Chapter 1: Welcome to Cuthbert Academy

8.1K 225 40

Welcome to Cuthbert Academy

Wesley's POV

"Yes Dad, I'm here kadadating ko lang and I think everything is fine." Nilibot ng paningin ko ang napakalaking paaralan na pag aari ni Mr. Seymour Prodigious, matalik na kaibigan ni Dad.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nakiusap siya na kung maaari ay lumipat ako dito pero hindi na ako nag abalang magtanong ako na mismo ang tutuklas kung anong binabalak nila.

"Hi, are you Mr. Wesley Philbert?" Nahihiyang tanong sa akin ng babae na may maputlang balat mahabang maalon na buhok at light brown na mata sa palagay ko ay kaedad ko lang siya.

"Yes, and you are?" Tinaasan ko siya ng kilay hanggang maari ay ayokong makipag usap na kahit na kanino.

"I'm Chloe Maddox inutusan ako ni Ms. Roswell na ilibot kita dito sa school." Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pakay ng babaing kasunod ko pero alam ko na nagsisinungaling siya katatapos lang namin mag usap ni Dad at wala siyang sinabi na may ipapadala ang principal para ilibot ako sa academy.

Ramdam ko na kinakabahan ang babaeng kasama ko nakayuko lang siya at hindi nagsasalita habang patuloy kaming naglalakad.

Imposibleng inutusan siya ng principal na ilibot ako dahil parang hindi naman siya sanay lumapit sa ibang tao, masyadong mahiyain. Paano niya kakausapin ang ililibot niya.

Matagal kaming naglakad pero hindi man lang siya nagsalita. Hindi man lang ako kinausap hanggang sa tumigil kami sa paglalakad.

Nakarating kami sa isang malaki at abandonadong building na mukhang pag aari parin ng school.

"Parte paba ng school to? Kailangan ba na pati dito ay ilibot mo ako."

Humarap siya sa akin, nag sorry at mabilis na tumakbo papasok sa gubat.

"Teka!!" Sigaw ko pero nilamon na siya ng kadiliman.

Nagpasya akong pasukin ang building. Nakakailang hakbang palang ako ng may magtakip sa bibig ko ng panyo na may chloroform, bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita kong tatlong lalaki ang may kagagawan nito.

Nagising ako, madilim na at siguradong nandito ako sa loob ng lumang gusali. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag dito sa loob.

Sinubukan kong buksan ang mga pinto at bintana ng dahan dahan at walang tunog para makalabas pero nakalock lahat. May kutob akong mayroong gustong maglaro sa akin.

"Pssttt... pssstt." Hinanap ko kung saan nang gagaling ang sitsit.

Pag pasok ko sa mas madilim na parte ay may nakita akong isang babae na nakaupo at nakatali.

"Sino ka at bakit nakatali ka dyan?"

"Mamaya kana magtanong pakawalan mo muna ako." Maputi, matangos ang ilong, bilugan ang kulay blue niyang mata na lalong tumingkad sa liwanag ng buwan at mahaba ang kanyang blonde na buhok. Mukhang white lady.

May kakaiba akong naaamoy sa kanya habang kinakalas ko ang tali sa kamay niya.

Pagkalas ko sa tali niya sa kamay ay agad siyang tumayo at nagpakilala sa akin. "I'm Hermione Kenna Malcolm you can call me Kenna." Nakangiti niyang sinabi na parang walang masamang nangyari sa kanya

"Bakit ka nandito mag isa at bakit nakatali ka?"

"Hindi kaba muna magpapakilala diba ikaw si Wesley Philbert yung anak nung sikat na Detective."

Hindi ko na siya pinansin at nag umpisa na akong maglakad para makahanap ng daan kung saan pwedeng lumabas.

Pag tingin ko sa likod ay wala na yung babae.

"Ahhhhh!!!" Narinig kong tumili siya, parang galing sa pangalawang palapag ng gusali kaya agad ko siyang hinanap.

Pagpasok ko sa isang lumang silid ay naabutan ko siyang nakalupasay sa sahig at humihikbi. Pagtingin ko kung saan siya nakatingin ay nakita ko ang lalaking nakadapa at mukhang wala ng buhay masangsang ang amoy.

Madilim kaya hindi ko masyado makita pero naaaninag ko ang nagkalat na lamang loob, durog durog. May napansin akong iba pa sa loob ng kwarto at mukhang alam ko na to kaya sinubukan kong lumapit sa bangkay pero pinigilan niya ako.

"Wag kang lumapit baka malagyan ng finger print mo o kaya magulo mo yung crime scene." Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa akin dahil parang natataranta siya.

"Mabuti pa ay maghanap na tayo ng daan para makalabas at makahingi ng tulong." Paghila niya sakin.

Nagtataka ako sa inasta niya dahil sa bilis niyang magpalit ng mood.

Napangisi ako dahil kung sino man ang may pakana nito ay nag abala pa talaga sa pag welcome sakin dito sa academy.

***************

Cuthbert Academy >>>>>

Credits to Ms. PikaChuxWriter25 for my awesome bookcover.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!