Chapter 23: Kenna is missing

3.2K 83 0

Kenna is missing

Dwayne's POV

Nagsisisi ako sa mga ginawa ko, hindi ko man lang naisip yung mga pinag daanan ni Chloe. Masyado akong nag focus na maipakita na wala akong interes sa kanya dahil buong akala ko ay sinadya niyang kalimutan ako.

Hindi man lang ako gumawa ng paraan para malaman yung totoo, yung rason niya. Ako dapat ang unang makaintindi sa kanya pero masyado akong nabulagan ng nakaraan.

Alam ko na ngayon ang dahilan nang lahat ng ito, ako ang may kasalanan dahil naduwag ako, naduwag ako na harapin siya at sabihin sa kanya na naaalala ko naman talaga siya. Naduduwag akong harapin ang katotohanan na ako yung nagtaboy sa kanya noon.

Hawak hawak ko ngayon ang kamay niya, habang nakaupo ako sa tabi ng kama kung saan siya nakaratay. Gumaling lang siya ay babawi ako, babawi ako sa mga panahon na dapat kami ang magkasama habang dinadamayan ang isa't - isa. Sa mga panahon na nasayang.

Naramdam ko na gumalaw ang daliri niya. Tinignan ko ang mukha niya habang mabagal na dumidilat ang mga mata niya.

"Chloe....Chloe can you hear me?" Nakatulala lang siya sa kawalan, hindi ko sigurado kung nakikita o naririnig niya ako.

"Dwayne." Pilit niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko habang binabanggit ang pangalan ko.

Inilapit ko ang kamay niya sa mukha ko at hinalikan to. "There is no holding back this time Chloe."

Wesley's POV

Isang buwan ng comatose si Chloe bago magising kanina. Sa mga panahon na natutulog lang sya, hindi umalis si Dwayne dito sa ospital. Araw araw kinakausap niya si Chloe, pinapakiusapan na gumising na. Siguradong naririnig siya nito kaya pinilit na niyang gumising para kay Dwayne.

So miracle was indeed after all, sana ay nabigyan din ng himala si Mommy noon.

"It's a miracle na naka survive si Ms. Maddox masyadong malapit sa puso ang tama ng bala sa kanya, to be honest kahit kaming mga doctor niya ay nawalan na ng pag asa pero dahil sa lakas ng loob na pinakita ni Mr. Connor....."

Hindi ko na napakinggan ng maayos ang paliwanag ng doctor ni Chloe, dahil kailangan kong lumabas para sagutin ang tawag ni Ms. Laura.

"Hello Wesley?"

"Yes Ms. Laura?"

"Pwede bang pakisabi sa lahat na kung maaari ay balik muna kayo dito sa academy, okay lang maiwan si Dwayne dahil sigurado namang hindi niyo mapipilit at isang yun bumalik dito lalo na't gising na si Chloe." Mahabang sinabi ni Ms.Laura.

"Okay sasabihan ko sila."

Inend ko na ang usapan namin sa kabilang linya ng magsalita si Amber mula sa likod ko.

"Si Ms. Laura ba yan?"

"Oo pinapabalik na tayo mabuti pa ikaw nang magsabi sa kanilang lahat."

Nang makumpleto na kami ay wala nang nagsalita. Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa exit ng ospital.

"Diba si Sir Oswald yun." Turo ni Clifford sa professor na ngayon ay naglalakad na patungo samin dahil nakita niya rin kami.

May kasama siyang babae na mukhang isang dayuhan dahil sa blonde na buhok at kulay blue na mata. Pamilyar na mga mata.

"Oh nandito pala kayo? Wag niyong sabihin na hanggang dito ay gumagawa kayo ng kalokohan." Mayabang niyang sinabi na tila ba siguro na siya sa ginagawa namin.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!