Chapter 21: Gun

2.7K 93 0

Gun

Amber's POV

Hindi ako sumunod kina Wesley nang makarinig kami ng putok ng baril, sa halip tumakbo ako kung saan maaaring nandoon sina Clifford. They don't have any idea kung sino nga ba ang tunay na kalaban.

Bang......

Napapikit nalang ako habang tumatakbo dahil sa panibagong putok ng baril. Sana lang ay walang napahamak sa mga kaibigan ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga kaganapan.

Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa matanaw ko ang anino nila sa taas ng Orofeo, minadali kong akyatin ang bawat floor ng mag kakambal na building para lang maabutan sila. Hingal na hingal akong humarap sa kanila kaya napatigil silang lahat nang makita ako.

Aakayin na ni Clifford si Brittany na walang malay at duguan ang binti. Siguradong ginawa niya yan sa sarili niya.

"Clifford nandito na si Amber, kailangan kong mahabol ang salarin kayo ng bahala kay Brittany." Nagmamadaling sinabi ni Craig, No Craig walang salarin, gusto kong ipagsigawan sa kanila.

"Hindi na kailangan Craig dahil si Brittany ang may kagagawan ng lahat." Sinabi ko na agad sa kanya, dahil ayokong masayangan lang sila ng oras.

Hindi na ako nagawang pansinin ni Craig. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi nasa ibaba na ng kakambal na building nitong Orofeo. Si Dwayne habang karga karga ang duguan na si Chloe.

Nag unahan ng tumulo ang luha ko bago pa ako magsalita, kailangan kong lakasan ang loob ko. "Clifford dalhin mo na rin ang isang yan sa ospital o kung ayaw mo ay iwan mo nalang. Mas mabuti pang mamatay na yan masyado nang malaking damages ang ginawa niya." Masamang tingin ko sa babaeng nakahandusay sa harapan ko.

Umalis ako at iniwan silang nalilito sa mga sinabi ko. I hope this would not be the end for Chloe, and for Dwayne.

Clifford's POV

Hindi ko na muna inintindi ang sinabi ni Amber at dali-dali kong kinarga si Brittany na wala ring malay dahil sa tama ng bala sa kaliwang binti niya.

"Craig ikaw ng bahala sa baril, siguraduhin mong hindi mabubura yung finger prints na naiwan dyan." Habilin ko kay Craig bago pa ako bumaba para isugod sa ospital si Brittany.

Wala akong narinig na anumang sagot kay Craig, kagaya ko ay mukhang pinoproseso niya sa isip ang mga nangyari.

Nang makababa ako sa Orofeo building ay may mga ambulansya na pala. Mabilis na kinuha ng medics si Brittany sa bisig ko. Nilapitan sila ni Wesley at may ibinulong, siguro ay para sa gunpowder na makukuha sa kamay ni Brittany kung totoo yung sinabi ni Amber.

Ano ba kasing totoo?

"Clifford ayos ka lang ba?" Nandito rin pala ang magaling na Inspector.

"Bakit Inspector Donovan nag aalala kaba sa akin?" May pagkahalos inis na tanong ko.

Hindi na sumagot si Donovan sa sinabi ko, at tumungo nalang kung nasaan si Andrew na kasalukuyang pinapakalma si Amber.

Nakita ko na nandito ang lahat maliban kay Chloe.

"Asan si Chloe?" Nakayuko lang ang lahat.  Wala man lang sumagot sa tanong ko.

"Nasaan si Chloe?" Pag uulit ko dahil nabingi na yata lahat nang tao dito.

"Sinugod na siya sa ospital Clifford. Kritikal ang kundisyon niya, sa dibdib siya nabaril, halos malapit na yata sa puso." Si Ms. Laura na ang sumagot para sa lahat.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!