Chapter 59: Lets talk

2.1K 62 5

Lets talk

Wesley's POV

Napakarami ko nang narinig, sapat na para makabuo ako ng teorya tungkol sa laro, pero may isa akong katanungan na dapat ko nang malaman sa harap nila mismo.

"So Uncle Seymour, what do you mean when you call them Alumni?" Para silang nahuli sa akto sa tanong ko.

"Wala bang nakakaalam sa inyo?" Tanong ni Uncle sa aming mga anak nila.

"We don't know nothing Uncle." Sagot ko sa kanya.

"Well we used to study in Cuthbert, all of us here except Judge Kenda syempre hahaha." Natawa rin sila sa biro ni Uncle Seymour.

"Hindi ka parin magbabago na bata ka. Pilyo ka parin." Umiiling iling na sinabi ng lolo ni Amber.

"As in lahat po kayo?" Paguulit ni Amber sa tanong.

"Yes, everyone. Ako, si August, Garreth, Efrain, at ang Mommy at Daddy mo Amber. Yung Daddy mo naman Dwayne he used to hang around with us dahil naging item sila ni Paige haha, pero taga Cuthbert din siya." Inisa isa ni Uncle Seymour Prodigious ang mga pangalan nila.

"Including Cassandra, and Quinn." Dagdag pa ni Tita Paige, ang mommy ni Amber.

"And Georgina." Tumatawang sinabi ni Inspector Donovan.

"God, you are totally giving me a headache Garreth." Kuhang kuha talaga ni Amber ang lahat sa Mommy niya.

"Why Tita hindi po ba kayo kasundo ni Mommy?" Usisa ni Clifford.

"Anak don't ask your Tita Paige baka mag hysterical yan." Awat ni Inspector kay Clifford.

"Paige paano kung magkatuluyan nga ang anak mo at ang anak ko?" Biro ni Inspector kay Tita Paige.

"Well past is past." Sarkastikong sagot ni Tita Paige kay Inspector.

"Hahaha I understand what you feel Tita, sometimes my Mom is a one crazy woman." Pag oopen ni Clifford tungkol sa Mommy niya.

"No hijo, wag mo sabihing sometime. It's all the time." Pagtatama si Tita kay Clifford at natawa nalang ito.

"And Dwayne, your Dad was once a cassanova noong panahon namin." Sabi ni Uncle kay Dwayne, schoolmate nga talaga silang lahat.

Sa tingin ko dito na magtatapos kung ano lang ang kaya nilang ibahagi sa nakaraan nila, tumatawa sila, nagbibiruan pero ramdam ko ang limitasyon ng mga kwento nila. Sana lang napansin yon ng mga kasamahan ko.

Nang matapos ang party para sa celebration ng birthday ni Uncle Seymour ay nagpaalam na ang isa't-isa pati na ang mga magulang namin na matagal hindi nagkasama sama. Isa isa na silang umalis kabilang na kami ni Dwayne, napag desisyonan namin na sabay na kaming babalik sa ospital kung saan naiwan si Craig at Chloe.

Habang nasa sasakyan hindi namin maiwasan na hindi mapag usapan ang tungkol sa mga naibahagi sa amin na kwento ng mga magulkng namin.

"Wesley until now I can't believe na schoolmates ang parents natin dati. Close na close silang lahat. Except my Dad, pero may napansin ako." Makahulugang sinabi ni Dwayne.

"Ano?" Ang tanging naisagot ko sa kanya, gusto ko munang pakinggan kung parehas kami nang napansin.

"Marami silang kwento, masaya sila na magkakasama. But do you think na may nangyari sa kanila dati? Yes, mag ex pala si Dad at Tita Paige pero sa tingin ko it's nothing compare sa katotohanan. Napansin mo ba na sobrang lungkot ni Tita nang mapag usapan yung Mommy ni Kenna pero may sinabi siya pa siya medyo nabother ako." Kung ganoon ay parehas nga kami nang napansin.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!