Chapter 9: Library

3.3K 104 5

Library

Craig's POV

"Don't worry Mr. Mackenzie as we can see sa result ng CT Scan wala namang fracture na natamo si Ms. Malcolm. She's safe but expect her to be unconscious nang ilang oras dahil sa lakas ng impact ng tumama sa ulo niya." Paliwanag sa akin ni Dr. Wilbur ang school doctor dito sa Cuthbert.

Kasalanan ko to kung sana ay pinansin ko siya kagabi hindi mangyayari sa kanya to. Gabi gabi ko siyang hinahatid sa kwarto niya para lang masigurado ko na ligtas siya.

Masyado akong nadala sa emosyon ko ng marinig ko sa kanya na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Si Kenna ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko, kung may mangyayari sa kanya hindi ko na alam ang gagawin ko.

Wesley's POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Sumilip ako sa bintana, at kagaya nang nangyari nung nakaraang linggo ay ganoong eksena ang nakita ko. Maraming estudyante ang gustong makiusisa.

Lumabas ako para malaman ang nangyari. Sa dulo nitong hall natanaw ko si Insp. Donovan at Andrew kasama si Clifford at Dwayne. Lumapit ako sa kanila.

"Bakit ngayon ka lang? Natagpuang patay si Skyler De Silva dito sa kwarto niya. Tatlong saksak lahat sa dibdib. Walong oras na siyang patay. Ang nakakapagtaka ang dami niyang barkada pero bakit wala agad naka diskubre sa bangkay niya." Ani Clifford.

"May nakalimutan ka pang sabihin Clifford." Biglang nagsalita si Dwayne sa tabi ko.

"Ay oo nga pala natagpuang walang malay si Kenna sa cr ng dorminotory nila. Mukhang may pumukpok sa ulo niya. Mabuti nalang walang fractured, pero unconscious pa siya. Hindi pa alam kung iisa lang ang may kagagawan nito." Dagdag pa ni Clifford sa mga sinabi niya.

"Gusto mong puntahan?" Alam ko ang gustong palabasin ni Dwayne sa tanong niya at hindi ko papatulan ang pakulo niya.

"Hindi na, mas mahalaga to." Sagot ko.

Naagaw ng tumunog kong cellphone ang atensyon ng dalawang kasama ko.

Sinagot ko ang tawag galing kay Amber. "Amber?"

"Sorry Wesley kung naabala kita pero hindi sinasagot nila Cliff yung tawag ko pwede bang pumunta kayo sa headquarters. Importante tong nalaman ko." Tuloy tuloy na sinabi ni Amber.

"Anong sabi ni Amber?" Tanong ni Clifford.

"Pumunta daw tayo sa headquarters may nalaman siya." Maikli kong sagot.

Bago kami umalis nakiusap ako kay Clifford kung pwede siyang maiwan dito at gumawa ng paraan para wag munang linisan ang bangkay. Sa tingin ko ay kaya niya yun dahil mukhang close naman sila ni Insp. Donovan.

Pagdating namin ni Dwayne sa headquarters ay lumapit kami kay Sir Blair, Ms. Laura at Amber na tutok sa harap ng computer.

"Ano yan?" Nagulat silang lahat sa biglang nagsalita na si Dwayne.

"Hay ano ba! Papatayin mo ba kami sa nyerbos?" Sabi ni Ms. Laura na nakahawak sa dibdib niya dahil sa gulat.

"Wesley look nakagawa ako ng paraan para mapanood natin yun cctv ng school."

Pinakita sa akin ni Amber ang video ni Skyler at ng kasama nitong babae nang bumaba sa sasakyan at dumiretso sa kwarto ng biktima. Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay lumabas ang babae sa kwarto na parang balisa at duguan.

"Teka ayan yung babaeng choosy kagabi yung makapal yung make up. Aba at sumama talaga kay Skyler, mukhang may nangyari hahaha. Kaya lang suot parin niya yung gloves." Sinamaan nilang lahat nang tingin si Dwayne, pero tama siya suot parin niya ang gloves.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!