Chapter 39: Clifford's secret

2.1K 57 2

Clifford's secret

Amber's POV

Parang nanlalaki yung ulo ko sa mga nadiskubre ko. Hindi ko naman pwedeng iassume na totoo lahat yon hanggang hindi niya kinukumpirma. Gusto ko manggaling mismo sa kanya yung katotohanan. Ayoko ring isipin na maaaring siya si Ahriman, kaibigan ko siya at ayoko siyang pag isipan ng masama, pero sa mga nalaman ko parang ako na mismo ang nagduda sa kanya. Naguguluhan na talaga ako.


Sobrang occupied na yung isip ko, hindi ko na namalayan na nandito na ako sa labas ng headquarters. Nakaalis na pala lahat except kay Wesley na tinatanong ako ngayon.

"Wala kapa bang balak bumalik sa dorm mo?" Pakiramdam ko sinusubukan niya lang ako.

"Ahhh...ano pabalik na rin." Nabubulol ako dahil siya ang kaharap ko, magsisinungaling palang yata ako ay alam na niya.

"Kung ganoon bakit hindi kapa sumabay kila Kenna?" Nagdududa na siguro siya sa ikinikilos ko, kailangan kong umayos dahil ayokong mabisto niya na may mga nalalaman ako.


"Ahh kasi ngayon lang sila nagpansinan ni Craig. Baka kailangan nila ng privacy. You know, dun sa nangyari diba? Baka need nila mag usap." Sana maniwala siya sa mga dahilan ko.


"Ako na maghahatid sa'yo. Tara na." Alok niya sa akin, wala akong nagawa kundi tanggapin ang offer niya kesa maghinala pa siya.


"Okay sige." Sagot ko, habang nagpapanggap ako na nagtetext. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nga nagsisinungaling ako.


Sa huli nag decide akong itext nalang siya, kailangan ko siyang makita. Kailangan ko marinig sa kanya ang totoo ng harapan. Kailan namin mag usap.


Naglakad na kami patungo sa dorm, akala ko ihahatid niya lang ako hanggang sa tapat ng building pero mali ako. Hinatid niya ako hanggang sa tapat mismo ng pinto ng kwarto ko. Kailangan ko nang magmadali kaya madalian akong nagpaalam kay Wesley.



"Wesley thank you sa paghatid. Goodnight." Tumalikod na ako para pumasok sa kwarto ko, hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang maramdaman ko ang pag tapik niya sa akin.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala naman, sasabihin ko lang sanang magpahinga kana." Weird, pero wala na akong oras. Tinanguan ko nalang siya at tuluyan ng pumasok Kailangan ko nang itaboy si Wesley.


Nang makapasok na ako, dinikit ko kaagad yung tainga ko sa pinto. Pinakinggan ko kung wala na siya. Kilala ko si Wesley, mahirap siyang paniwalain. Nakasiguro nalang ako nung marinig ko yung mga yabag niya paalis.

Nang masiguro kong wala na talaga siya ay tumawag agad ako.

"Asan ka? Bakit hindi mo sinasagot yung text ko? Please magkita tayo. May gusto lang akong kumpirmahin." Hindi siya nagsasalita, nawawalan na ako ng pag asa.

"Queens Court Village, sa park. Hihintayin kita. I hope this will be the last time. Wala na akong panahon." Mabilis niyang sagot sa pakiusap ko. Salamat at pinag bigyan niya ako.

Mabilis akong kumilos, hindi na ako nagpalit ng damit. Baka magbago pa ang isip niya. Malapit lang din yung exclusive village na sinabi niya na pagkikitaan namin. May bahay ba siya doon? Bakit hindi namin alam. Sa bagay simula kanina ay nagdududa na ako kung kilala ba talaga namin siya.


Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng exit, nagpalinga linga muna ako, baka kasi may makakita sa akin na umalis. Lalo na si Wesley na nang galing dito. At hindi ko alam kung nakaalis naba si Craig dahil hinatid niya din si Kenna dito.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!