Chapter 50: MCC's History (Part III)

2.3K 63 7

MCC's History (Part III)

Kenna's POV

"Dahil gusto ni Dad, sinabi niya rin sa akin na dito ako nababagay, at saka matalik silang magkaibigan ni Mr. Prodigious." Medyo nabigla ako sa sinabi ni Wesley, pero ng tignan ko silang lahat mukhang hindi lang ako ang nagulat.

"Wesley you mean kilala mo ng personal si Mr. Prodigious?" Pagkukumpirma ni Dwayne.

"Yes, I met him a few times." Sagot niya kay Dwayne.

"Guy's don't you think na maaaring may koneksyon kayong lahat?" Wala sa sariling sinabi ni Amber.

"Bakit kami lang Amber?" Sabi ni Clifford sa kanya.

"Hindi ko naman kasi alam kung kilala ni lolo or nila Mommy si Mr. Prodigious so ayoko namang mag assume diba?" Mataray niyang sinabi kay Clifford. Bumalik na sila sa dati,  gusto ko sanang matawa pero nag iba yung mood ngayon dito dahil sa pinag uusapan namin.

Sinabi ko rin sa kanila yung nasa isip ko. "Tama ka Amber may chance na may koneksyon tayong lahat dito. Si Daddy kasi friend niya si Inspector Donovan gaya nga nung sinabi ko kanina, pero si Inspector friend niya rin si Mr. Prodigious. At saka naalala niyo ba nung nagpakamatay si Zsarina? diba nabanggit ni Inspector na magkakilala rin sila ni Detective Philbert."

"Sa palagay ko Amber alam ko ng koneksyon mo." Hindi talaga tumigil si Clifford na hindi maging connected si Amber.

"Malalaking kaso na ang nahawakan ni Detective Philbert. Big cases equals big time Judge and I bet na imposibleng wala kahit isa sa case na yon ang hindi naging judge ang lolo mo or miski isa sa parents mo." May punto si Clifford sa sinabi niya.

"How about us? Me and Chloe?" Singit ni Dwayne sa usapan.

Parang nayanig yung pagkatao ko, naghalong excitement at kaba dahil sa mga natutuklasan namin, maaari ba talagang may koneksyon kami sa isa't isa, kung ganon ano naman ang pakay ni Ahriman sa amin.

"Wag muna kayong mag assume, dahil baka maligaw lang tayo lalo sa mga naiisip niyo. Kahit balibaliktarin niyo pa malaki naman talaga ang chance na magkakakilala sila. Judge ang lolo ni Amber, Inspector ang tatay mo Clifford, Detective ang daddy ni Wesley, at lahat tayo dito galing sa hindi mga simpleng pamilya, hindi malabong nagkasalamuha na sila dahil iisa lang ang mundo natin." Naguguluhan na ako dahil maaaring tama din si Craig ngayon sa sinabi niya.

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Craig hanggang sa basagin ni Ms. Laura ang saglit na katahimikan. "Pero wala namang mawawala kung susubukan natin alamin diba?" 

"Tama ka Ms. Laura wala namang mawawala, pero ang mas nakakapag takha bakit parang alam ni Ahriman ang kahinaan ng bawat isa, bakit parang sinadya tayong pagtagpuin lahat." Ani Chloe.

"Ano sa palagay mo Wesley?" Hiningi ni Sir Blair ang comment ni Wesley.

"Lahat tayo dito ay may punto, pwedeng tama si Craig dahil alagad ng batas si Dad, ang Dad ni Cliff at ang pamilya ni Amber, kaya siguradong nagkasalamuha na sila. Tama ka rin Chloe kung totoo si Ahriman saan at paano niya nalaman ang mga lihim natin, bakit alam niya ang sikreto ng bawat isa sa grupo. Paano siya nakapag desenyo nang laro? Pero ang pinaka bumabagabag sa akin si Ahriman lang ba ang may pakana ng lahat? hindi pa parang hindi sapat na isang tao lang ang gumagawa ng lahat ng to?" Hindi pumasok sa isip ko dati yung sinabi ni Wesley ngayon. Oo nga mag isa nga lang ba si Ahriman para kasing napaka imposible nga naman na bumuo ng laro ng mag isa lang.

"Pero ang pinaka malaking tanong ano bang pakay ni Ahriman sa akin, sa inyo at sa buong grupo? To be honest iniisip ko nung una na pure case lang to nang isang tao na obsess sa dinesenyo niyang laro para kumitil ng buhay, pero habang patuloy natin sino-solve yung cases parang paunti unti rin tayong sumasakay sa gusto niyang mangyari. Para bang ipinain niya lang yung mga naunang kaso para lumabas lahat ng pinagkakatago natin. " Pagtatapat ni Wesley sa naiisip niya, kitang kita namin ngayon na nahihirapan siyang ipaliwanag pero ganun pa man naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!