Chapter 45: Pagudpud Island

2.2K 66 12

Author's Note: Pasensya na kung medyo hindi exciting sa inyo yung ibang chapter sinusulat ko na po kasi yung history ng MCC and habang ginagawa ko yun hayaan po muna natin mag enjoy sila Wesley. Hahaha salamat.

**************

Pagudpud Island

Kenna's POV

"Wow." Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita kong view. Nandito na kami sa Pagudpud Island. Ako at ang mga boys lang ang bumama ng rv, tulog pa kasi si Ms. Laura, Amber at Chloe. Hindi sanay sa puyatan at mahabang byahe by land.

"Pasukan ng langaw yang bibig mo Kenna." Sabi ni Dwayne sa akin. Ako naman ang napag diskitahan niya palibhasa tulog si Amber kaya substitute ako, at pag nagising naman si Chloe hindi na siya pwedeng mang asar dahil lagot siya dito.

Tinignan ko pasimple si Wesley, tumatawa ba siya? Bigla siyang napalingon sa kinatatayuan ko kaya mabilis akong nagbawi ng tingin.

"Tara Kenna iakyat na natin yung gamit mo." Nilapitan ako ni Craig na dala dala na yung mga gamit namin.

Pinagmasdan ko yung tutuluyan namin na bahay, gawa to sa kahoy, kung titignan mo palang alam mo na kaagad na sobrang presko dahil kitang kita na sobrang laki ng mga bintana.

Kanina palang habang nasa sasakyan napag usapan na kung sino ang magkakasama sa kwarto since apat na room daw yun, nag decide na kami na tig isa nalang si Ms. Laura at Sir Blair, yung isa naman ay para sa aming mga girls at yung isa ay sa mga boys.

"Wesley sige mauna na kayo, gigising ko na muna yung iba pa sa sasakyan." Sabi ni Sir Blair na mukhang handang handa nang mag swimming dahil sa suot niya.

Hindi ko maiwasan hindi tignan si Wesley, hindi na kami nakapag usap. Pagkatapos nung gabi na halikan niya ako at dalawang araw niyang pagbabago ng trato sa akin ay bigla na naman siyang naging aloof sakin. Kung dati cold lang siya ngayon yata mas cold na cold pa. Sinubukan niya lang ba ako kung worth it ako para sa kanya at nang nakita niyang hindi ay nagbago na uli isip niya. Kung ganon nga ang nangyari ano kayang naipakita ko sa kanya para mas lalo niya pa anong ayawan?

Tuloy tuloy na akong pumasok sa loob dapat ko na munang tigilan ang pag iisip. Hindi ko maiwasan hindi mamangha pati dito sa loob ng bahay, ang galing talagang magplano ni Dwayne. Sana lang makatulong tong bakasyon para marelax kami kahit papaano.

Umupo muna kami sa sala habang hinihintay si Dwayne na nasa rv pa, dahil siya ang nakakaalam dito sa bahay.

"Asan na kaya yun?" Nandito na rin si Dwayne kasama ang iba pa na mukhang inaantok pa.

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya.

"Secret." Tumatawa niyang sinabi sa akin, wala namang nakakatawa. Baliw na talaga siya.

"Tara na umakyat na tayong lahat para maturo ko yung mga kwarto natin." Pagyaya ni Dwayne sa'min.

"Kanino mo ba inarkila tong bahay?" Si Amber naman yung nagtanong.

"Secret." Ayan na naman siya sa secret niya. Natawa nalang ako dahil hinampas siya ni Amber.

Nang makaayat na kami kita ko kaagad yung apat na pinto na magkakatapat.

"Ms. Laura sa dulong kanan po yung kwarto niyo at yung katapat naman ang kwarto mo Sir Blair. Hahaha bakit kasi magkahiwalay pa kayo ng kwarto." Malisyosong sinabi ni Dwayne.

"Hay nako Dwayne hindi ko rin alam kay Laura." Ani Sir Blair na parang nanghihinayang. Nagkatawanan nalang kaming lahat dahil sa sinabi niya.

"And dito yung kwarto niyo Chloe." Binuksan ni Dwayne ng unang pinto sa kanan.

Bumungad agad sa amin yung simoy ng hangin na nang gagaling sa tabing dagat dahil sa napakalaking bintana ng kwarto. Hindi ko talaga mapigilang hindi magulat dahil sa ganda ng view dito sa kwarto.

Nang mailapag na ng mga boys ang gamit namin ay pumunta naman kami sa kwarto nila na katapat lang din naman. "And this our room, syempre dapat magkakatapat." Pakita ni Dwayne sa mga kwarto na gagamitin namin.

Pagbukas niya ng pinto may nakita kaming natutulog sa pangalawang kama ng kwarto ng mga boys.

Nakita namin ang biglang pag galaw nito, siguro naramdaman niya na nandito kami.

Napabangon to at pupungas pungas pa.

Nang marealized ko kung sino siya ay mabilis ko siyang nilundag sa kama. "Clifford!"

"Aray Kenna ang bigat mo, ilang linggo lang ako nawala tumaba kana." Nagtawanan lahat sa sinabi niya pero nangibabaw yung tawa ni Craig.

"Grabe ka Craig." Puna ni Amber sa kanya.

"Haha kase hindi lang pala ako ang nakapansin." Hindi ko nalang pinansin ang pagtawa niya dahil mas gusto ko naman na masaya siya, kahit na ba pinagtatawanan nila ako dahil tumataba na daw ako.

"Ehem." Si Sir Blair na naman at ang signature niyang pag ubo.

"Yes Blair anong problema mo?" Nakataas kilay na tanong ni Ms. Laura

"Hindi paba tayo bababa gusto ko na talaga mag swimming." Parang batang sinabi ni Sir.

"Ayaw niyo ba munang kumain?" Sabi ni Clifford. "Mag papabasta muna ako ng pagkain kila Manang."

"Cliff kelan kapa dito?" Tanong ni Chloe sa kanya. Oo nga nawala na sa isip ko.

"Mag iisang linggo na, hindi naman ako nagtagal sa Scotland." Hindi na kami nagtanong ng nabanggit ang Scotland. As much as possible ay ayaw namin buksan ang usapan na yon dahil baka hindi kami mag enjoy.

"Paano ka napunta dito?" Si Craig naman ang nagtanong.

"Well si Dad ang may ari ng bahay na to, pagkagaling ko sa Scotland dito ako dumiretso. Actually andito siya hanggang kanina bago kayo dumating, kaya lang hindi na kayo nahintay." Kung ganon okay na din pala sila ni Inspector. Masaya kami para sa kanya.

"Diba Amber curious ka kung kaninong bahay to? Well alam mo na. Haha." Ayan na naman si Dwayne at nang aasar.

"At kung suswertihin ka mapapasayo to someday." Si Clifford naman ang nagbiro pero inirapan lang siya ni Amber. Galit parin kaya siya kay Cliff.

"Tama na yan, tara na kasi." Pangungulit ni Sir Blair.

Nagtawanan lang kami dahil sa pagkaisip bata niya.

***************

Sorry wala na akong maisip na Island na travel by land, and kung meron man puro isolated naman so Pagudpud is the best >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!