang yung isa naman ay naka side view pero pamilyar din at hindi ko alam kung nakikita niya ako dahil halos nakaharap naman siya sa kinakatayuan ko. Hindi ko narinig yung sinabi niya, hanggang sa makita ko ang pagsampal sa kanya nung nakatalikod.


Nagulat ako dahil nang humarap yung nanampal ay si Chloe pala. Bakit niya sinampal si Brittany?



Chloe's POV

Lumabas ako nang makaalis na ang lahat sa headquarters, bukod kay Wesley at Amber.


Hindi ako sang ayon sa ginagawa ko pero gusto ko nang kalimutan ang nakaraan. Eto lang ang tanging paraan, gusto ko ng mag move on dahil nakalimutan na niya ako. Ibig sabihin ay nakalimutan niya na rin yung bangungot nang nakaraan namin.


"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Ano nag iinarte ka nanaman? Asan na yung isang sulat? Nailagay mo naba sa locker ko?" Patuloy sa pag sasalita si Brittany habang sinusundan ako sa paglalakad.

Nakarating na kami sa likod ng school dahil sa pagsunod niya sa akin.

"Tigilan mo na ako ginawa ko na ang mga gusto mo. Please gusto ko ng kalimutan ang nakaraan." Pagmamakaawa ko kay Brittany.


"Eh bakit dito kapa nag enroll? Ang sabihin mo sinusundan mo talaga si Dwayne. Gusto mo ba ipaalala ko sa kanya kung paano namatay si Dwight ng dahil sayo?" Lumapit siya sa akin nang dahan dahan habang mahina niyang sinabi ang mga salitang ayoko nang marinig. Ang pagkamatay ni Dwight.


Dumapo nang malakas ang palad ko sa pisngi niya. Napansin ko ang pag iba ng expression niya, bigla siyang napaupo sa damuhan at nag umpisang umiyak.

"Chloe bakit mo ginawa yun?" Napaurong ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Kenna. Nakita niya ang pagsampal ko kay Brittany, dahil tinanong niya kung bakit ko ito sinampal.

Nakita ko na dinaluhan niya si Brittany at inalo ito para tumahan sa pag iyak.

"Chloe mag sorry ka kay Brittany." Utos ni Kenna.


Hindi ko siya masisisi kung iba na ang tingin niya sa akin ngayon, pero wala naman siyang alam. Wala silang alam lahat.


"Kenna hayaan mo na si Chloe. Kasalanan ko naman dahil napilitan si Clifford na bantayan ako." Patuloy sa pag iyak si Brittany habang sinasabi ito.


THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!