Chapter 33: Transfer

2.6K 70 11

Transfer

Amber's POV

Nakapangalumbaba lang ako habang nasa harap ng computer ko dito sa headquarters. Five days na simula nang makalabas kami ng hospital, pero hindi na talaga nagpakita si Clifford. Masalubong man namin siya, mabilis siyang lalayo. Wala talaga kaming idea kung anong nangyari sa kanya, bakit bigla nalang siyang umayaw at umiwas nang walang paliwanag man lang.

Nakakapanibago, kulang ang grupo pag wala siya. Ang tahimik.

"Hayyy." Napabuntong hininga nalang ako sa mga naisip ko.

"HOY! Kanina kapa tulala dyan!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo, mali pala ako. Hindi tahimik ang grupo dahil nandito na naman si Dwayne.

"Why are you here?" Mataray kong sinabi sa lalaking kanina pa nakangisi. Tinitigan ko siya dahil may bigla akong naalala.

Ang gwapo talaga ng mokong. Matangos ang ilong, perfect lips, yung mata niya pagtinitignan ka para kang hinuhubaran, parang nakaka hypnotized at speaking nang hinuhubaran. Nalala ko nung nag punta kaming lahat sa beach, parang mahihimatay yung mga babae nung hubarin niya yung sando niya. Hello six packs. Ang tangkad niya pa, matangkad ako pero hanggang balikat niya lang yata ako. Kung si Wesley ay mysterious type, si Craig ay suplado, sya naman parang laging nang aakit, seductive siya pero sorry ka nalang Dwayne dahil hindi kita type kaya tayo naging mag bestfriend. Si Clifford naman ang boy next door ng grupo, clean look at laging masaya yung aura niya. Jolly personality. Lalo ko tuloy siya namiss.

"Ano Amber maghapon ka nalang tutulala dyan? Tsaka tigilan mo ang pag imagine sa katawan ko hindi mapapasayo to." Hinawakan niya ang baba ko at umarteng isasara ang bibig ko, saka pinunasan ang kunwaring laway sa gilid ng labi ko.

"Excuse me Dwayne, but i will never ever drool with your body, malay ko ba ilang babae na ang nakahawak dyan. Duh! Magkasakit pa ako. Kawawa naman si Chloe lugeng luge sayo." Para akong natauhan nang maalala ko si Chloe.

"Oo nga pala kung nandito, ka sinong nagbabantay kay Chloe?" Hindi safe na maiwan siyang mag isa sa ospital, lalo na kung pati si Ahriman ay nakakapunta doon.

"Andoon sila Tita Victoria, sila na daw ang bahala. Magpahinga daw muna ako." Sagot niya sa akin. Victoria pala ang name ng Mommy ni Chloe.

"Ano nga pala yung naalala mo?" Pagbabalik niya sa naputol naming usapan.

"Wala naman, naisip ko lang bigla yung bakasyon natin last sem bago madagdag si Wesley sa grupo." Para kasing gusto ko silang yayain lahat para naman makapag relax, kaya lang ayoko rin at the same time dahil kulang kami.

"Alin ang naalala mo dun Amber? Nung makita mo yung sizzling hot kong six pack abs? Or yung hindi mo ineexpect na maganda rin pala ang katawan ni Clifford? You find him hot right?" Pang aasar nanaman niya sa akin.

Naalala ko yung ibig sabihin ni Dwayne. Nasapul lang naman ako ng hindi sadyang maiserve sa akin ni Kenna yung bola ng volleyball dahil hindi ako nakatingin. Naghubad kasi bigla si Clifford sa harapan ko, at hindi ko ineexpect ang makikita kong view. Hindi ko akalain na ang ganda ng katawan niya, he has a toned body unlike Dwayne na sexy yet muscular. Napaisip ako ano kayang itsura ng katawan ni Wesley? Aasarin ko nga si Kenna kung naiisip niya. Si Craig kasi ay well toned din pero hindi naman mahilig magpakita ng katawan. Hindi show off kagaya nitong si Dwayne.

"Ano bang natira mo Amber at kanina kapa natutulala?" Nakapameywang na tanong no Dwaye, daig pa ang mommy ko kung magtanong.

Nag aalala na si Dwayne, akala niya ba problemado ako? Naiisip ko lang kaya ang mga katawan nila.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!