Chapter 62: Condolence

1.8K 67 11

Condolence

Craig's POV

Madaling araw na pero hindi ako makatulog. Mabigat yung pakiramdam ko.

Nang umikot ako dito sa kama ay napansin ko ang pag ilaw at pag vibrate ng cellphone ko sa lamesa dito sa gilid ng kama ko.

Sino namang tatawag nang ganitong oras.

Nang kunin ko to nakita ko sa screen ang pangalan ni Wesley.

"Ohh? anong kailangan mo sa akin?" Iritado kong sagot.

Alam kong wala siyang ginagawa sa akin pero hindi ko parin maiwasan na hindi mairita sa kanya.

"Puntahan mo kami sa Antipolo may nangyaring masama." Napabalikwas ako dahil sa sinabi niya. Antipolo? Nasa bahay ba sila?

"Antipolo? Nandyan ba kayo sa bahay? Anong nangyari?" Sunod sunod kong tanong.

May nangyari ba kaya hindi ako mapakali kanina pa.

"Oo nandito kami sa bahay nila Kenna. Sa tingin ko mas mabuti na dito nalang natin pag usapan. Bilisan mo kailangan ka ni Kenna."

Nang mabanggit ang pangalan ni Kenna mas lalo akong nag alala.

"An—

Magsasalita palang ako pero binaba niya ang tawag ko.

Fvck. Ano kayang nangyari. Mabilis akong tumayo at kinuha ang susi ng pinakamabilis kong sasakyan.

Pinaharurot ko sa daan ang sasakyan ko. Wala akong pakialam kung may masagasaan ako, dahil kailangan ako ni Kenna.

Wala pang thirty minutes ay narating ko na ang bahay nila sa Antipolo pero pagkababa ko palang ay tanaw na tanaw ko ang police car na nakaparada sa labas nang bahay at si Amber na kabababa lang sa sasakyan niya.

Napansin niya rin ako kaya siya na ang unang bumati sa akin. "Craig!"

Lumapit ako sa kanya at siya ang tinanong ko, siguradong may alam na siya dahil nandito siya ngayon.

"Anong nangyari Amber?"

"Tinawagan ako ni Cliff sinabi niya na nandito daw kanina sila Inspector. Natagpuan daw nila Kenna ang Mommy niya sa kwarto na nakahiga at wala nang buhay." Nag aalala niyang sinabi.

Parang nang lambot ang tuhod ko sa mga sinabi ni Amber. Napasabunot ako sa buhok ko. Pumikit ako baka panaginip lang to. Sana magising na ako.

"Craig? okay kalang ba?" Narinig ko ang boses ni Amber. Ibig sabihin hindi ako nananaginip.

"Tara na. Hinila ko na siya papasok sa loob. Hindi na ako nag tangkang magtanong sa mga pulis.

Nilibot namin ang baba ng bahay pero wala sila.

"Teka tatawagan ko si Wesley." Sabi ni Amber.

"Wag na, baka nasa kwarto sila." Naisip ko nang umakyat dahil maaaring nasa kwarto pa sila kung saan natagpuang patay si Mommy Quia.

Hindi ako nagkamali. Nakaupo lang si Kenna, tulala. Habang si Wesley ay naglilibot libot sa kwarto nag hahanap nang kung ano.

"Kenna." Mahina kong tawag sa pangalan niya.

"Craig....." Tinitigan niya ako. Nilapitan ko siya at niyakap dahil alam ko ang kasunod na mangyayari. Umiyak siya nang pagkalakas lakas.

Amber's POV

Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa nakikita ko. Hindi ko yata kakayanin kung kay Mommy mangyari to.

"Amber tara lumabas muna tayo." Niyaya ako ni Wesley lumabas. Siguro para bigyan nang privacy si Kenna at Craig.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!