Chapter 28: Another culprit

2.7K 79 1

Another culprit

Clifford's POV

Nandito kami ngayon sa lumang building kung saan namin sinubukan ang kakayahan ni Wesley noong una namin siyang makilala. Sa totoo lang nakakatakot dito kaya eto ang pinaka ayokong lugar sa academy.

Ngayon lang yata kami nagkasama ni Amber ng dalawa lang kami, at masasabi kong awkward kaya naisipan kong mag bukas ng topic habang nililibot itong building.

"Naisip ko lang maaaring totoo yung sinabi ni Ms. Laura na pwedeng para sa lahat yung sulat. Sa tingin mo sino kayang isusunod ni Ahriman? Sana ay huli na to, nakakamiss din pala ang maglakad nang wala kang iniisip na may nag babanta sa buhay mo." Sinabi ko kay Amber and saloobin ko, wala naman yata siya naintindihan dahil mukhang takot na takot na siya.

"Hindi ko alam pero sigurado akong hindi ako ang susunod dahil wala naman akong sikreto. Ikaw ba, may tinatago kaba sa amin Clifford?" Para kong nahuli sa akto sa mga tanong niya.

Sinubukan kong ibahin ang kwento, at sinimulan magtanong sa kanya. "Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa pamilya mo, parang ikaw at si Craig nalang ang hindi ko alam ang kwento, si Wesley naman kasi walang kakaiba bukod sa anak siya ng sikat na Detective."

Hindi na muling ibinalik ni Amber ang tanong niya sa akin, sa halip ay sinagot nalang niya ang tanong ko, kung ano nga bang meron sa kanya.

"Maniniwala kaba kung sasabibin ko sayo na kabaliktaran ng meaning ng Orzora kung saan kami involved."

"What do you mean Amber?"Hindi ko siya nagets.

"Orzora ang last name ko diba?" Pagpapaalala niya, maaari ko ba naman kalimutan yun.

"Yes, and if you're given a chance maaari mong magamit ang last name ko someday. Hahaha." Makahulugan kong sinabi, dahil kapag nagpakasal kami magagamit na niya ang apelyido ko.

"Oh c'mon please kinikilabutan ako!" Umarte pa siyang nakayakap sa sarili niya dahil sa biro ko.

"Kilig yan Amber. Believe me." Tinitigan ko siya habang sinasabi to, and I caught her off guard. Umayos siya nang pagkakatayo at nag umpisa ng maglakad.

"Okay so back to our topic. Orzora means to be involved in conventional, safe activities pero sa palagay ko hindi ganun ang pamilya namin. May grandpa was a Judge, and malalaking kaso ang nahatulan niya. Guess what? My Mom and Dad are Judge too, nang mga bigtime cases dito sa bansa, and so for me......mukhang hindi ko gusto sundan ang yapak ng kahit sino sa kanila. I want to be a professional hacker ng malalaking company." Pag amin niya sa akin ng mga pangarap niya, bagay naman sa kanya ang gusto niya dahil magaling talaga siya sa system ng computer.

"And I guess this are your secrets Amber....." Sinabi ko sa kanya na eto na mismong mga sinasabi niya sa akin ang mga lihim niya.

"What do you mean?" Hindi niya naintindihan kaya nilinaw ko sa kanya.

"I know you for more than three years, you've never made a mistake. Nag aalala ka na mabigo mo ang parents mo kung susundin mo kung anong gusto mo. Is this the reason why you chose to stay here in Cuthbert?" Tinanong ko siya kung tama nga ba ang conclusion ko kung bakit siya napadpad sa Cuthbert.

"You know me better now huh?" Malungkot niyang sinabi at tumigil sa paglalakad.

"So am I right? Pumihit ako patalikod para makaharap siya.

"Yes, or its better to say na ginagawa ko muna ang mga gusto ko bago ko pasukin ang mundo kung saan naman ako nabibilang. Judiciary and Justice System at hindi sa harap ng computer ko." Malungkot niyang sinabi.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!