Chapter 22: The Past

2.4K 79 0

The Past

Craig's POV

Isa-isa na silang nagsabi ng mga nalalaman nila, kaya nag desisyon akong magsalita na rin tungkol sa mga napansin ko.

"Nakita kita nung gabing umiiyak si Chloe, nakatayo ka sa may bintana ng headquarters. Sigurado akong nakikinig ka sa usapan nila dahil gusto mong siguraduhin na aalis na siya sa grupo gaya ng napag usapan niyo." Naalala ko bigla yung gabi kung saan nakasalubong ko siyang nakangiti.

Nagtaka ako nung gabing yon dahil nasa labas pa siya, kung talagang may nagtatangka sa buhay niya dapat ay hindi siya nagpapakalat kalat sa academy.

"Ginawan mo pa kami ng issue ni Chloe! Nag imbento ka na may gusto siya sa akin para lalong mainis si Dwayne sa kanya. Siguro naisipan mong gamitin ako nung ayaw kitang bantayan dahil malungkot si Chloe. Nainis ka dahil siya ang gusto kong samahan at hindi ikaw, kaya gumawa ka ng istorya.." Sumbat ni Clifford sa pagkakadawit niya sa pangalan ni Chloe.

"Ano may idadagdag pa kayo?" Mataray niyang sinabi sa lahat.

"Kanina dahil sa taranta mo na baka sabihin namin kay Dwayne ang katotohanan hinanap mo si Chloe at nagpasya kang patayin nalang siya, dahil maaari niyang aminin ang totoo kay Dwayne kung saka sakaling komprontahin siya nito. Si Chloe lang din naman ang makakapag patunay na hindi ka inosente at ikaw ang may pakana ng lahat, pero dahil wala sa plano mo na ngayon mo na papatayin si Chloe hindi kana nakapag isip. Hindi mo naisip na maaari kaming makakuha ng fingerprint sa baril, ganun din sa kamay mo na may makukuhang gun powder. Sa taranta mo napilitan ka nalang na baralin ang sarili mo para isipin ng lahat na inosente ka, na biktima ka rin." Detalye ni Wesley sa maaaring naganap.

Tama, sa ilang araw na nakikita ko siya ay mabigat na talaga ang loob ko sa kanya, pakiramdam ko hindi totoo ang pagiging inosente niya. Malayong malayo sa ugali ni Chloe o Kenna. Hindi rin siya kagaya ni Amber. Hindi ko ito sinasabi dahil nasanay ako sa tatlo, pero yun ang nararamdaman ko.

"Kung ganoon ano ba yung katotohanan huh? Brittany?" Napatingin kaming lahat kay Dwayne na ngayon lang nagsalita.

Ilang segundong katahimikan ang naganap, walang nagsalita, hindi na muling nagtanong si Dwayne at walang naging sagot si Brittany.

"Kung hindi ka magsasalita ang mabuti pa ay hintayin nalang natin magising si Chloe." Hindi na nakapag hintay si Dwayne at nagpasya nang umalis pagkatapos sabihin ang mga salita niya.

"Hindi na kailangang si Chloe pa ang magsabi. Sasabihin ko na ang katotohanan, tutal wala naman gaanong alam si Chloe kung sino talaga ako." Humarap si Dwayne bago pinag patuloy ni Brittany ang sasabihin niya.

Anong ibig sabihin niyang walang alam si Chloe kung sino talaga siya? Kung ganun sino nga ba talaga siya?

"Twelve years ago may matalik akong kaibigan, pero nawala siya sa akin dahil inagaw siya ni Chloe pati narin ang kuya niya." Pag uumpisa ni Brittany, si Dwayne na marahil ang tinutukoy niyang kaibigan.

"Mas masayahin, mas mayaman, mas maganda, mas matalino at mas mabait siya kumpara sa akin. Nang makilala niyo siya kinalimutan niyo na ako! Parang hindi na ako nag exist sa buhay niyo ni Dwight. Nang mabalitaan kong nakidnap kayo at namatay si Dwight dahil kay Chloe akala ko pagkakataon ko na ulit maging kaibigan ka. Pinuntahan kita sa inyo pero itinaboy mo din ako! Akala ko pag nagalit kana kay Chloe ay babalik na tayo sa dati pero hindi pala. Nangako ako na gaganti ako kay Chloe at babalikan kita. Hinanap ko kayo, nalaman ko na nasa iisang paaralan kayo kaya lumipat din ako dito, pero napansin ko na nagpapanggap lang si Chloe na hindi ka niya kilala, kaya ginamit ko yun bilang advantage ko, advantage para mapalapit sa iyo, at the same time para lalo kang lumayo sa kanya." Pahayag niya sa katotohan. Nakayuko siya at nag umpisa ng tumulo ang luha niya.

