*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 43: You're next

1.9K 61 10

You're next

Wesley's POV

"Georgina pabayaan mo kung saan masaya ang anak natin." Napalingon kaming lahat sa nagsalita, si Insp. Donovan. Tinawag niyang anak si Clifford.

"Anak? Nagpapatawa kaba?" Sarkastikong sinabi ni Ms. Ebenezer

"Nakita ko ang mga ginagawa niya dito kaya alam ko na masaya siya." Tugon ni Inspector sa sagot ng ginang.

"Anong alam mo? Pagkatapos mong mawala ay susulpot ka ngayon na parang kilalang kilala mo ang anak ko?" Tumatawang sinabi ng ginang.

"Tama na!" Saway ni Cliff sa mga magulang niya. "Ma please tumahimik kana. Ikaw naman bakit nandito ka?" Magkasunod niyang tanong sa mga magulang niya.

"Kung masaya ka dito hindi mo kailangan umalis." Ani Inspector, kung ganun nandito talaga siya para pigilan ang anak niya.

"Pagkatapos mo kaming iwan? Pagkatapos mo akong abandonahin sasabihin mo yan?" Binigyan niya ng masamang tingin ang ama dahil sa sinabi nito.

"Bakit hindi mo tanungin ang Mommy mo kung anong totoo." Ibinaling ni Insp. Donovan ang paningin niya kay Ms. Ebenezer

Napaurong ito at matalim na tinignan ang Inspector. "Anong katotohanan paba ang gusto mong sabihin ko?"

"Wag mo akong tanungin dahil alam mo ang ibig kong sabihin." Anang Inspector.



"Wala naman magbabago, iniwan mo kami. Tapos." Nauutal na sinabi ng ginang, nawalan siya ng postura dahil sa mga sinabi ni Inspector.

Tinignan ni Cliff ang ina niya.  "Kahit kailan hindi kita tinanong anong dahilan niya, nagbulag bulagan ako sa mga sinabi mo. Pinaniwalaan ko na basta nalang niya tayo iniwan, kaya kung may iba pang dahilan sabihin mo na. Please ma." Pag mamakaawa ni Cliff sa ina.

Ipinukol naman niya ang tingin kay Inspector at saka nagsalitang muli. "Ikaw naman, nilapitan na kita pero anong ginawa mo? Hindi mo ako nabigyan ng rason. Sa palagay mo matutuwa ako na bigla kang susulpot dito at pipigilan akong umalis na parang walang nangyari?"

"Dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang iyong ina. Kung sasabihin ko sayo ang totoo maniniwala kaba? Ayokong kamuhian mo siya dahil alam ko kung gaano ka niya kamahal. Ayokong masira kung ano mang samahan ang mayroon kayo." Sagot ni Inspector sa mga sinabi niya.

"Sige sabihin mo sakin ang totoo, sa harap nang mga kaibigan ko, sa harap ni Mommy. Wag mong isipin na masisira ang relasyon naming mag ina, isipin mo na kaharap mo na ako, anak mo na miserable dahil wala akong alam." Hamon niya sa ama.

"Hindi basta basta ang trabaho ko, delikado, maraming banta. Ayoko na madamay kayo pero isang araw pinapili ako ng mommy mo. Kayo o ang pagiging Inspector ko, syempre kayo ang pinili ko."

"Kung kami ang pinili mo bakit nawala ka?" Parang batang tanong ni Clifford.

"Bakit hindi mo itanong sa Mommy mo kung bakit nga ba?" Muli ibainalik ni Inspector ang tanong sa ginang,

"Dahil mas mahal mo naman talaga ang trabaho mo! Nagpapanggap kalang na mas mahalaga kami!" Nag hihysterical na ang nanay ni Clifford.

"Alam mong hindi yan ang totoo." Tumaas na ang boses ni Inspector.

"Please naguguluhan na ako ipaliwanag mo nang maayos." Nakahawak na si Clifford sa noo niya, pinipigilan niyang umiyak. Nalilito, hindi alam sinong dapat niyang paniwalaan.

