Chapter 68: Ending (Part 1)

2.3K 77 15

Ending (Part 1)

Wesley's POV

"Wesley.....Wesley....." Nakarinig ako nang mahinang pagsitsit, at nararamdam ko na parang may bumabangga bangga sa tagiliran ko ngayon.

Dinilat ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin sina Kenna, Amber at Dwayne na pare-parehas nakatali ang mga kamay at paa dito sa maduming sahig, kagaya ko.

"Kenna...." Tinawag ko ang pangalan niya para makasigurado na gising na talaga ako, na hindi to isang panaginip.

"Wesley nandito tayo sa lumang building. Dito nila tayo dinala. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila ako kaagad pinatulog, nakita ko na may gamot silang itinusok sa'yo, pagkatapos sakin naman. Kaya hindi ka kaagad nagising." Tuloy tuloy niyang sinabi.

Tama siya, dito pa talaga kami naisipan itago ng mga traydor. Siguradong imbensyon niya rin yung sinasabi ni Kenna na itinusok sa amin. Gamot na hindi lang yata pampatulog, dahil nakakaramdam ako ng pamamanhid ngayon.

"Hindi na ako magtataka na siya ang traydor. Ang hindi ko maintindihan bakit pati si Sir Blair ay kasali, pero sa mga sinabi mo sa akin ngayon, hindi na pala ko dapat magtaka. Parehas na silang nababaliw." Halos pabulong kong sinabi kay Kenna dahil magkatabi lang naman kami. At maaaring nandito lang sila at nakikinig sa amin.

Hindi na siya sumagot dahil natuon ang atensyon namin sa pag galaw ni Amber, na halos katabi lang ni Kenna. May bakas nang dugo sa pisngi niya nang lumihis siya paharap sa amin. Ano kayang ginawa nila kay Amber?

Nasaksihan namin ang hirap sa pagdilat ni Amber. Hindi agad siya nagsalita. Parang kinikilala niya muna kami bago magsalita at magtanong.

"Wesley? Kenna?" Halos pabulong niyang sinabi, kitang kita ko ang panghihina niya.

"Amber anong nangyari sayo? Anong ginawa nila bakit may dugo ka sa ulo?." Nag aalalang tanong ni Kenna sa lagay niya.

Puno nang dugo ang balikat niya, galing sa umagos na dugo sa ulo niya, pati sa kaliwang parte ng mukha niya ay meron.

"May humataw sa ulo ko, nakikipag agawan ako ng cellphone tapos bigla nalang may matigas na bagay na tumama sa akin." 

Lumingon siya sa tabi niya at nakita niya si Dwayne.

"Oh my god! Nandito rin si Dwayne." Kung ganon hindi pa pala sila nagkita kanina, hindi sila sabay nahuli.

Nagpalinga-linga siyang muli, parang may hinahanap.

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya.

"Si Sir Blair, may humampas din sa kanya. Nag aalala ako, ano na kayang nangyari sa kanya." Hindi pala si Sir Blair ang umatake sa kanya.

Ano kayang acting ang ginawa nila para isipin ni Amber na inosente ang obsess na professor na yon?

"Tsss... Amber wag mo nang hanapin ang isang yon, magkasabwat sila ni Ms. Laura." Bakas sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ko, dahil sa pagkakadiin ko sa pangalan ni Ms. Laura

"Pero nakita ko siyang bumagsak sa harapan ko mismo. May nanakit din sa kanya." Pagtatanggol pa niya.

"Sa palagay mo Amber sino kaya ang umatake sa likod mo habang nakikipag agawan ka ng cellphone?" Napatigil siya sa sinabi ko, sana lang naiintindihan na niya ang gusto kong iparating.

"How about Craig?" Tanong niya, iniba niya ang usapan.

Si Craig naman ang binaggit niya, hanggang ngayon hindi ko masagot kung may kinalaman din ba siya o wala sa mga nangyayari.

"Do you think na may kinalaman si Craig dito Amber?" Tanong ni Kenna sa kanya.

"Nalaman ko na ang tungkol sa nakaraan nila. Alam ko na rin anong koneksyon ng MCC sa kanila. Sa Ravana." Alam na rin pala niya ang lahat. Ang tungkol sa grupong nabuo dahil sa MCC. Ang grupong Ravana.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!