Chapter 36: Mrs. Ebenezer

2.7K 64 4

Mrs. Ebenezer

Wesley's POV

Dalawang araw na ang lumipas. Wala namang kakaibang nangyari bukod sa biglaang pag alis ni Cliffrod sa grupo. Kahina hinala dahil kahit mag iisang sem palang kami nagkasama alam ko na mahalaga ang MCC sa kanya gaya ng lahat ng myembro dito.

"Akala ko pa naman si Ahriman din ang may kagagawan nito." Wala sa sariling sinabi ni Amber habang nanonood sa mga pulis na maingat na tinatanggal ang katawan ng biktima. Nagpakamatay ito sa pamamagitan nang pagbigti ng sarili niya dito sa shower room nang gym.

Wala namang foul play na naganap. Kitang kita naman sa kopya ng cctv na mag isa siyang pumasok sa shower room. Tinapos namin ang kopya ng video pero wala talagang pumasok dito bukod sa kanya. Wala ring maaaring lusutan sa banyo para tumakas ang suspect, kung mayroon mang krimen na naganap.

"Wesley tignan niyo to ohhh..., nakuha ko sa kwarto ni Zsarina." Mabuti naman at naka gloves si Kenna, kailangan mag ingat dahil baka hindi to basta isang sulat.

Agad namin itong pinakita kay Insp. Donovan na abalang nakikipag usap sa mga naka diskubre ng bangkay niya.

"Inspector, tapos na po kami sa pag iimbestiga sa kwarto ni Zsarina. May nakuha po kaming suicide note." Binasa ito ng Inspector.

Tungkol ito sa mga magulang niya na hindi matanggap ang relasyon nila ng kasintahan niya, at paghingi niya ng tawad dahil sa mga kasalanan na nagawa niya. Na hindi pa malinaw kung ano.

"Pwede po bang mahiram namin ang sulat? Iibabalik din namin ngayong araw. Aalamin lang namin kung sulat kamay niya po ba talaga to, mabuti nang nagsisiguro dahil sa dami ng nangyari sa academy hindi na maiiwasan na hindi namin maisip na hindi to sinadya." Mahaba kong paliwanag kay Inspector na sana lang ay maunawaan niya.

"Sige lang Wesley, naiintindihan kita. Sa totoo lang pinapasalamatan ko kayo dahil malaki ang natutulong niyo sa amin. Hirap kaming umaksyon dito sa loob ng academy." Tumigil siya na para bang may inaalala bago muling nagsalita. "Para ka talagang si Efraim. Naaalala ko tuloy yung kabataan namin." Nakangiting sinabi ni Insp. Donovan na tila ba inaalala ang nakaraan.

Ibig sabihin magkakilala sila ni Dad? Hindi na muna ako nagtanong, gusto ko nang malaman ang tungkol dito sa bagong kaso.

Tama si Inspector hirap silang kumilos dito at maglabas'pasok dahil lingid sa kaalaman ng lahat ang tunay na nangyayari sa loob ng academy.

"Sya nga pala asan si Clifford?" Nagpalinga linga ang Inspector, ngunit bigo siyang makita ang hinahanap niya.

"Wala na po. Ang sabi ni Ms. Laura dumating yung mommy niya from Scothland para sunduin at ipadrop na si Cliff dito." Parang batang nagsusumbong na wika ni Kenna sa Inspector.

"Ah ganun ba?" Nagpatay malisya si Insp. Donovan pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Nang maialis na ang bangkay sa pagkakabigti nito, nagpasya na kaming bumalik sa headquarters. Kailangan nang pag usapan ang mga naganap tungkol dito sa kaso.

Nakasabay namin sa paglabas ng gym si Insp. Donovan.

"Paano niyo po nakilala si Detective Philbert?" Biglang tinanong ni Amber, narinig niya siguro yung sinabi ni Inspector kanina.

"Nako mahabang istorya hija. Sabihin nalang natin na mabuti siyang kaibigan at nakasama ko na siya sa paghawak ng mga kaso." Nakangiting sinabi niya. Kung ganun malapit nga sila ni Dad. Marami silang napagsamahan.

"Ui! Sila Ms. Laura yun ha! Kasama si Clifford." Turo ni Kenna sa mga taong nag uusap sa may lilim ng mga puno, sa gilid ng quadrangle.

"Tara lapitan natin." Wala na kaming nagawa dahil nakita na rin kami ni Ms. Laura at sinenyasan kami na lumapit sa kanila.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!