Chapter 58: Alumni

2K 76 8

Alumni

Wesley's POV

Napakarami ko nang narinig, sapat na para makabuo ako ng teorya tungkol sa laro, pero may isa akong katanungan na dapat ko nang malaman sa harap nila mismo.

"So Uncle Seymour, what do you mean when you call them Alumni?" Para silang nahuli sa akto sa tanong ko.

"Wala bang nakakaalam sa inyo?" Tanong ni Uncle sa aming mga anak nila.

"We don't know nothing Uncle." Sagot ko sa kanya.

"Well we used to study in Cuthbert, all of us here except Judge Kenda syempre hahaha." Natawa rin sila sa biro ni Uncle Seymour.

"Hindi ka parin magbabago na bata ka. Pilyo ka parin." Umiiling iling na sinabi ng lolo ni Amber.

"As in lahat po kayo?" Paguulit ni Amber sa tanong.

"Yes, everyone. Ako, si August, Garreth, Efrain, at ang Mommy at Daddy mo Amber. Yung Daddy mo naman Dwayne he used to hang around with us dahil naging item sila ni Paige haha, pero taga Cuthbert din siya." Inisa isa ni Uncle Seymour Prodigious ang mga pangalan nila.

"Including Cassandra, and Quinn." Dagdag pa ni Tita Paige, ang mommy ni Amber.

"And Georgina." Tumatawang sinabi ni Inspector Donovan.

"God, you are totally giving me a headache Garreth." Kuhang kuha talaga ni Amber ang lahat sa Mommy niya.

"Why Tita hindi po ba kayo kasundo ni Mommy?" Usisa ni Clifford.

"Anak don't ask your Tita Paige baka mag hysterical yan." Awat ni Inspector kay Clifford.

"Paige paano kung magkatuluyan nga ang anak mo at ang anak ko?" Biro ni Inspector kay Tita Paige.

"Well past is past." Sarkastikong sagot ni Tita Paige kay Inspector.

"Hahaha I understand what you feel Tita, sometimes my Mom is a one crazy woman." Pag oopen ni Clifford tungkol sa Mommy niya.

"No hijo, wag mo sabihing sometime. It's all the time." Pagtatama si Tita kay Clifford at natawa nalang ito.

"And Dwayne, your Dad was once a cassanova noong panahon namin." Sabi ni Uncle kay Dwayne, schoolmate nga talaga silang lahat.

Sa tingin ko dito na magtatapos kung ano lang ang kaya nilang ibahagi sa nakaraan nila, tumatawa sila, nagbibiruan pero ramdam ko ang limitasyon ng mga kwento nila. Sana lang napansin yon ng mga kasamahan ko.

Craig's POV

Napatingin ako sa orasan, sigurado ako na sa mga oras na to alam na nila Kenna ang lahat.

Nandito lang ako sa may hallway ay nakaupo sa mga upuan malapit sa mismong ICU at kwarto ni Chloe. Binabatayan sila, lalo na si Sir Magnus na in-coma parin. Sana lang ay magising na siya, dahil bukod sa mukhang alam na niya ang lahat, ay hindi siya deserving na madamay sa laro. Napakabuti niyang tao at mahalaga siya kay Kenna.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Chloe na dahan dahang bumukas. Si Chloe gising pa pala.

"Bat gising kapa?" Tanong ko sa kanya. Matagal na pala kaming hindi nag uusap nito.

"Maghapon na akong tulog Craig tsaka diba dalawa tayong dapat na magbabantay." Yun pala ang dahilan niya, ang bait talaga ni Chloe.

"Nakaupo lang naman ako kaya walang problema sa akin, isa pa kailangan mo nang maraming pahinga dahil sa bakasyon." Sabi ko sa kanya, totoo naman dahil hindi lang simpleng bagay ang nangyari sa kanya, kailangan nang mahabang pahinga.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!