Chapter 66: The snake

2.1K 65 26

The snake

Dwayne's POV

"Kamusta na kaya sila? Hindi man lang tayo nakapunta sa mass para sa Mommy ni Kenna." Pinapanood ko lang si Chloe habang sinasabi niya sa'kin ito.

Malungkot siya dahil hindi naka attend sa mass for Mommy Quia, iniisip niyang wala siyang kwentang kaibigan dahil hindi niya nagawang makiramay kay Kenna.

Alam ko naman na maiintindihan siya ni Kenna, hindi naman siya nandito para lang tumambay. Kailangan niyang namatili dito sa ospital, nung gabi kasi na nagpadala nang sulat si Ahriman ay nag bleed yung opera niya sa dibdib. Delikado dahil malapit sa puso.

"Wag ka nang malungkot, I'm sure they will understand. Kenna will understand. Malaki parin ang nacontribute mo sa grupo babe, kahit na lagi kang nandito. Tignan mo ikaw ang nagbabantay kay Sir Magnus. Siguradong pag gising niya matutuwa siya na ikaw ang nagbabantay sa kanya. Dahil ang bait at ang ganda ng bantay niya." I tried to comfort her, habang nakatingin kaming parehas kay Sir Magnus na hindi parin nagigising.

Napansin ko na inaantok na si Chloe. Nang tignan ko ang orasan past ten na pala, hindi na namin namalayan. Kaninang kanina pa kami dito sa loob ng ICU.

"Chloe matulog kana, ako nang bahala dito." Tumango lang siya sa sinabi ko, hindi na siya kumontra. Inaantok na talaga siya.

Halos magkatabi lang naman ang kwarto niya at itong ICU kung nasaan si Sir Magnus. Pwede ko silang bantayan ng sabay.

"Paano ka Dwayne?" Halos papikit na siya habang tinatanong ako.

"Doon lang ako sa hallway para makita ko kayo ng sabay ni Sir Magnus. Just rest Chloe." Inalalayan ko siya pahiga sa kama niya.

Nang makasigurado akong komportable na si Chloe nagpasya na akong lumabas, pero bago pa ako makalabas pumihit ako pabalik sa kama niya. I forgot my phone. Bawal kasi to sa loob ng ICU.

Pag ilaw palang ng screen ko bumungad na ang napakaraming missed call from Amber. Ano kayang nangyari sa isang yon, never niya akong tinadtad ng calls.

Kinutuban ako bigla kaya napaupo ako sa sofa dito sa kwarto ni Chloe. Tinawagan ko siya.

Matagal bago niya tuluyang masagot ang tawag ko.

"Amber?"

Hindi siya sumagot pero may naririnig akong tunog sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan parang puro kalabog. Puro mga yabag.

Anong nangyayari?

"Amber what is happening?" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya napabangon si Chloe sa pagkakahiga niya.

"You're a great pretender!!!!!" Napakalakas na sigaw ni Amber, sigurado akong hindi ako ang sinasabihan niya.

Bago tuluyang mawala sa kabilang linya si Amber, nakarinig ako nang mahinang pagtawa.

Para kong nanlumo sa mga naisip ko. This is impossible. Nasaan ba ang babaeng yon?

Anong pinag gagagawa niya. Who is this great pretender na sinasabi niya?

"Dwayne what happened?" Nag aalalang tanong ni Chloe. Wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya.

"I missed a call from Amber an hour ago, so I called back. Pero hindi siya sumagot, narinig ko lang na sumigaw siya. After non may narinig akong tumawa." I don't know kung naiintindihan pa ni Chloe ang sinasabi ko, dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. All I think about is Amber.

"Go ahead Dwayne." Napako ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" Paglilinaw ko sa sinabi niya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!