Chapter 37: 4 -way micro headset

2.6K 59 0

4 - way micro headset

Craig's POV

Kasama ko si Ms. Laura ngayon, inimbitahan namin si Pierre Solomon para alamin kung nasaan siya ng mga oras na mag message si Ahriman kay Zsarina. Dahil isa siya sa mga pinag hihinalaan namin.

"Sa palagay niyo magagawa kong patayin si Zsarina at ang magiging anak namin?" Sa kanya na mismo nanggaling na buntis nga ang kasintahan niya.

Kinumpirma na ito ni Sir Blair kanina pa. Naautopsy na niya ang bangkay, pero gusto kong marinig mismo kay Pierre na nagdadalang tao si Zsarina. Narinig ko na ang gusto kong malaman.

"Kung ganoon nasaan ka kahapon ng madaling araw?" Pag uulit ko sa tanong ko sa kanya.

"Okay...... ang totoo niyan ay lumabas ako, kasama ng mga kaibigan ko kahapon ng madaling araw para magpalamig. Masyado nang magulo yung isip ko dahil buntis siya at ayaw naman sa akin ng buong pamilya niya. Hindi ko alam anong magiging set up ng relasyon namin. Pwede niyong tanungin yung mga kasamahan ko at yung mismong may ari ng Dead Vile para patunayan na wala ako dito sa academy nung mga oras na yun." Paliwanag niya sa nangyari sa kanya, at kung nasaan siya. Kung mapapatunayan ang lahat ng sinabi niya, ibig sabihin lang wala talaga siyang kinalaman.

"Teka nga bakit ba yun ang tinatanong niyo sa akin? Umaga nagpakamatay si Zsarina, anong problema niyo sa pag alis ko nang madaling araw?" Biglang nagbago yung expression ng mukha niya, parang may naalala nang mabanggit niya ang salitang madaling araw.

"Pero may kakaiba nga....."

"Anong ibig mong sabihin." Ani Ms.Laura sa kanya.

"Kahapon, mga bandang four a.m ay panay ang text sa akin ni Zsarina tungkol daw sa nag chachat sa kanya. Eto oohh...." Inabot niya ang cellphone niya at ipinakita ang mga mensahe nito sa kanya.

Lumapit ako kay Ms. Laura para sabay kaming magbasa.

"Siguradong si Ahriman ang ibig niyang sabihin dito." Kumbinsidong sinabi ni Ms.Laura habang tumatango.

"Kung sino man yang sinasabi niyo at totoong siya ang may kasalanan kaya nagpakamatay si Zsarina ay gagantihan ko siya! Ano bang alam niya samin at kailangan niyang guluhin ang isip ni Zsarina?" Galit na galit niyang sinabi sa amin.

Napayuko siya. "Pero may kasalanan din ako. Sana ay hindi ko inuna ang sarili ko, sana sinamahan ko nalang siya. Kung tutuusin mas malaki yung dinadala niyang problema. Kung sana ay hindi nalang ako umalis baka may nakaramay siya, baka niya hindi naisipan magpakamatay." Umiiyak niyang sinabi sa amin.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Malalaman mo nalang na nagkulang kana pala kung kailan wala na yung tao. Ang nakakalungkot lang ay may nadamay pang munting anghel, hindi man lang siya nagkaroon ng tyansa sa makita ang mundo.

Tama si Wesley sa sinabi niya sa amin kanina, hindi ito ang tunay na kaso. May mas malalim pang dahilan dito, ginamit lang sila bilang kasangkapan ni Ahriman. May gusto siyang ipaalam sa amin at yon ang inaalam nila ngayon ni Kenna.

Nakita ko na dinaluhan ni Ms. Laura si Pierre na umiiyak, napa igting ang panga ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil masyado ng madaming nadadamay ng dahil sa p*nyetang laro na to. Kung gusto niya man kaming paglaruan, bakit hindi niya gawin ng patas? Bakit kailanga niyang idamay ang mga taong inosente?


Kenna's POV

Kanina pa ako nakasunod kay Wesley. Naiilang pa rin ako sa kanya. Pag katapos nung nangyari sa labas ng head quarters ay balik na naman siya sa dati. Ang buong akala ko matatapos na yung pagiging cold shoulder niya sa akin dahil sa mga sinabi niya. Nag expect lang pala ako.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!