Chapter 65: Great pretender

1.9K 75 24

Great pretender

Amber's POV

Dito nagtungo sa garden ang lahat after nang mass para kay Mommy Quia.

"Siguro this is the right time para sabihan ko sa inyo." Pumaibabaw ang katahimikan dahil sa sinabi ni Mr. Prodigious.

"Anong ibig mong sabihin Seymour?" Tanong ni Inspector Donovan sa kanya.

"Three years ago nalaman ko na nag aaral pala ang mga anak niyo sa Cuthbert pero hindi sila magkakakilala, kaya naisipan ko na bakit hindi ko sila pagsama samahin?" Ibig sabihin siya pala ang may pakana nang pagsasama sama namin.

Para saan? At paano?

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Mommy sa kanya. Iba ang tono ng pananalita niya.

"Naisipan ko silang padalhan ng invitation para manatili ng libre sa isang hotel na pag aari ko. Gusto ko na maging magkakaibigan sila gaya natin." Kung ganon siya nga talaga ang dahilan, pero bakit parang hindi siya masaya sa sinabi niya.

"Pero alam mo na hindi sila dapat magsama sama." Tuluyan nang nagalit si Mommy kay Mr. Prodigious.

"Ano bang ibig niyong sabihin?" Hindi na ako nakatiis kaya sumabat ako sa usapan.

"Amber wag kang sumabat sa usapan! Hindi kita pinalaki na ganyan." This is the first time na nasigawan ako ni Mommy sa harap nang maraming tao. Wala akong nagawa kundi mag back off dahil sa pagsigaw niya.

"How about me Dad? Eto rin ba ang reason niyo kaya niyo ako pinalipat sa Cuthbert?" Si Wesley naman ang sumabat, sa tono nang pananalita niya ramdam ko na may hindi sila pagkakaunawaan si Detective Philbert.

"Wesley wag kang magalit sa Daddy mo. Ako ang nakaisip na mag transfer ka sa paaralan ko, pero hindi lang para makilala sila Kenna at ang iba pa." Si Mr. Prodigious ang sumalo sa tanong ni Wesley sa Daddy niya.

"Kung ganon ano pa po bang dahilan?" May pagdu-dudang tanong ni Wesley. Nagtanong lang siya pero wala na siyang balak makinig.

"Dahil malaki ang tiwala namin ng Daddy mo sa'yo. Naisip namin na makakatulong ka sa grupo nila Laura, pero mali pala kami nang inakala. Imbes na mapabuti ay napahamak na kayo, kaya mabuti pang itigil niyo na ang pag iimbestiga niyo. Ipaubaya niyo na to sa amin." Malungkot na sinabi niya, hindi lang kay Wesley kung hindi para sa aming lahat na myembro ng MCC.

Hindi na sumagot si Wesley kay Mr. Prodigious, instead kay Detective siya bumaling at nagsalita.

"Ikaw Dad may sasabihin ka rin ba? Sa tingin ko ay nasabi na ni Uncle lahat."

Pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya at umalis, palayo kung nasaan kaming lahat. Walang nag tangkang sumunod o tumawag kay Wesley dahil alam naming lahat na hindi siya makikinig.

Tahimik lang kaming lahat dahil sa pag walk out ni Wesley, hanggang sa magpaalam na si Mommy.

"Sa palagay ko ay kailangan na namin mauna sa inyo dahil may trabaho pa kami ni Papa mamayang gabi." Paalam niya bago lumapit kay Kenna.

"Kenna, hija alam ko na hindi madali ang pinag dadaanan mo pero kung kailangan mo nang makakausap nandito lang ako. I can be your Mom." Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

May nabuo akong idea dahil sa sinabi ni Mommy. Aalis sila kaya makakatakas ako mamaya. Tinext ko agad si Wesley para sabihin sa kanya ang balak ko. Ganon din si Cliff, tinext ko siya, sana lang ay masamahan niya ako mamaya dahil hindi naman pwede si Dwayne neither Craig. Parehas silang may binabantayan.

To: Wesley

Nahanap ko yung mga files ng mga nahawakan na case ni Lolo. Naka save lahat sa USB ko muntikan pa kong mahuli kanina. Narinig ko na may aasikasuhing trabaho sila Mommy mamayang gabi kaya tatakas uli ako. Sa headquarters muna ako mag istay.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!