Chapter 57: Uncle Mori

2K 64 7

Uncle Mori

Kenna's POV

Nagpapakiramdaman kami ngayon dito dahil sa mga natuklasan namin, sa tulong narin ng pag uusap ng mga magulang namin tungkol sa nakaraan nila, hanggang sa malipat sa akin ang usapan nila.

Pakiramdam ko ngayon ay mas nakilala ko si Mommy dahil sa mga kwento nila, lalo na ng sabihin ni Detective Philbert na nagmana ako kay Mommy. Kaya lang parang hindi sinang ayunan ni Daddy dahil nagtatampo siya na wala daw akong namana sa kanya. Seloso pala ang Daddy ko.

"Nice Kenna, your future daddy likes you." Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa bulong ni Cliff, but stupid us. Narinig nang lahat ang bulong niya.

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Daddy na nakatingin na ngayon kay Clifford.

"I think you owe Mr.Malcolm an explanation ang ingay mo hahaha." Ginatungan pa ni Dwayne.

"Just call me Tito August, Dwayne." Nagawa pang itama ni Dad si Dwayne bago muli tumingin kay Clifford.

"Hehe Tito nagbibiro lang ako itanong niyo nalang sa kanila kung anong status nilang dalawa." Nauutal na sinabi ni Clifford. Gusto ko siyang hampasin ngayon dahil instead na bawiin niya ang sinabi niya ay mas lalo pa niyang dinagdagan.

"Hahaha August just leave the kids alone." Natatawang inawat ni Detective si Daddy, tsaka niya pinakilala si Wesley.

"This is my son Wesley. Who knows baka nakatadhana din tayong maging magbalae." Nahiya ako dahil sa sinabi ni Detective, pero nang tignan ko si Wesley, nakakunot na ang noo nito, nakukulitan na siya for sure.

Galit parin ba siya sa akin dahil sa nangyaring pag uusap namin sa Chapel.

"Dad....." Tinawag ni Wesley ang Daddy niya, parang pinapatigil niya sa pagsasalita.

"I hope that you and Kenna is an item." Hindi nagpatinag si Detective at patuloy sa pag match sa amin ng anak niya.

Pero hindi ko inaasahan ang kasunod niyang sasabihin. "You should better move on son."

Ibig bang sabihin nito ay may karelasyon si Wesley noon? bakit hindi niya sinabi sa amin? sa bagay wala naman kinalaman sa amin kung may karelasyon siya o hindi. So why bother telling us. Pero move on? ibig sabihin nga may mahal pa siyang iba, kaya ba urong sulong siya.

Sa pag iisip ko ay biglang may nahagip ang paningin ko. Pamilyar siya.

"Teka si Uncle Mori yon huh?" Wala sa sarili kong nabanggit sa gitna nang usapan ng mga kasama ko.

Kung nandito si Uncle Mori bakit hindi sumama si Craig.

"Kenna who's Uncle Mori?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Daddy hindi kasi sumama si Craig dito pero parang nakita ko si Uncle Mori yung guardian niya, remember wala na ang buong family niya diba. Si Uncle Mori nalang ang nag alaga sa kanya at nag manage ng business nila." Paliwanag ko kay Daddy.

"So where is he?" Hindi ko alam kung sino ang hinahanap ni Daddy, si Craig ba o si Uncle Mori. Sa huli naisip ko na baka si Uncle Mori ang tinutukoy niya dahil nandito kami sa party.

"Nawala nga sa paningin ko eh." Nanghihinayang kong sinabi. Matagal tagal na din namin siyang hindi nakikita.

Nakatalikod lang kami ni Daddy sa kanila at pinapanood ang dami ng crowd na nandito ngayon sa hall. Nagbabaka sakaling makita kong muli si Uncle Mori.

"Here's the Alumni! Haha." Mabilis akong humarap dahil sa narinig kong pamilyar na boses.

"Uncle Mori." Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!