"Nagkakilala kami ng mommy mo noong College kami. Tatlong taon tumagal ang relasyon namin, sa mga taon na yun tutol ang buong pamilya niya dahil hindi kaparehas ng estado nila ang estado ko sa buhay, pero kahit na ganun ay pinagpatuloy namin ang relasyon namin, at nag bunga yon. Ikaw yon Anak. Pero isang araw nalang sunod sunod na kaso na  ang kinakaharap ko sa trabaho, masyado nang delikado. Ayoko na madamay pa kayo kaya sinabi ko na mabuti pang bumalik muna kayo sa Scotland at susunod ako pagkatapos." Nakakunot na ang noo ni Cliff parang hindi naproseso sa isip niya yung mga nalaman niya. "Sumunod ako Clifford." Muling sinabi ni Inspector.

Biglang nagsalita si Ms. Ebenezer, itinuloy niya ang kwento ng Inspector. "Sumunod siya, pero dahil hindi nga siya tanggap ng mga lola mo wala akong nagawa kundi pagtabuyan siya. Bata pa ako noon natatakot ako na walang mangyayari sa buhay ko kung patuloy kong susuwayin ang mga lola mo. Natatakot ako na kung pipiliin ko ang tatay mo, wala tayong magandang kinabukasan na dalawa, lalo kana dahil mag aaral kana ng mga panahon na yun. Natatakot ako sa sa sobrang delikado ng mga hinahawakan niyang kaso ay madamay tayo. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako." Nakayukong sinabi ng ginang. Umiiyak dahil sa pag amin niya.


"Pero bakit?" Umiiyak na si Clifford, dinaluhan siya ni Sir Hugo.


"Bata pa ako noon, maraming pangarap." Nahihiyang sinabi ng ginang kay Clifford.

"Eh yang sakit mo totoo ba yan? Baka naman nagpapanggap ka lang din? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin na makita kang miserable dahil sa kanya? Araw araw siya ang sinisisi ko, lahat ng gusto kong gawin ay pinilit ko nalang kalimutan para maging masaya ka, para mapanatag ka." Sumbat niya sa ina.

"Natatakot akong mawala ka sakin anak, ikaw lang ang meron ako. Mahal na mahal kita. Kaya sa tuwing naiisip ko na nagsasawa kana sa pag intindi sa akin ay hindi ko mapigilan hindi maging miserable." Napaupo nalang ang ginang sa semento at nag umpisa ng umiyak na parang bata. "Sige na hindi mo na kailangan sumama sa akin pabalik. Alam ko naman na maligaya ka dito, masyado akong makasarili, imbes na ikaw ang dumepende sa akin, ako ang naging dependent sayo." Parang batang sinabi ni Ms. Ebenezer

"Don't say that. Naging mabuti ka saking ina, ginawa at binigay mo lahat ng gusto ko. Maaaring nagsinungaling ka, pero ginawa mo yun dahil mahal mo ko." Napatigil ang mommy niya sa pag iyak dahil sa mga sinabi niya.

Calling Passenger of Flight number 720......

Umalingawngaw ang tunog ng speaker sa parking lot ng airport. Tinatawag na ang mga pasahero ng nasabing flight.

Humakbang si Clifford palapit sa ginang.

"Tara na, mahuhuli tayo sa flight. Tigilan mo na yang nakasanayan mo Ma na laging huli dahil nasa VIP ka. Kawawa naman yung ibang pasahero." Nag angat ng tingin si Ms. Ebenezer bago tuluyang tumayo sa tulong ni Clifford. Kung ganoon aalis parin siya, hindi na siya mapipigilan.

"Tara na." Pagyaya niyang muli.

"Clifford aalis ka parin ba?" Hindi na napigilan magtanong ni Dwayne.

"Yes hindi ko pwedeng pabayaan magbyahe ng mag isa si Mommy." Nakangiti na siya, ngiti na matagal naming hindi nakita.

Nilipat niya ang tingin niya papunta sa Inspector. "Marami kaming dapat pag usapan ni Mommy and you're next."


"Sige guys mauna na ako." Pagkatalikod niya ay kumaway lang siya saka dinaluhan ang mommy niya at si Sir Hugo na sasamahan pa daw sila hanggang sa loob.

"Babalik paba siya?" Wala sa sariling sinabi ni Kenna habang pinapanood ang papalayong si Clifford.

"Hindi mo ba narinig Kenna? Ako na daw ang susunod. Babalik pa siya, magtiwala lang kayo." Nakangiting sinabi ni Inspector sa kanya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!