Chapter 61: Quia

1.7K 91 5

Quia

Kenna's POV

Naghahalo yung nararamdaman ko, takot, kaba, galit, at pangamba. Pangamba na may nangyari nang masama kay Mommy.

Gusto kong umiyak pero walang luha na pumapatak sa mata ko. Sinusubukan kong maging matatag, gusto kong alisin sa isip ko yung mga posibilidad na may nangyaring masama sa kanya.

Binitawan ni Wesley ang kamay ko para buksan ang magkabilang pintuan ng sports car ni Dwayne.

"Wag ka munang sumakay." Utos niya sa akin.

Napansin ko na nakayuko siya at parang may kinakapa sa ilalim ng mga upuan, habang ako naman ay patuloy sa pag tawag sa bahay namin, pero walang sumasagot.

"Tsk. Sabi na nga ba, masyado siyang matalino." Nasisising sinabi ni Wesley.

"Anong ibig mong sabihin?" Binaba ko ang cellphone ko na nakatutok sa tenga ko.

"Sa tingin ko kaya nalaman ni Ahriman ang tungkol sa Mommy Quia mo ay dahil dito." Pinakita niya yung maliliit na speaker nung 4 - way micro headset ni Sir Blair.

Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Wesley, kaya nalaman ni Ahriman ang pinag uusapan nila ay dahil sa tulong ng gamit ni Sir Blair. Ang hindi ko maintindihan bakit nila pinag uusapan si Mommy.

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, ang hindi ko maintindihan bakit niyo pinag uusapan si Mommy." Malakas kong sinabi sa kanya.

Umikot siya sa sasakyan at lumapit sa akin. "Ang mabuti pa sa daan na natin pag usapan yan. Kailangan na natin makapunta sa bahay niyo sa lalong madaling panahon." Hinawakan niya ako sa balikat at iginaya papasok sa sasakyan.

Sinabi ko sa kanya kung saan sa Antipolo ang bahay namin. Sa bilis mag maneho ni Wesley pwede kaming makarating sa bahay within thirty minutes.

"Now tell me bakit niyo pinag uusapan si Mommy?" Tanong ko kay Wesley na nakatutok lang sa daan ang tingin.

"Wag kang mabibigla pero sa tingin ko konektado ang unang MCC sa nangyayaring laro. At ang Mommy mo lang ang makakasagot non dahil siya lang ang kilala natin na malapit sa naunang MCC." Paliwanag niya sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang sobrang galit dahil pati ang itinuring kong ina ay nadamay pa sa larong to. Kasalanan ko talaga ang lahat. Nagsisisi ako kung bakit ko pa pinasimulan ang MCC.

"I'm sorry." Nakatitig lang ako kay Wesley na nakafocus parin ang tingin sa daan, habang nag sosorry sa akin.

"I'm sorry, kung nag iisip lang sana kami ay hindi madadamay ang Mommy mo." Pag ulit niya sa paghingi ng tawad.

"Alam ko na hindi niyo kagustuhan to. Sino bang mag aakala na pati sa sasakyan ay kaya tayong pakinggan ni Ahriman. At saka bakit ka nag sosorry? iniisip mo ba na may nangyaring masama kay Mommy." Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na ligtas siya.

Kung may mangyari sa kanya ay hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa pagkakataon na to buhay naman nang pangalawa kong ina ang nakataya. Ang una ay si Mommy Cassandra ang tunay kong ina, namatay siya sa panganganak sa akin. Ngayon naman si Mommy Quia.

Lagi nalang nasasaktan ang mga taong nagmamahal sa akin.

Tahimik nalang kami sa buong byahe. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng bahay na kinalakihan ko.

"Wala kayong security guard?" Tanong ni Wesley nang makalampas na kami sa malaking gate ng bahay.

"Wala, dahil safe ang lugar na to, wala rin naman nakakaalam na dito ako nakatira. Isa pa napaka buting tao ni Mommy para may mag isip pa na gawan siya ng masama. Ayaw na ayaw niyang pinagsisilbihan siya. Hanggang maaari kung kaya naming dalawa ay kami nalang ang gagawa." Napangiti ako sa sinabi ko. Napakabuti niyang babae, kaya sana lang walang nangyaring masama sa kanya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!