"Ginamit mong advantage ang nakaraan namin para sa sarili mo." Galit na sinabi ni Dwayne sa kanya, sa katotohanan.

"Tama ka! Pero ang tanga tanga niya dahil naniwala siya sa akin na nakalimutan mo na siya, at ang nangyari kay Dwight. Nang malaman ko yun, tinakot ko siya na ipapaalala ko sayo ang nakaraan kapag hindi siya sumunod sa akin, pero wag mong isisi lahat sa akin, hindi ako ang pinaka may kasalanan ng lahat. Noon pa naman talaga niya iniisip na nakalimutan mo na siya, pero mas pinaniwalaan pa niya yun ng magkausap kami." Matagal nang pinaniwala ni Chloe ang sarili niya na kinalimutan na siya ni Dwayne, pero mas naniwala pa siya dahil sa pag uusap nila ni Brittany.


"Sayang lang akala ko mababawi na kita. Mahal na mahal kita Dwayne bata palang tayo. Tumigil pa akong mag aral ng dalawang taon para ayusin ang sarili ko, para mas gumanda, para mahigitan si Chloe." Tumayo siya at lumapit kay Dwayne.


"Tignan mo ako Dwayne......mas maganda na ako kay Chloe, hindi na siya magtatagal pwede ka ng bumalik sa akin." Nagtangka siyang hawakan ang mukha ni Dwayne pero umilag ito.

Sa bilis ng pangyayari hindi na namin nakita na nasugod na siya ni Amber, mabilis siyang nahaltak ni Amber at sinampal ng malakas.

"Anong tingin mo kay Dwayne laruan na pwede mong bawiin? At ano sa palagay mo ang damdamin ni Chloe? Hindi mo alam gaano kasakit sa kanya ang nangyari noon—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Amber, hinila ko siya para malayo kay Brittany at ako ang nagtuloy ng mga sasabihin niya. "Doble nang nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ni Chloe. Hanggang ngayon naaalala niya ng detalyado ang pagkamatay ni Dwight, at kung paano siya sinisi ni Dwayne. Maging okay man siya sa paningin mo, habang buhay na niya maaalala ang nangyari sa kanila dahil sa kondisyon niya. Alam mo naman siguro na may kakayahan siyang alalahanin ng buong buo ang mga nangyari noon diba? Hindi kagaya mo, ipupusta ko na nakalimutan mo na kung paano ka itinaboy ni Dwayne dati. Ang mahalaga na sayo ngayon ay yung kasalukuyan, kung paano mapapa sa'yo si Dwayne. Hindi kagaya ni Chloe na dala-dala hanggang sa pagtanda niya yung alala na nangyari sa kanila. Kagaya mo Brittany mahal niya rin si Dwayne pero wala siyang lakas ng loob na ipaalam pa to, dahil sinisisi niya parin ang sarili niya. Sana ay gumawa ka nalang ng ibang paraan para mapansin ka ni Dwayne dahil sa totoo lang hindi mo karibal si Chloe." Mahaba kong paliwanag, para maintindihan niya na hindi si Chloe ang kalaban niya, kundi ang insecurities niya.


Napatingin kaming lahat dahil nagsalitang muli si Dwayne. "Brittany hindi mo ako pwedeng bawiin dahil hindi mo ako pag aari o ng kahit sino pa man. Naaalala ko nung bata pa tayo bago ko makilala si Chloe ay gusto kita, sadya lang na mas nagustuhan ko si Chloe. Isa pa gustong gusto ka ni Dwight kaya hindi maaaring  iwasan ka namin. Ikaw ang kusang lumayo. Pero alam mo? Sayang lang maaaring nagustuhan sana kita kung maayos kang nagbalik, lalo na kung hindi naman pala ako gusto ni Chloe. Hindi mo na rin kailangan ayusin ang sarili mo dahil maganda kana noon pa, pero sa ginawa mo mas lalo mong napatunayan na si Chloe lang ang babaeng para sakin." Pagkatapos ng mga sinabi ni Dwayne ay lumabas na siya ng kwarto. Iniwan niya kaming lahat na nakatulala.

Napaupo nalang si Brittany sa sahig at nag umpisa na naman umiyak. Luha ng pagsisisi at panghihinayang. Nilapitan ko siya at sinamahan, may nagawa man siyang masama, dahil yon sa lubos niyang pagmamahal sa lalaking hindi siya kayang mahalin pabalik.


THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!