*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 29: Please be safe

2.6K 81 11

Please be safe

Craig's POV

Umabot kami ni Wesley dito sa panglimang palapag nang lumang gusali ng hindi gumagawa ng ingay, nang marating namin ang huling kwarto nagkatinginan kami. Tama ako si Oswald nga ang may pakana ng lahat, sinasabi ko na nga ba dahil gahaman siya.

Hindi niya parin alam ang presensya namin sa likod niya. Ginamit namin ang pagkakataon para atakihin siya, pero bago pa kami makakilos ay may sinabi siya kay Kenna na tila ba naririnig siya.

"Ngayon wala nang sagabal, tatapusin na rin kita at palalabasin ko na nagpakamatay ka pagkatapos mong patayin ang magaling mong tyahin. Ayaw kitang idamay pero ikaw lang ang pwedeng magkaroon ng motibong patayin siya. Alam ko naman na sawang sawa kana sa buhay mo. I'll do the favor for you." Nilabas niya ang baril galing sa loob nang hawak niyang bag, at nang umakto na siya ay saka kami sumugod na dalawa ni Wesley.

Hawak hawak na ni Wesley ang kamay ni Oswald, nakikipagbuno para maagaw ang baril.

"Craig dalhin mo na si Kenna! Tumakbo kana. Bilisan mo." Nahihirapan niyang sinabi, hindi talaga nagpatinag si Oswald.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis kong inilagay sa bisig ko si Kenna. Bakas sa mukha niya ang panghihina dahil sa kagagawan ni Oswald Otis.

"Sige tumakbo ka! Pero wala kang magagawa Mackenzie! Papatayin ko parin kayo niyang kaibigan mo pagkatapos ko dito sa pakialamerong si Philbert." Sigaw ni Oswald, nabaliw na siya sa sobrang pagkagahaman niya. Wala na siya sa katinuan.

Hindi ko na siya sinagot at mabilis na akong umalis para madala si Kenna sa ligtas na lugar. Hinihingal akong nakarating sa pangatlong palapag nang magkamalay siya.

"Craig?" Nanghihina niyang sambit sa pangalan ko.

"Kenna." Banggit ko sa pangalan niya.

"Asan tayo?" Sinubukan niyang bumaba sa pagkaka-karga ko sa kanya.

"Wag kang bumaba kailangan natin makaalis dito, hindi mo kayang maglakad dahil sa sitwasyon mo."

Bang..........

Isang putok ng baril. Napapikit ako, huwag naman sana.

"Craig ano yun?" Nagpapanic niyang tanong.

"Si Wesley naiwan kasama si Oswald pinigilan niya para makatakas tayo."

Rumehistro sa mukha ni Kenna ang takot dahil sa mga sinabi ko.

"No!...... Craig please ibaba mo ako." Nagpumiglas siya pero mas malakas ako kaya wala siyang nagawa.

"Craig ibaba mo ako!" Pilit niyang sigaw, habang nag uunahan  sa pag tulo ang mga luha niya. "Craig........please." Wala na siyang lakas dahil kahit gusto niyang bumaba ay hindi na siya makapang laban.

"Mawawalan nang saysay ang ginawa ng lahat kung babalik ka doon, sana maintindihan mo ako. Para to sa'yo at sa ating lahat." Pakiusap ko sa kanya.

Pumikit lang siya, hindi ko malaman kung naintindihan paba niya ang mga sinabi ko dahil sa patuloy niyang pag iyak habang sinasabi ang huling kataga niya.

"Please be safe." Bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Wesley's POV

"Craig dalhin mo na si Kenna! Tumakbo kana. Bilisan mo." Hawak hawak ko ngayon ang kamay ni Otis na may hawak sa baril. Pilit ko siyang pinipigilan na makalabit ang gatilyo habang nandito pa sila Craig.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!