Chapter 60: Black Letter

1.7K 60 11

Black Letter

Chloe's POV

Nagulat ako sa pagiging agresibo ni Dwayne. Akala ko nagalit siya dahil sa naabutan niya pero hindi daw mangyayari yun dahil may tiwala siya sa akin. Laking pasasalamat ko nalang, hindi siguro ako mapapanatag kapag napasama ko ang loob niya.

Hindi ko lang inaasahan na sumama ang loob niya kay Craig dahil sa mga nalaman nila, hindi kasi siya yung tipo nang tao na basta nalang magagalit kung pinaglihiman siya. Ngayon lang yata.

Hindi ko siya masisisi sa naging actions niya dahil ako man ay nagulat pero hindi ko rin masisisi si Craig kung naglihim siya. Napakahirap naman kasi nang sitwasyon niya. Gusto ko ipaliwanag kay Dwayne ang side ni Craig pero alam ko na lalo lang gugulo ang lahat kung gagawin ko yon.

Mabuti nalang andito si Wesley kaya naawat sila. Nang bitawan ni Dwayne ang kwelyo ni Craig ay tumayo lang ito na parang walang nangyari, inayos ang sarili saka nag umpisang maglakad palayo sa amin na naiwang nakatayo dito.

Ilang segundo nang katahimikan pero wala talagang nagtangkang magsalita.

Nabasag lang ang katahimikan nang may marinig kaming footsteps. May nurse na lumapit sa amin.

"Sir may nagpapabigay po sa inyo." Sabi ng nurse kay Wesley.

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa inabot ng nurse. Bagay na pinaka ayoko nang makita. Black letter. Sulat galing kay Ahriman.

"Nurse alam mo ba kung sinong nagpadala nito. Namukaan mo ba?" Magkasunod na tanong ni Dwayne.

"Nako Sir pasensya na po. Naka hoody po kasi siya at naka facemask. Nung lumapit nga siya medyo nagulat ako pero napansin niya siguro kaya nagsalita agad siya ang sabi niya pasensya na may sakit kasi ako pwede bang pakidala nalang to sa confindentiality floor importante lang." Pag uulit ni nurse sa sinabi nang nagpabigay ng sulat.

"Lalaki po ba siya o babae?" Naisip ko bigla na wala pala kaming idea kung babae o lalaki si Ahriman.

"Lalaki po." Sagot ng nurse sa tanong ko.

"Sige salamat." Sabi ni Wesley sa nurse.

"Sa palagay ko Wes walang silbi kung titignan pa natin yung cctv, alam na alam ni Ahriman tong ospital at kung nasaan tayo." Ani Dwayne kay Wesley.

Tama si Dwayne, alam ni Ahriman na maaari namin subukan tignan sa kopya ng cctv kung sino siya kaya nag suot siya ng hoody at facemask. Ang nakakapag taka lang paano niya nakalusot sa guard. Ibig sabihin lang nito alam niya rin ang pasikot sikot sa ospital. Sa bagay nagawa na rin niya dati to, nang mag iwan siya ng sulat sa labas ng pintuan ng kwarto ko dito sa ospital.

"Mabuti pa buksan na natin." Sabi ko sa kanila para malaman na namin kaagad kung anong pakay niya.

Pagbukas namin sa sulat ay tumambad ang puzzle na naipadala niya na sa amin noon dito rin sa ospital nung mga panahon na naka confine kaming lahat. Ito yung laman ng sulat na iniwan niya sa labas ng kwarto ko. Yung larawan nang isang bata na kulang nang isang piece kaya hindi namin alam kung sino.

Sa pagkakaalam ko nasa headquarters lahat ng sulat na ipinadala niya, kung ganon paano niya to nakuhang muli at para saan at ipinadala pa niya for the second time. Anong gusto niyang ipahiwatig?

Ang sunod na laman ay isang lumang litrato ng mga kalalakihan. Parang may kutob na ako kung ano ito. Nagkatinginan kaming tatlo para bang pare-parehas kami nang iniisip.

Dahan dahan ibinaliktad ni Dwayne ang picture at tumambad sa amin ang tatlong pamilyar na letra. MCC.  Ito yung litrato na naikwento sa amin ni Kenna nung nasa beach kami. Pero paano to napunta kay Ahriman?

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!