Epilogue

3K 70 13

Epilogue

Wesley's POV

6 months later.......

Mag iisang taon na simula nang lumipat ako dito sa Cuthbert, at halos anim na buwan na ang nakakaraan nang mangyari ang lahat. Nang paniwalaan ko na kaya ako pinakiusapan na mag aral sa academy na ito ay para alamin ang mga misteryo dito. Inisip ko na sa wakas ay pinagkakatiwalaan na ako ni Dad, at hindi ko na kailangan mabuhay sa ilalim ng anino niya. Ngunit mali pala ako, may mas malalim pa palang dahilan. Nakilala ko ang grupong Mystery Clue Collector, isang grupo dito sa paaralan na naghahanap ng solusyon para malutas ang isang misteryo. Misteryo, kung saan may isang kumakalat na laro na naglalaman ng paraan kung paano gawin ang plano ng pagpatay. Noong una ay inakala ko na mayroon lang isang nahihibang na tao na walang magawa, pero ng ako na mismo ang makasaksi ng krimen ay nagpasya akong tumulong sa grupo. Habang tumatagal ang kinakaharap namin na mga kaso mas tumitindi ang mga nangyayari, hanggang sa isang araw nalang, isa-isa na sa grupo ang naging sentro ng laro. Laro na sinadya pala talagang idesenyo para paglaruan ang buhay namin, buhay ng mga anak ng mga taong kinamumuhian ni Ahriman. Mga nakaraan na pilit itinago, na kami pala mismong mga anak nila ang makakabunyag. Dahil sa larong ito may mga buhay na nasayang, may mga inosenteng nadamay at mayroon din namang nagpapatuloy na lumalaban sa buhay kagaya ko, at ng mga kaibigan ko.

Clifford was shot on his left leg, he needs to undergo operations. Yes, operations dahil hindi lang isa kung hindi tatlong operasyon ang pinag daanan niya. Malaki ang naging komplikasyon ng tama ng bala sa hita niya, malaki ang posibilidad na malumpo siya. Kitang kita ko ang pagkawala nang pag asa kay Clifford sa mga panahon na yun, pero dahil sa suportang ibinigay ng Mommy niya at ni Inspector ay nakumbinsi nila na sumailalim siya sa isang therapy. Nakabuti rin ang hindi pag alis ni Amber sa tabi niya, sinuportahan siya nito sa loob ng anim na buwan niyang therapy. Hindi ito umalis sa tabi niya, kahit na walang kasiguraduhan kung ano na nga ba sila. I know Clifford so well, he really loves Amber. Malaki rin pala ang chance na mabuo ang pamilya nila Cliff, dahil nang mabalitaan ng Mommy niya na nabaril silang mag ama ay tumungo agad ito pabalik sa bansa at iniyakan silang parehas. Ibig sabihin lang mayroon paring pag aalala at pag mamahal sa puso ng Mommy niya para sa Inspector.

Sumunod ay si Amber, mabuti nalang hindi naging malala ang naging resulta nang tumama sa ulo niya, at nang pagkakabagok niya nang itulak siya ni Ms. Laura. Sa una ay tutol si Tita Paige at Judge Kenda na mag aral pa siyang muli dito sa Cuthbert, pero meron nalang kaming isa't kalahating taon sa academy noon. Ang Mommy mismo ni Clifford ang nakiusap kay Tita Paige na hayaan nalang si Amber, na kailangan din nila si Amber para sa anak nila. Hindi kapanipaniwala dahil ayon na rin sa kanila ay hindi magkasundo si Tita Paige at Tita Georgina, ang Mommy ni Cliff. Hindi sila magkasundo simula pa ng nag aaral din sila sa dito Cuthbert, hindi nila gusto ang isa't isa. Nakakatuwang isipin dahil kung tutuusin ay parehas naman sila ng ugali. Wala na rin palang nagtangkang magtanong kay Amber kung ano yung ibig sabihin ni Ms. Laura sa sinabi nito kay Dwayne, na kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ni Chloe ang mahal nito. Kahit malapit kami ni Amber, hindi na rin ako nagsubok na magtanong kung napag usapan paba nila ni Dwayne yun, bago pa umalis yung isa para sundan si Chloe. Posible rin na action speaks for itself, sinundan ni Dwayne si Chloe, so that's the answer.

Speaking of Dwayne, siya ang pinaka walang natamong kahit anu man physically, pero emotionally alam kong isa siya sa pinaka nasaktan. Oo, nasaktan kaming lahat, nawalan kaming lahat pero mas masakit kay Dwayne. Sapat na ang mga nakita ko noon kung paano niya halos tinuring na ate niya si Ms.Laura, kung paano niyang minahal ang adviser namin bilang parang kapatid na niya. Nawalan na siya nang kapatid noon at nawalan na naman siya sa pamamagitan ni Ms. Laura. Idagdag pa na sobrang laki ng galit nito sa kanya, kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan kung ang kaso lang nila noon ang nabigyan ng hustisya. Humingi si Dwayne ng tawad sa lahat kung totoo man na naging insensitive siya gaya ng iginiit ni Ms. Laura sa kanya. Humingi siya ng tawad lalong lalo na kay Craig na inamin niyang buong loob niyang pinag hinalaan, sana lang ay naririnig siya ni Craig sa paghingi niya ng tawad at mga nasabi niya rito noon. At kagaya kay Amber, hindi na rin ako nagtanong sa kanya kung ano nga bang nararamdaman niya, kahit na sa palagay ko ay kailangan nilang mag usap na dalawa base na rin sa nakikita ko. Nagpasya pala siyang sundan si Chloe six months ago para samahan tong magpatherapy at magpagaling ng lubusan dahil hindi naging maganda ang resulta ng pagkakadakip sa kanya ni Blair. Nag decide siya na doon na muna mag aral sa America habang sinasamahan si Chloe, dalawa silang mag enroll ng home schooling. Tumawag rin sila at inaasahan ng lahat na makakasama namin sila sa paparating na huling taon namin dito sa Cuthbert Academy.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!